MEGAN
BINIGYAN ko siya ng nanlilisik na tingin. Pero hindi man lang siya natinag at mahina pang tumawa. Magsasalita na sana ako nang magsalita si Ms. Renzares."Next student, please."
Inirapan ko na lang siya at pumunta sa upuan ko. Nakangisi lang siyang umupo sa upuang nasa likuran ko. At kung talagang minamalas nga naman ako! Seriously?! Binubwisit niya ba talaga ako? Sa dinami-rami ng mauupuan, sa upuan pang nasa likuran ko at katapat ko pa talaga.
Sarkastiko ako natawa ng mahina. Mukhang hindi ko mae-enjoy ang school year na ito. Iba ang feeling ko sa lalaking ito eh. Feeling ko araw-araw masisira ang buong maghapon ko sa kaniya.
"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Kathleen nang mapansin ang mahina kong tawa.
Tumikhim ako at umayos ng upo. Tipid naman akong ngumiti. "Yeah, I'm fine. May nakita lang akong masamang pangitain."
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Really? Nanghuhula ka?" Mapatakip pa siya ng bibig.
Bahagya akong natawa. "Ahm... hindi naman. Nararamdaman ko lang." At nararamdaman ko talagang may negative energy sa likuran ko.
Nahinto sa pagpapakilala ang iba nang makarinig kami ng isang katok sa pintuan. Lahat kami ay napatingin doon. Isang babaeng kapareho ng uniform ni Miss Renzares ang nakita namin.
"Ahm... excuse me, Ms. Renzares."
Lumapit naman si Ms. Renzares sa kaniya. Mukhang magkasing-edad lang silang dalawa.
"Yes?" pormal nitong tanong sa kapwa teacher.
"May meeting ang lahat ng teacher ngayon," imporma nito sa aming adviser na may ngiti sa labi.
"Ahm... okay. Pakihintay na lang ako." Tumango lang ang kausap niya. Hinarap niya kami at pumunta sa unahan.
"Attention everyone. Dahil hindi pa tapos ang ilan na magpakilala, maybe tomorrow we'll continue it, okay? Pwede kayong lumabas but please come back before your next class come." Dinampot niya ang kaniyang bag at isang libro na bitbit papunta dito kanina. "Goodbye, class."
"Goodbye, Miss Renzares!" sabay-sabay naming paalam sa kaniya.
Pagkalabas na pagkalabas ng adviser namin ay nagkaniya-kaniya ng hiwayan ang lahat. Bakas sa mukha nila ang saya. Ano pa bang masasabi ko eh ganito naman talaga ang nangyayari every first day ng pasukan. Orientation at introducing yourself lang talaga ang nangyayari. Minsan pa nga ay umaabot pa ito ng one week at sa sunod na week ang start ng regular classes. Kaya nakakatuwa talaga kapag first day.
At dahil may meeting pa ang mga teacher, napag-isipan ko na pumunta munang cafeteria para kumain ng breakfast. I didn't eat breakfast so I need to eat now 'cause I'm really starving.
Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng aking backpack. Kaagad akong nag-send ng message kayna Mindie at Tadia na gusto kong kumain ng breakfast sa cafeteria. Pareho naman silang nag-reply sa text ko na okay lang sa kanila na kumain sa cafeteria.
Tatayo na sana ako nang maramdaman kong may kumudlit sa likuran ko. Kaagad akong natigilan at nagtatakang nilingon ito. Napairap agad ako nang makita siyang nakangisi habang nakatitig sa aking mukha.
"May kailangan ka?" mataray kong tanong sa kaniya.
Nakangising umiling siya. "Nothing," aniya at sarkastiko pang tumawa.
Iniinis niya ba talaga ako? Kaasar!
Tatalikuran ko na sana siya nang makita kong kinakausap niya ang babaeng katabi niya. At ang bwisit! Malanding isiningit pa ang ilang hibla ng buhok ng babae sa gilid tenga nito. Kinikilig namang tumawa ang babae.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Fiksi RemajaMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...