MEGAN
NAGING MAAYOS ang report namin sa English. Mabuti na lang talaga at hindi nasira ang flashdrive ko. Kung hindi, naku! Baka hindi lang tuhod niya ang nasipa ko kundi ang mahalagang parte ng kaniyang katawan.
Tuluyan na ring nawala ang antok ko kaya nakapag-report ako ng maayos kanina. Ngayon ay vacant time namin kaya makakapagpahinga na ako ng maayos matapos ang mahaba-habang report. Ang iba kong mga kaklase ay lumabas habang ako at ang iba pa ay nasa kaniya-kaniyang upuan lang, nakikipag-tsismisan, nanunuod sa mga phone at ang ilan ay nagbabasa, kagaya ko. Pero habang nagbabasa ay nagsa-soundtrip rin ako kaya mas na-enjoy ko ang pagbabasa.
Naramdaman kong may kumudlit sa akin kaya inalis ko ang kabilang earbud sa aking kabilang tenga. Nang tignan ko kung sino iyon ay matamlay ko siyang nginitian.
"Bakit?" tanong ko sa kanila.
"Gusto mong sumama?" nakangiting tanong sa akin ni Tadia.
Kumunot ang noo ko. "Ha? Saan?"
"Isha, kain tayo sa labas tutal vacant naman natin," nakangusong pang-aaya sa akun ni Mindie.
"Ahm... hindi na lang. Busog pa kasi ako. Kakakain lang natin kanina eh," pagtanggi ko.
"Ay, gano'n?" Nakangusong tumingin si Mindie kay Tadia. "Tayo na nga lang." Tumingin siyang muli sa akin. "Sige Isha, kami na lang. May gusto ka bang ipabili?"
Umiling ako. "Wala. Sige na. Kayo na lang."
"Okay. Balik din agad kami," ani Tadia. Tinanguan ko na lang sila bago sila umalis.
Naalala ko pa
No'ng nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang 'yong mga ngiti
Natigilan ako sa pagbabasa nang mapakinggan ang pamilyar na kantang iyon. Napatingin ako sa headset na nasa tenga ko. Hindi naman dito nanggagaling ang kanta dahil puro korean songs ang meron ako.
At ika'y sasabihan
Bukas ng alas syete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lamang mga himig mo
Bigla ko na lang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hinanap ko kung saan iyon nanggagaling. Nagpalinga-linga ako sa buong room. Pero wala dito sa loob ng room ang kumakanta ng kantang iyon.
Hindi ko man alam kung nasa'n ka
Wala man tayong komunikasyon
Maghihintay ako buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko
Tumayo ako at iniwan ang sariling upuan. Lumabas ako ng room para hanapin iyon. Muli akong nagpalinga-linga at hinanap ito. Nahinto lang ako sa paghahanap nang makita ang isang lalaki na naggigitara sa labas ng room namin. Nakaupo siya sa sahig dito sa corridor. Nakatingin lang siya sa kawalan habang hawak ang gitara at kumakanta.
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Unti-unting bumalik sa ala-ala ko ang lahat. Ang mga araw na masaya pa kami dati ni Kurt. Naramdaman kong muli ang sakit sa aking puso.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...