Part 47

822 24 1
                                    

MEGAN

KAAALIS KO lang sa booth na pinagkainan namin ng mga kaibigan ko. Patungo ako ngayon sa room namin para tumulong ulit.

"Oh, Isha, akala ko kasama mo na ang mga kaibigan mo?" bungad sa akin ni Mae nang makarating ako sa room.

"I am. But I left them in a food booth," sagot ko.

"Eh, bakit nandito ka?" takang tanong niya sa akin.

"I want to help," nakangiti kong sagot. Tutal wala naman akong magagawa ngayon kasi tinatamad na akong mag-try ng ibang booth, tutulong na lang ako dito. Parang hindi ko tuloy na-enjoy ang Intrams.

"Naku. Kahit 'wag na. Mag-enjoy na lang kayo," aniya.

"No. I insist," pagpupumilit ko.

Tiningnan niya pa ako ng may pagtataka. "Sure ka? Hindi ka napagod kakahanap ng mga gamit na pinapakuha namin sa inyo?" tanong niya sa akin. Naaala ko tuloy ang nangyari sa storage room.

Bahagya akong umiling. "Napagod. Pero nakapagpahinga na. Nand'yan na ba 'yong box?" tanong ko sa kaniya.

"Ah, Oo." Biglang sumilay ang mapaglarong ngiti sa kaniyang labi.

Naningkit naman ang mga mata ko. Ano'ng nakakangiti sa sinabi ko?

"Anyway, nand'yan na si Brice," imporma niya sa akin habang nakatingin sa likuran ko.

"So?" sabi ko na parang hindi naman big deal para sa akin na nandiyan siya.

Ano naman ang pakealam ko do'n?

Totoo naman talaga. Eh ano naman kung nandito na siya? Wala akong pakealam sa kaniya. Kahit sabihin pa niyang nasa likuran ko lang siya. Kasalanan niya kung bakit nawalan na ako ng mood na mag-enjoy ngayon.

Taka siyang tumingin sa akin."Diba, hinahanap mo s'ya?" tanong niya sa akin.

"Ha? Sinabi ko ba?" turo ko sa aking sarili.

Nagkibit-balikat naman siya. "Ewan. Siguro. Ah, basta. Nando'n na s'ya sa loob. Lunch lang kami ah," paalam niya sa akin at umalis na sa harapan ko. "Tara na guys! Kayo nang bahala, ha. Gutom na gutom na talaga kami," sabi niya sa mga natira pa naming mga kaklase sa labas ng room.

Ngayon ko lang napansin na wala na ngang mga nakapila sa labas. Ang kaninang maraming tao na nakapila sa labas ay bigla na lang nawala na parang mga bula. Awtomatiko naman akong napalingon at agad siyang hinanap. Mukhang umalis na nga siya. That's great! Inalis ko ang tingin sa aking likuran at kinuha ang cellphone ko na nakatago sa bulsa ng pantalon ko at tiningnan ang oras.

11:46 am

Tanghali na nga. Pero hindi pa ako nakakaramdam ng gutom. Siguro dahil sa kumain ako kani-kanina lang. Nagdesisyon na lang ako na pumasok sa loob ng room tutal wala naman na akong magawa sa labas. Hinawakan ko pa ang door knob ng pintuan na sa tingin ko ay sarado pero pagkapihit ko ay bigla itong bumukas. Siguro, may tao dito.

Nang mabuksan ko na ay kaagad akong pumasok at sinarado rin ito agad. Madilim pa at mukhang tahimik. I wonder why kung bakit bukas ang pinto.

"Sino 'yan?" Natigilan ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses na iyon. "Mae? Ikaw ba 'yan?"

Ha? At inaasahan pa nito na ako si Mae at hinahanap siya?

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon