MEGAN
NANG DAHIL sa isang boses, natisod ako sa isang bato. Bumagsak tuloy ako sa lupa. Kung minamalas ka nga naman. Sino ba 'yon? Kanina pa ako minamalas eh.
"Ay sorry. 'Di ko naman sinasadyang madapa ka."
Napatingin bigla ako sa nagsalita. "Ikaw?! Ano'ng ginagawa mo dito?!" bulyaw ko sa kaniya nang siya ang nakita ko.
"Ang ingay mo. 'Di ako binge para sumigaw ka," reklamo naman niya.
"Wala akong sinabing binge ka! Ang tanong ko bakit ka nandito?" Lalaking 'to. Maka-react, wagas! Inis na umalis ako mula sa pagkakadapa at umupo sa lupa.
"Nakakabinge ka kasi eh."
"Inulit mo pa. Kung itayo mo kaya ako."
"Hay naku! Ang sungit mo talaga." Nilapitan niya ako at inalalayan upang makatayo.
"A-a-aray! Dahan-dahan naman," reklamo ko. Muli niya akong hinila patayo. Hinampas ko ang kaniyang dibdib dahil bigla-bigla na lang siyang nanghihila. Lalo akong mababalian eh.
"Aray! Bakit nanghahampas?!" asik niya. Hinawakan naman niya ang kaniyang dibdib habang hawak-hawak pa rin ako.
"Ang sakit kaya! Nag-aaray na nga ako, 'di mo pa inaayos. Atsaka kasalanan mo 'to eh. Alam na may bato, ginulat mo pa ako."
"Eh, kung hindi ka ba tatanga-tanga. Alam mo palang may bato sa dinadaanan mo bakit 'di mo man lang iniwasan? Ano 'yon? 'Yong bato pa ang mag-a-adjust for you?" pamimilosopo niya sa akin. Tuluyan na niya akong naitayo.
"At ako pa ang tanga! Kung hindi ka lang ba gago. Buti kung nakita ko naman 'yong bato eh sa pagkadapa ko lang naman po nakita 'yong bato."
"Edi, sorry po," hindi sinsero niyang ani.
Inirapan ko siya. "I'm not going to accept your sorry."
"Edi hindi. Hindi ko naman hinihingi ang pag-accept mo ng sorry ko. Ako na nga itong nagso-sorry tapos ikaw pa ang may ganang hindi tanggapin ito? It's fine for me. Hindi naman ako mamamatay dahil sa hindi mo in-accept ang sorry ko." Sabay talikod niya at naglakad na paalis.
Okay lang! Okay lang kahit iwan niya ako. I don't need his help.
Nagsimula na ako maglakad.
"ARAY!" daing ko. Masakit nga pala ang paa ko. Bakit ko nga ba nakalimutan 'yon? Mukhang nabalian yata ako. Nang tignan ko ang aking paa ay may sugat na ito sa tuhod at dumudugo na ito. Aish. Paano na ako nito ngayon? Super sakit ng paa ko!
Hays. Bahala na nga lang. Pinagpatuloy ko ang paglalakad kahit paika-ika ako. Mukha na nga akong tanga dahil para akong zombie sa ginagawa ko. Nang mapatingin ako sa paligid ay wala na si Brice. Sineryoso nga? Ano pa nga ba maaasahan ko do'n eh playboy 'yon. Napabuga tuloy ako ng hangin.
Bigla ko na lang naramdamang may humawak ng kamay ko at ng bewang ko. Parang inaalalayan niya ako. Pagtingin ko, siya lang pala. Akala ko ba umalis na siya?
Magsasalita sana ako kaso naunahan na niya ako. "Oh, ano? Tara na. Hindi naman kita iiwang paika-ika d'yan," aniya habang nakatitig sa akin.
Inikutan ko siya ng mga mata. "Buti naman at hindi mo ako iniwan, 'no? Dapat lang talaga dahil kasalanan mo 'to," paninisi ko sa kaniya.
"Ako na naman?" maktol niya.
"Obvious naman po, diba? Gugulat-gulatin mo ako tapos hindi mo aakuin ang responsibilidad kung bakit nagkaganito ako."
Narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga niya. Kasalanan niya kasi. Paano na ako ngayon?
Nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad. Tinungo naming dalawa ang hallway papunta sa room namin. Bakit ko nga ba kasama ngayon ang playboy na ito? Bakit parang siya lang ang nakakasama ko palagi?
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Подростковая литератураMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...