Part 16

1.1K 40 1
                                    

MEGAN


NAKANGISING nilampasan ko siya at lumapit sa mga street vendors. Tinignan ko ang bawat isang pagkain na tinitinda nila.

"Bili ka na, 'neng." Nakangiti sa akin ang lalaking vendor ng bananaque, turon, buloy-buloy at kung ano pang pangmiryenda.

Napalunok tuloy ako ng laway. Parang ginutom tuloy ako. Pinagmasdan kong mabuti ang mga pagkain.

"You want to eat that?" Nabaling ang tingin ko sa kaniya nang bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko.

Hindi ko siya pinansin at inirapan lang. Narinig ko ang mahinang pagak niyang pagtawa nang talikuran ko siya. Naka-cross arm ako na lumipat sa isang vendor. Nagtitinda naman ito ng burger at fries.

"Neng, burger. Buy one take one," nakangiting sabi ng ale.

"Or buy one and take me?" Nakakunot ang noong nilingon ko siya.

Ano'ng pinagsasabi nito?

"Hoy! Ang kapal ah. As if naman gusto kita. Tss." Inis na iniwasan ko siya ng tingin. Akala mo naman gwapo.

"Bakit 'di mo ako gusto?" pahabol niya. Sinabayan na niya ako sa paglalakad.

"Tinatanong pa ba 'yon? Syempre walang dahilan para magustuhan kita. Ewan ko nga ba kung bakit patay na patay sa 'yo ang mga babaeng 'yon."

"You wanna know why?" aniya na may bahid ng ngisi sa labi.

Nakataas ang kanang kilay na tinignan ko siya nang huminto sa paglalakad. "Ayokong malaman. Tss." Lumipat ako sa isang vendor. Lugaw at goto naman ang tinitinda nila.

"Wala ka pa bang bibilhin?" tanong niya sa akin.

"Pakealam mo ba? FYI lang ah. Ikaw ang nag-aya, kaya 'wag mo akong pakealaman kung matagalan ako sa pagbili," sabi ko habang tumitingin ng mga pagkain.

"Nagtatanong lang eh, kailangan pang magsungit?"

Inirapan ko siya nang tignan ko siyang muli. "Hindi ako masungit."

"Masungit ka kaya."

Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Sinabi nang hindi!"

"Edi pikunin."

Inis na iniwan ko na lang siya at nagtingin pa ng mga pagkain.

"Buko, beh."

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa isang babaeng tindera na malamang ay nasa 20's na. Nagtitinda siya ng buko juice.

"Ay beh. Magpalamig ka na, beh." Nabaling naman ang paningin ko sa katabi niyang tinderang bakla na nagtitinda din ng palamig pero may iba't ibang flavor. "Mas masarap ang palamig ko. Marami pang flavor, beh."

"Hoy, teh. Mas masarap ang buko ko," pagkausap nito sa kakompetensyang katabi. "Healthy pa, diba beh?" Nasa katabi ko na ang paningin nito. Ngiting-ngiti siya dito. Napatingin tuloy ako sa katabi ko.Tawa-tawa siyang nakatingin sa tindera.

Pati ba naman tindera, 'di na pinalampas!

"Ay wafu! Oy, 'toy! Ano name mo?" tanong ng baklang tindera ng palamig.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon