Part 12

1.1K 45 4
                                    

BRICE


MABILIS KO siyang nilapitan matapos niyang matumba sa lupa.

"Bakit... Kurt? Why?" mahina niyang bulong pero rinig ko pa rin. Tuluyan na siyang pumikit.

"Aish!" Agad ko naman siyang binuhat into a bridal style at naghanap ng masisilungan.

Sinapo ko ang noo at leeg niya. Sobrang init niya. Nag-aapoy na siya sa lagnat. Kaya pala kanina nang hawakan ko siya ay sobrang init na niya. Tignan mo nga naman! Pati pala ang masungit na ito ay tinatablan rin ng sakit. Akala ko hindi siya tinatablan ng kahit anong sakit.

"Don't worry. I'm here now," sabi ko sa kaniya.

"K-kurt..."

"Aish. Just hold on, Ms. Masungit."

Narinig ko ang mahina niyang ungol hanggang sa mawalan na siya ng malay.

"Ms. Masungit?" mahina ko siyang inalog ngunit hindi na siya nagsalita pa.

Napabuntong-hininga tuloy ako at naihilamos ang mukha.Basang-basa na kaming dalawa. Gusto ko sana siyang dalhin sa clinic ngunit uwian na at malamang ay hindi na kami aabot sa clinic dahil sobrang lakas ng ulan. Buti sana kung may dala akong payong.

Ay teka! Baka meron s'ya.

Agad kong binuksan ang kaniyang bag at hinanap ang kaniyang payong. Mga notebook na pulos kulay violet ang bumungad sa akin. Nang makapa ko na ang payong niya ay mabilis ko itong hinigit. Bahagya pa akong natawa at napailing.

"Don't tell me she's a fan of color violet?" Nakangising binuksan ko ang payong. Muli ko siyang binuhat at isiningit sa leeg ang payong. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Basang-basa na talaga siya. Wala naman akong maipangpunas sa mukha niyang mukhang dragon kapag gising. Basa na rin kasi ang lahat ng aking gamit.

Hindi ko alam kung bakit buhat-buhat ko siya. Bakit ba naman kasi sa dinami-rami nang makakakita sa kaniya, ako pa!

Nang makalabas ng campus ay pasalamat na lang talaga ako at tinulungan ako ng guard ng school na payungan kaming dalawa kahit basa naman na kami. Hinanap ko ang kotse niya. Napapikit na lang ako sa tuwa dahil nandito na siya agad. Nilapitan ko ito at kumatok sa bintana.

Bumaba naman ang bintana at bumungad sa akin ang driver niya.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko kay Ms. Masungit. "She has a fever."

Taranta naman siyang bumaba agad sa kotse nang makita niyang buhat-buhay ko si Ms. Masungit. Nang makababa ay pinagbuksan niya kami ng pintuan sa backseat. Dali-dali man, maingat ko naman siyang ipinasok sa loob.

"Thank you, hijo. Hindi ka din ba sasakay? Ihahatid na kita," aya niya sa akin.

"No, I have my own car. Please hurry up and bring her to the nearest hospital. Kailangan na siyang makainom ng gamot."

"Sige. Salamat ulit." Tumango lang ako. Pinaandar naman na niya ang kotse at mabilis na umalis.

Sana gumaling na siya agad. Teka! Kailan pa ako natutong mag-alala sa masungit na 'yon?

Nasapo ko na lang ang sariling noo. Ano ba kasing nangyari sa kan'ya? Bakit s'ya umiiyak kanina? Kahit umuulan kanina, alam kong umiiyak siya. Hindi pupula ng gano'n ang ilong niya kung galing lang sa ulan. She's crying. And I know that. Ang tanong, bakit?

Napatingala ako nang makitang hawak-hawak ko pa pala ang payong niya.

I forgot to return her umbrella!

















When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon