Part 60

946 22 0
                                    

MEGAN

NAPAKO AKO sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang linyang iyon. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Napakurap pa ako ng ilang beses. Hindi ko magawang makapagsalita dahil natatakot akong sumagot.

Siya ba ito?

Bigla akong nakarinig ng malakas na hagalpak. Tawa nang tawa at parang walang katapusan. Doon ko lang na-realize kung sino ang nasa kabilang linya.

KINGINA! Magsakit sana tiyan niya sa kakatawa.

"PLAYBOOOOOOOY!" nakangangailiting sigaw ko sa kaniya.

Rinig na rinig ko pa rin ang napakalakas niyang halakhak. Kingina! Alam ko nang siya iyon. Kung makatawa wagas na wagas. Butasin ko tiyan niya eh!

"HAHAHA you're really taking it so serious." Nagtatawa na naman siya. Sa tawa niyang iyon ay parang nakikita ko na kung paano siya humandusay sa sahig habang tumatawa ng sobrang lakas.

"Ano'ng kailangan mo? Bwisit ka!" bulyaw ko sa kaniya. Gigil akong naghanap ng mauupuan at naupo.

Medyo tumigil na siya ng pagtawa. "Nothing. Grabe! 'Yong pagiging silent mo kanina. Sineryoso mo ah," natatawa niyang sabi mula sa kabilang linya, "So, na-miss mo nga ako?"

"Shut up, Mr. Playboy. You're not funny. Alam mo 'yong feeling na gusto na kitang lunurin at ipa-salvage," tiim ang bagang na sabi ko.

"Woah! 'Wag namang gan'yan. Magiging tayo pa eh." Humagalpak pa siya ng tawa matapos sabihin iyon. Sirang-ulo talaga ang bwisit na 'to!

"Fvck you lang talaga, Mr. Playboy. Tigil-tigilan mo nga ako sa pagiging corny mo at pagiging walang kwenta mo dahil walang naidudulot na mabuti 'yan. Lunukin mo na lang 'yan. Mabubusog ka pa."

"Oy. Nagmumura ka na ha. Bawal 'yan."

Napairap ako kahit wala naman siya sa harapan ko. "Ng dahil sa 'yo nakakapagmura na ako. Layuan mo na nga ako at nagiging makasalanan na ako," paninisi ko sa kaniya.

"Hindi mo naman ako katabi ah. Don't worry, alam ko namang miss na miss mo na ako. Pagbibigyan talaga kita. Puntahan kita d'yan sa bahay n'yo."

Mariin akong napapikit ng dahil sa pagpipigil ng inis sa bwisit na 'to. "Tigil-tigilan mo nga ako! Naiinis na ako sa ugali mo."

"Eh bakit ka ba naiinis sa 'kin?"

Huminga ako ng malalim. "Hindi ba halata?"

"Tss. Maimpluwensya pala akong tao." May bahid ng biro ang kaniyang tono.

Nangunot ang noo ko. "At paano mo naman nasabi?"

"Napapamura ka na ng pagmamahal ko," corny niyang ani. Sinundan niya iyon ng matunog na tawa.

Napataas naman ako ng kanan kong kilay. "Shut up, playboy! Sinabi nang tigilan mo na 'yan. Kailan ka ba titigil?" iritado kong tanong.

Tumigil na siya sa pagtawa. "Kapag napasagot na kita at maging akin ka na. Titiyakin ko sa 'yo na titigilan na kita." rinig ang pagiging seryoso niya sa pagsasalita.

Napabuntong-hininga ulit ako at napairap. "Ewan ko sa 'yo. Mamatay ka na," sabi ko at tinapos ang tawag. Inilapag ko ang telepono sa upuan na pinag-upuan ko at dumiretsong kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng pitsel na may lamang juice. Kumuha rin ako ng baso at doon isinalin ang juice na nasa pitsel. Ininom ko na rin matapos kong isalin ito.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon