Part 30

961 34 1
                                    

BRICE

NAGULAT AKO nang bigla siyang gumalaw. Sa tingin ko, nagigising na siya. Nataranta ako mula sa pagkakaupo ko. Nakita kong nakakunot ang kaniyang noo habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

Ano'ng gagawin ko?!

Mga ilang minuto pa ay tumigil na rin siya sa paggalaw at nawala na ang mga kunot sa kaniyang noo. Nakakatakot pala itong matulog. Mukhang nasasaniban. Maluwag akong bumuga ng hangin. Akala ko talaga gigising na siya. Bumalik na ako sa pagkakaupo ng maayos. Nakayuko ang ulo ko at nakatingin lang ako sa sahig.

Tinignan ko ang aking wrist watch upang malaman kung anong oras na. It's already 4:05 pm. Kanina pa nagsiuwian.

Ang babaeng 'to, ang tagal matulog tapos nakakatakot pa. Pinainom ba ito ng nurse ng sleeping pills?

Nakayuko pa rin ang ulo ko habang kinukuha ko ang phone ko sa aking bulsa. Pagkakuha ko, I saw 25 unread messages and 1 missed call. Oh, I forgot! Pinatay ko pala ang volume ng phone ko kaya hindi ko ito napansing nagri-ring.

Binuksan ko ang 25 unread messages. Ang iba ay galing kay Ellison, Dirk and Aerence. At iyong iba naman ay galing sa isang unregistered number. Napakunot tuloy ang aking noo. Who could it be?

From: Unregistered number

I'm back.

Baka wrong send lang. Sino naman ang magsasabi nito sa akin? Maliban na lang kung---. Tinignan ko rin kung sino 'yong nag-missed call sa akin. Iyong unregistered number din. Sino kaya itong tumatawag sa akin? Baka wrong call lang din siya. Ngayon lang nagparamdam sa akin ang unregistered number na ito. Nakapagtataka.

Naramdamn ko na lang na biglang gumalaw ang kama. Inangat ko ang ulo ko at tinignan ang nakahiga roon. Pailing-iling ang ulo niya habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

"Kurt..." Napatingin lalo ako sa kaniya dahil nagsasalita siya habang natutulog.

Pero tulog ba talaga siya?

"Kurt... Kurt don't leave me." Nakakunot ang kaniyang noong nagsusumamo.

A nightmare?

Nananaginip na ba siya ng masama? Ano kaya ang napapaginipan niya? Nilagay ko sa tabi niya ang kamay ko at isinandal dito ang baba ko. Manonood muna ako sa ginagawa niya. It would be fun, right?

"Hay naku, Ms. Masungit," sabi ko habang nakapatong ang baba ko sa palad ng kamay ko.

"Kurt... please, Kurt..." biglang gumalaw ang kanan niyang kamay na malapit sa kamay ko. Nagtataka namang sinundan ko ng tingin ang kaniyang kamay na wala pa ring tigil sa pagkapa. Nagulat ako nang bigla na lang niyang hinablot ang kamay ko.

"ARAY!" daing ko.

Bumagsak tuloy ang ulo ko sa kama dahil nga sa hinigit niya ang aking kamay. Hinaplos-haplos ko pa ang baba ko gamit ang kaliwang kamay ko.

"Hey, let go of my hand," utos ko sa kaniya kahit imposibleng marinig niya ako.

Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko at unti-unting humihigpit ang kapit niya dito. Feeling ko namumuo na 'yong dugo sa kamay ko. Ano ba kasing trip ng masungit na ito? Bakit kailangan pang hawakan ang kamay ko? Babaeng 'to! Kung makahawak akala mo'y parang iiwan.

"Aray masakit! Nakakarami ka na, ha! Hoy! A-aray! Bitaw!" Hinila-hila ko ang kamay ko mula sa kaniya ngunit mukhang alam niya na kakalas ako kaya mas hinigpitan pa niya ito. Naramdaman ko pa ang matitilos niyang kuko sa braso ko. Babaon yata.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon