MEGAN
"AGA....."
Napabuntong-hininga na lang ako nang marinig ko siyang magsalita mula sa likuran ko.
Biglang sumagi aa isip ko ang nangyari kanina lang bago ako mawalan ng malay. Iniling-iling ko pa ang aking ulo para mawala uyon sa aking isipan. Gusto ko nang makalimutan iyon. Sana hindi ko na lang narinig.
Tuluyan kong binuksan ang pintuan ng bahay namin at nagdiretso sa loob. Alam kong nasa likuran ko lang siya. Alam na alam ko. Kanina pa ba siya naghihintay sa akin sa labas? Nakita niya bang kausap ko si Mr. Playboy kanina? Ugh! Bakit mo pa ba inaalala 'yon? Tandaan mo, galit ka pa sa kaniya. Galit ka pa sa kanila. Galit ka!
Nagdiretso ako sa paglalakad paakyat ng kwarto ko. Ayokong makarinig ng kahit ano pa man mula sa kaniya. Wala akong pakealam kung bigla-bigla na lang siya lilitaw sa harapan ko at pipigilan ako sa paglalakad. Wala akong pakealam. Galit ako sa kaniya at alam niya dapat 'yon. Alangan namang magtatawa ako sa saya at sumayaw pa ng kung anu-ano ng dahil sa nalaman ko. Sira lang ang gagawa niyon. Kung hindi lang talaga ako nahimatay kanina, kanina pa ako iniiyakan ng lahat. Kanina ko pa iniisip na sana namatay na lang ako. Naiinis ako sa buhay ko.
Nang makapasok na ako sa loob ng kwarto ko ay napasandal na lang ako sa pinto. Dooon ko inilabas ang lahat ng hinanakit ko sa buhay. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Nagpadausdos na lang ako hanggang sa makaupo na ako sa sahig.
"Bakit?" iyak ko.
Hindi ako lumabas ng kwarto ko. Hindi ako kumain. Yes, I skip dinner. Ngayon ko lang ito nagawa sa buong buhay ko. Hindi ko ito ginagawa noon. Hindi naman talaga ako ganito ngayon. Nagbago lang talaga ng dahil sa sinabi niya. Bakit gano'n pa? Bakit?
Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Lock ito kaya walang makakapasok. Paulit-ulit ang naging pagkatok pero hindi ako sumagot.
"Megan," boses iyon ni Manang Henya. Natigilan tuloy ako sa pag-iyak. "May dinala akong pagkain para sa 'yo. Hindi ka kasi sumabay sa amin kanina sa pagkain ng dinner kaya dinalhan na kita." Sandali siyang tumigil. "May problema ba?"
Suminghot muna ako at pinunasan ang mga luha. "P-paki-iwan na lang po d'yan sa labas." Sinubukan kong magboses hindi umuiyak. Mabuti na lang talaga at gumana. "Wala po kasi akong ganang kumain. B-busog pa po ako," pagsisinungaling ko.
"Gano'n ba? Sasabihin ko na lang kay Justine na---" kaagad kong pinutol ang sinasabi niya.
"'Wag po. Please lang, 'wag po. 'Wag mo na pong sabihin sa kaniya kung ano ang sitwasyon ko ngayon," pakiusap ko sa kaniya.
"May problema ba, Megan? Bakit ayaw mo?" malamyos ang kaniyang boses at halatang nag-aalala.
"Okay lang po ako, Manang." Nalasahan ko pa ang pagiging mapait ng aking boses. "Basta 'wag na lang po ninyo sabihin sa kaniya."
"Ay sya, sige. Kung 'yan ang gusto mo. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka o kung nagugutom ka, ha."
"S-sige po."
Umayos ako ng upo. Akala ko nakaalis na siya dahil bigla siyang tumahimik pero nagkamali pala ako.
"Megan," malambing ngunit may halong pagkaseryoso ang kaniyang tono. Hindi ako sumagot. "Nararamdaman kong may problema kayo ng kuya mo. Alam mo namang kilala ko na kayong dalawa mula pagkabata. At alam kong may hindi kayo pagkakaintindihan ngayon. Pero ang hindi ko lang alam ay kung ano ang problema ninyong dalawa. Pero kahit ano pa man 'yan, diba dapat nireresolba ang mga problema? Pinag-uusapan nang maayos. Kaya kung ano man 'yan, pag-usapan ninyo 'yan. Hindi dapat pinagtatagal ang awayan. Hindi kayo gan'yan."
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...