Part 81

685 20 0
                                    

MEGAN

NAPANGITI NA lang ako ng palihim. Dahil tabon naman ang bibig ko, hindi niya makikita ang ngiti ko.

"Are you ready?" tanong niya sa akin, halatang handang-handa na rin siya.

Napaismid na lang ako dahil sa tanong niya.

"Of course. I'm so ready. Ikaw ba?" balik tanong ko sa kaniya.

"I'm super ready."

"Ready to die?" I asked at kaagad siyang sinugod.

Nang makalapit ako sa kaniya ay tinira kaagad niya ako ng isang suntok. Umilag ako at sinuntok ang tiyan niya. Yumuko ako nang sasapakin niya ang mukha ko.

"Don't you dare punch my face," may galit na babala ko sa kaniya.

"Kung hindi ka iilag hindi ko iyan tatamaan."

Pinatid niya ang paa ko kaya natumba ako. Medyo nasaktan ang likuran ko dahil naging matindi ang pagbagsak ko sa malamig na sahig.

"Tayo!" malakas niyang sigaw sa akin. Nag-echo tuloy ang mabangis niyang boses sa buong hall.

May galos na ang mukha ko nang dahil sa ginawa niya. Malakas siya. Tss. Nahirapan ako sa pagtayo pero nilakasan ko ang loob ko. Ayaw kong matalo lang ako ng isang lalaki. Hindi ko alam kung saang grupo siya kabilang pero nasisiguro kong kakakita ko pa lang sa kaniya.

"Gago! Kayang-kaya kong basagin ang mukha mo gamit ang sarili kong mga kamay," ani ko gamit ang boses panglalaki.

"Then do it!" Tumakbo siya papalapit sa akin kaya doon na ako gumawa agad ng plano. Ang inaasahan ko pa naman ay si Young Master ang makakalaban ko para naman may re-match kaming dalawa. Pero mukhang ang unknown guy na ito ang matatapos ko ngayong gabi.

Mabilis akong tumayo at hinintay ang paglapit niya sa akin. Nang nasa harapan ko na siya ay naging sunod-sunod ang pagsuntok ko sa mukha niya at sa kaniyang tiyan. Ibinigay ko ang buo kong pwersa sa mga kamao ko. Wala naman siyang nagawa kundi ang saluhin ang bawat suntok ko dahil hindi siya nagkakaroon ng pagkakataon na matamaan ako. Rinig na rinig ko ang sakit na nararamdaman niya sa bawat pagbuga niya. Napangisi tuloy ako. Kasabay nito ang pagsipa ko sa paa niya kaya bumagsak siya.

"Ano? Kaya mo pa?" Namewang pa ako habang nakatingin sa kaniya.

Napagod ako do'n ah!

Namimilipit ang kaniyang katawan habang nakahiga. Narinig ko pa ang pag-ubo niya. Hindi ko magawang maawa sa kaniya dahil isa sa rules ng pagiging gang member ay ang sa oras na masaktan ang isang member at mapuruhan ito, hindi ka pwedeng maawa. Dahil kapag nakita mo na ang mukha nito bawal ka maawa dahil matinding parusa ang igagawad sa iyo. Kaya umalis si kuya sa kaniyang grupo. Pero isa din sa rules ay ang tumiwalag sa grupo. Parusa rin ang katapat. At dobleng parusa ang natanggap niya sa kaniyang pag-alis.

"You're not going to win." Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya. Mukhang hindi na siya nanghihina. Inayos pa niya ang kaniyang suot na mask.

Ngumisi ako. "Am I? Or you're the one who's not going to win?"

"Tsk."

Lumapit ako sa kaniya at sinapak siya. Bilang ganti niya ay sinapak niya rin ako sa tiyan.

"Ahhh!" Hindi ako nakapagpigil. Sinapak ko din siya sa tiyan at isang napakalakas na sipa ang ginawad ko sa kaniya. Narinig ko ang mahina niyang pagmura. Nakahiga na siya ulit sa sahig. Tinapakan ko ang kaniyang dibdib.

"Kaya mo pa ba?" tanong ko sa nanghahamong boses.

"What do you think?" Nagulat ako nang hinila niya bigla ang paa ko kaya katulad niya ay natumba rin ako. Bumagsak na naman ako sa sahig.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon