Part 15

1.1K 45 2
                                    

MEGAN

NAGING MASAYA at memorable ang tatlong araw na nakasama ko si oppa. Sulit na sulit dahil nag-bonding kami ng mga bagay na hindi namin madalas gawin bilang magkapatid. Sobra ko pala talaga siya na-miss. I miss his hugs, cares and also his kisses in my forehead. Siya lang at si---  Ooops! Forget muna ang past. Need to move on. I promise to myself and to oppa that I will forget him.

Kaya heto, ang pagpasok ko sa school ang simula na ng bagong buhay ko na hindi kasama ang bwisit na 'yon. Nasaktan lang naman ako pero hindi naman ako namatayan. Kaya walang dahilan para malungkot habang buhay.

Wala na akong pakealam kung makakasalubong ko siya araw-araw sa mga hallway na kasama ang new kalandian niya. I don't care! Magsama sila. Maghalikan man sila sa harapan ko, wala akong pakealam. I'm trying to move on here kaya NO! Hindi ako magpapaapekto.

Hindi ako pumasok ng sobrang aga. Wala naman nang dahilan. Pero pumasok pa rin ako ng sakto sa oras. Kaya nang malapit na ako sa room ko ay rinig na rinig ko ang mga madadaldal na boses ng mga kaklase ko.

Hmm... parang na-miss ko yata ang ingay nila.

Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili sa pagpasok. Papasok na sana ako nang may bumangga sa akin at mas naunang pumasok sa loob. Pinagmasdan ko ang likuran nito pero hindi ko siya mamukhaan. Nang makarating na siya sa kaniyang upuan ay doon tumaas ang kanang kilay ko.

Tignan mo 'tong gago'ng 'to! Ke-aga-aga nambubwisit.

Pasalamat talaga siya at gusto kong maging good mood ngayon.

"Ishaaaa!"

Kaagad akong napatingin sa dalawa kong kaibigan na nag-uunahan sa paglapit sa akin. Sinunggaban nila ako ng mahigpit na yakap na hindi ko naman ine-expect. Nakita ko tuloy ang mga nakangiting mukha sa akin ng mga kaklase ko. Isa-isa nila akong binati ng good morning.

Kumalas na sila sa pagkakayakap sa akin. "Grabe! Mabuti at naisipan mo pang pumasok!" nakangiti ngunit hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Mindie.

"Ano? Kumusta ka na? Isang linggo ka ring nawala. Nakaka-miss ka." Mukhang excited na excited si Tadia na malaman ang nangyari sa akin.

"Alam mo bang sobra kaming nag-alala sa 'yo. Hindi ka naman namin matawagan. Gusto ka sana naming dalawin kaso baka nagpapahinga ka."

"Wait, girls. Pwedeng paupuin n'yo muna 'ko?" nakangiting pagpapakalma ko sa kanila.

Natigilan naman silang dalawa. "Ah, oo. Sige na. Maupo ka na." Nakangiting inihatid ako ni Mindie sa upuan ko.

"Upo ka." Maging si Tadia rin ay hinatid ako sa sarili kong upuan.

Inilapag ko naman ang aking bag.

"Alam mo bang ang daming nangyari dito," simula ni Tadia.

"At girl, naku! Ang dami mong na-missed na quizzes and assignments."

Napangiti naman ako. "At thank you naman sa inyo dahil kung hindi n'yo pinahiram sa akin ang mga notes n'yo, edi wala akong assignments na ipapasa."

"Isang gwapo ba naman ang pumunta sa bahay namin. Sino ba naman ang hindi bibigay," kinikilig na sabi ni Mindie. Napapikit pa nga siya.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon