MEGAN
SO ALL this time, nagsasalita lang pala akong mag-isa dito. At ang matino kong kaibigan at siya at ang mga asungot na kaibigan ng playboy na iyon ay iniwan ako.
What the fvck talaga!
So, saan ako ngayon pupunta? Don't tell me uuwi ako nito ng mag-isa? Sh*t talaga itong si Mindie! Talagang mayayari siya sa akin dahil tatawagan ko talaga si Ross para sabihin ang mga pinaggagawa niya sa akin.
Kukunin ko na sana sa loob ng shoulder bag ko ang phone ko para tawagan si Ross nang biglang bumukas ang isang pintuan sa gilid ko. Sa pagkakaalam ko ay men's room ito. Lumabas mula doon ang lalaking sumira ng araw ko.
Waaaaaaah! Bakit siya nandito?!
"Bakit nand'yan ka? Nasa'n sila?" tanong ko sa kaniya agad na mukhang nagtataka rin kung bakit wala na kaming ibang kasama.
"Syempre, umihi. Bakit? Gusto mong sumama?" Ang bastos talaga! "At teka, tanungan ba ako ng nawawala?" Inayos niya ang damit niya at ang kaniyang sinturon.
Napatalikod naman ako ng dahil sa ginawa niya. Mag-aayos lang ng sinturon, sa harapan ko pa. Ang bastos talaga ng playboy na ito kahit kailan!
"Hoy, humarap ka nga!"
Nagulat naman ako sa sigaw niya
Kaya agad akong napaharap sa kaniya. Maayos nang nakatakod ang sinturon niya. Maayos nga ang porma niya pero halata pa rin ang mantsang sumira sa puti niyang branded shirt na ang may gawa lang naman ay ako. Tinernuhan naman niya ito ng faded ripped jeans at blue rubber shoes.Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Wala kang karapatang sigawan ako!" bulyaw ko rin sa kaniya.
"Meron na ngayon." Lumapit siya sa akin na ikinaatras ko naman."May utang ka pa sa 'kin." Sabay hawak niya sa may palapulsuhan ko.
"Hoy, bitawan mo nga ako! Kundi makakaabot ka sa ak---"
Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin na ikinabigla ko naman. "Ng ano?" Halos makalimutan ko nang huminga ng dahil sa ginagawa niya sa akin. Sobrang lapit na ng kaniyang mukha sa akin.
Ano'ng gagawin niya?
Bigla siyang ngumisi. "Wala ka pala eh." Inilayo na niya sa akin ang kaniyang mukha. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. "Tara. Nagugutom pa ako." Hinila niya ako nang magsimula na siyang maglakad paalis.
"Bakit? Kasalanan ko bang magutom ka?" sabi ko habang naglalakad kasunod niya. Hila-hila pa rin niya ang aking kamay.
"Oo, kasalanan mo," sagot naman niya
"At bakit naman ako?"
"H'wag ka na lang magtanong. Alam mo naman, diba?" Lalong humigpit ang hawak niya sa may palapulsuhan ko.
"Eh, ayoko nga!" Agad akong huminto kaya napahinto rin siya. "Uuwi na lang ako. Tutal iniwan naman na tayo nina Mindie at ng mga kabarkada mo, mabuti pang umuwi na lang ako." Tinalikuran ko na siya.
Maglalakad na sana ako paalis pero hindi niya ako hinayaang makaalis. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko. Feeling ko bumabakat na ang kamay niya doon.
"Hindi ka uuwi," madiin niyang sambit.
Napaharap ako sa kaniya nang bigla niya akong higitin paalis. "Sinabi nang ayoko eh! Ayoko kitang kasama at nakakainis ka pa. Kulang na lang masiraan ako sa 'yo!" asik ko habang kinakaladkad niya ako.
"Edi masiraan ka. Masiraan ka kasama ako!" mas diniinan pa niya ang mga katagang sinambit niya.
"URGH! Let go of my hand! You playboy!" galit kong sabi sa kaniya habang pinipilit na makawala mula sa pagkakahawak niya.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...