BRICE
KINAKABAHAN AT natatakot ako sa kung anumang nasa likod ko. Natatakot ako na kung ano ang naiisip ko ay baka iyon ang nasa likod ko.
"A-ano'ng problema?" kabado niyang tanong sa akin.
"May k-kung ano s-sa balikat ko," kinakabahan kong sabi sa kaniya.
Napatayo siya nang sabihin ko iyon sa kaniya. Pagkatayo niya ay nanlaki ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin.
"A-ano? Ano'ng nakita mo?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Gulat na gulat ang kaniyang mukha. "M-may... m-may..."
"May ano?!" kinakabahan kong tanong sa kaniya.
"MAY GAGAMBAAAAAAAAAA!" sigaw niya.
Hindi na ako nagpabagal-bagal pang tumingin sa likuran ko at mabilisang tinignan ang nasa likuran ko. Isa nga'
ng gagamba ang nasa likuran ko at napakalaki nito. Unti-unti itong lumalapit sa akin."Waaaaahh! May gagamba sa balikat mo!"
Halos matumba ako sa pagtingin ko sa balikat ko. Isang malaking gagamba ang nakadikit sa balikat ko ngunit hindi ito umaalis. Nagpatuloy lang ito sa paggapang at naririndi na ako sa kakasigaw ni Ms. Masungit.
I'm not afraid in any insects at isang Tarantula ang nakadikit sa aking balikat. Unti-unti akong tumingin sa kaniya. Bakas na bakas sa kaniyang mukhang ang sobrang takot.
Ngayon, alam ko na ang makapagpapatakot sa isang Megan na napakasungit.
Dinampot ko ang tarantula na nakadikit sa akin. Hahahaha! Tignan natin ang takot mo Ms. Masungit. Ewan ko na lang kung maipapakita mo pa sa akin ang kasungitan mo. Hinarap ko siya at gano'n pa rin ang reaksyon niya. Takot na takot.
"W-what are you going to do?" kinakabahan niyang tanong sa akin. Humakbang ako papalapit sa kaniya. "B-bakit hawak mo 'yan? B-bitawan mo yan!" dahan-dahan siyang umatras habang nanlalaki ang mga mata. Iniharap pa niya sa akin ang kaniyang dalawang kamay at ipinangsangga sa akin. Iwiniwigayway pa niya sa akin ito. "Brice, hindi ka na nakakatawa!"
Ngumisi lang ako dahil sa reaksyon niya. Hindi ako nagsalita at dahan-dahan lang akong lumalapit sa kaniya.
"S-sige! Lumapit ka at tatadyakan talaga kita!" pambabanta niya sa akin.
Hindi ko pinakinggan ang sinasabi niya. Iniharap ko sa kaniya ang tarantula nang malapit na ako sa kaniya.
"WAAAAAAAH! BITIWAN MO YAAAAAAN!" sigaw niya pero inilapit ko pa rin sa kaniya ang gagamba at tawa-tawang tumingin sa kaniya.
Pero nagulat ako at napahinto sa pagtawa nang bigla na lang niya akong sinapak sa pisnge. At hindi pa siya nakuntento. Sinipa niya pa ang kanang hita ko na naging dahilan ng pagtumba ko. Bigla kong nabitawan ang tarantula. Bumagsak tuloy ako sa sahig habang yakap-yakap ang kanan kong hita na malakas niyang sinipa.
Ramdam ko pa ang paghampas ng dalawa niyang kamay sa katawan ko.
"Kapag sinabi kong huwag mong ilalapit 'yan sa 'kin, makikinig ka at nang 'di ka umaabot sa gan'yan," nanggigigil niyang ani.
"A-ang sakit!" daing ko. Nahihirapan man ay kinaya ko pa ring magsalita. Ang sakit niyang manipa at manapak.
"Tumayo ka d'yan," mataray niyang utos sa akin.
"H-hindi ko kaya," nahihirapan kong reklamo.
"Ang manakot nga kinaya mo eh, ang pagtayo lang nahihirapan ka pa. Tayo!"
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...