BRICE
"OH, NATIGILAN ka? Are you going to say sorry to me now?" nakangisi kong tanong sa kaniya habang nakatitig ako sa kaniyang mukha na mukhang nagulat.
Inis niya akong tinitigan sa mga mata. "Pwede ba, wala akong oras para sa mga kalokohan mo. Umalis ka nga sa harapan ko," pagsusungit na naman niya.
"Sinusungitan mo na naman ako," nakangisi kong ani.
Inirapan niya ako. "Tumabi ka sabi!"
"Nope," pagmamatigas ko.
"Tss."
Tinulak niya ko kaya napaatras ako. Dali-dali siyang umalis sa harapan ko. Kinakausap ko pa siya tapos iiwan lang ako. Sungit talaga! Nagtataka namang nilingon ko siya at sinundan ng tingin. Nanliit pa ang mga mata ko kung sino ang nilapitan niya.
Seriously? She ignored me just to be with her boyfriend?!
Namulsa ako at nagsimula nang maglakad. Pinagmasdan ko lang silang dalawa habang naglalakad. Nakangiti pa siya habang kinakausap ang boyfriend niya. Pero kumunot ang noo ko nang makitang walang reaksyon ang lalaki. Daldal siya nang daldal pero tipid lang na sumasagot ang lalaki.
Medyo malayo ako sa kanila kaya hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila. Pero nahahalata kong may problema sa pagitan nilang dalawa. Ayoko silang sundan dahil baka awayin na naman ko ng masungit na 'yon. Pero may something sa isip ko na nagsasabing sundan ko lang siya. Kaya sinundan ko sila kahit ayoko.
Napahinto lang ako sa paglalakad nang may humawak sa balikat ko. Agad akong tumingin dito at bumuga ng hangin.
"Sa'n kayo nanggaling?" tanong ko sa kanila.
"Kanina pa kami sa bench. Hinihintay ka namin eh," sagot ni Taryn. Tumingin siya sa tinitignan ko kanina sabay balik ng tingin sa akin. "Oh? Sinusundan mo na s'ya ngayon?" ngumisi pa siya.
Inis na inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Tss. Hindi, 'no!" Naglakad ako sa bench kung saan nakaupo ang dalawa. Si Taryn lang kasi ang lumapit sa akin.
"Oh, nahuli mo, dude?" nakangising tanong ni Dirk kay Taryn.
"Oo, dude. 'Ni hindi man lang tayo napansin dahil sinusundan 'yong kaaway n'ya," balita nito kay Dirk. Inis na umupo naman ako sa tabi ni Ellison. Si Taryn naman ay umupo sa tabi ni Dirk.
"Master naman! Akala ko ba kaaway mo, ba't may pasunod-sunod pang nalalaman?" nakangising tudyo sa akin ng gago.
Inis na tumingin ako sa kaniya. "Can you shut up, Dirk?!" asik ko sa kaniya. "I'm not following her."
"Not following her? Pero nakatitig ka sa kaniya habang naglalakad silang mag-syota," natatawang sabi ni Taryn.
"Baka naman, naiinggit!" natatawa naman na sabi ni Dirk kay Taryn.
"Baka nga! Nadale mo rin!" At nag-apiran ang dalawang kumag.
Napa-tsk na lang ako dahil sa pangtutudyo nila. Malay ko bang nandito lang sila sa paligid. Hindi ko naman sinasadyang tignan silang dalawa.
"Do you like her?"
Gulat akong napatingin kay Ellison na bigla na lang nagsalita sa tabi ko. Natigilan din ang dalawa sa pagtawa at may ngisi sa labing tumingin kay Ellison.
"Ba't 'di ko nga ba naisip 'yon? Taryn, dude, ano ang sign kapag ang isang lalaki ay may gusto sa isang babae?"
"Hmm... Dirk, sa tingin ko..." nakangising tumingin si Taryn sa akin, "ito 'yong gusto niya itong makita araw-araw."
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...