MEGAN
NAPANGANGA NA lang ako sa mga sinabi ng mga kaibigan at kaklase ko bago kami ipasok sa loob ng isang room. Hindi ko alam kung ano'ng room ito. At wala akong pakealam! Ang gusto ko lang ay ang makaalis at makalabas na dito.
"Kuya! Ano po ba 'to? Bakit n'yo kami ipapasok dito?" reklamo ko ulit sa kanila. Hindi talaga ako titigil hangga't hindi ako nakakalabas dito.
Tumingin ito sa akin. "Miss, napag-utusan lang kami," sagot ng lalaki habang pilit kaming ipinapasok sa loob. Wala na akong nagawa kundi ang magpadala na lang tutal hindi rin naman nakikipag-cooperate ang isa diyan. Tss. Pa-cool lang eh! Parang walang nangyayari sa paligid niya. Sapakin ko siya, eh!
"Sino po? 'Yong mga kaibigan ko ba?" tanong ko sa kaniya. Kapag nalaman ko talagang sila 'yon, mas malala pa dito ang aabutin nila sa akin.
Bigla nila kaming iniupo sa isang sofa na nasa kalagitnaan ng room na pinasukan namin.
Nakapagtataka. Saan nanggaling 'yong sofa?
"Oo," sagot nito.
"Eh, ano po ba 'to--- itong lugar na ito?" Pagtutukoy ko sa buong room na ito.
"Pwede, manahimik ka?!" singhal sa akin ng katabi ko.
Binigyan ko siya ng don't-talk-to-me look. Muli kong hinarap 'yong dalawa na busy ngayon sa pag-aayos ng kamay namin na naka-posas.
Hay salamat, aalisin na rin nila!
Nakangiting humarap sa amin ang babaeng kasama namin kanina. "This is the Acquaintance Booth. Isang booth kung saan pinagsasama ang dalawang tao para magkakilala nang lubusan, magkausap nang maayos at ma-develop," paliwanag nito. Kinuha naman niya ang camera na nakasabit sa kaniyang leeg. "Okay na ba, Kris?" tanong niya sa lalaki na nag-aayos pa rin sa posas namin. Pilit niyang pinagtatabi kami. Napanguso tuloy ako nang malaman kong hindi pala nila aalisin ang posas sa kamay namin.
Tumingin ang tinatawag nitong Kris sa babaeng may hawak na camera. "Magugulo eh. Paglalapitin ko, hihiwalay 'yong isa. Pagdidikitin ko, titingin sa ibang lugar 'yong isa. Ikaw na nga, Bie" kakamot-kamot sa ulo na sabi nito at lumapit sa babae na nasa harapan na namin at handa nang kunan kami ng picture.
"Come on, lovers. Cooperate with us. Kung patuloy lang kayong iiwas sa isa't isa, hindi kami magdadalawang isip na ilipat kayo sa ibang booth at dalhin sa Blind Date Booth," nauubusan na ang pasensyang suway sa amin ng babae.
Ano?! Ililipat kami do'n? Ayoko nga! Mag-de-date?! Tsk! Never!
Pigil ang inis na umayos ako ng upo at tumingin sa babae na nakabusangot.
"Hey Mister, medyo lapit ka naman sa girlfriend mo," sabi ng babae kay Mr. Playboy.
"What?!" bulalas niya.
"I said, medyo lapit ka sa girlfriend mo," ulit niya at diniinan pa ang salitang girlfriend.
"She's not my girlfriend," napamaang na sabi ni Mr. Playboy.
"Whatever." Inirapan pa siya ng babae. "Just do what I say," naiinis na utos nito sa kaniya.
"What will I do?" pigil ang inis na tanong niya sa babae.
Bahala kayo d'yan mag-usap.
"Eh, ano pa? Edi hug her. Very simple."
Napanganga naman ako sa sinabi ng babae. "Hoy ate, sumosobra na kayo, ha! Akala ko ba acquaintance lang 'to? Bakit kailangan pa 'yon gawin?" kaagad kong tanong sa kaniya na tinutukoy ang sinasabi niyang yayakapin daw ako ng bwisit na 'to.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...