Part 62

897 28 0
                                    

MEGAN

"SINO 'TO, aga?" may pagkastrikto at pagkamaawtoridad sa tono ng kaniyang pananalita.

Napalunok naman ako ng laway. "A-ahm... n-nothing, oppa." Pinilit kong kunin ang phone ko sa kaniya pero inilayo niya ito sa akin.

Lalong sumeryoso ang kaniyang tono. "Na-ah. Sino 'to?" Pinilit ko pa ring agawin ito pero talagang inilayo pa niya ito sa akin.

"Eeeeh! Oppa! Wala nga! I don't know either," pagsasabi ko ng totoo. Malay ko ba kung sino ang tumatawag. Ni hindi ko pa nga nakikita kung sino ang caller.

"Well---" hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang may bumusina mula sa likod ng kotse namin.

Pinandilatan ko siya. "See what you did, oppa? You're making a traffic."

Napangiwi naman siya. "Oh, sorry," sabi niya at iyon na ang pagkakataon kong makuha ang phone ko.

"Got 'yah!" gilalas ko nang agad itong maagaw sa kaniya. Maiksing sulyap lang ang ginawa ko bago ko mabilis na in-off ang phone ko na patuloy pa rin sa pag-ring.

The unknown messenger. Tss.

"Ang daya mo ah." Napatingin ako sa kaniya. Pinagpatuloy na lang niya ang pagmamaneho. Mukhang nagtatampo siya.

"Tss. It's just an unknown messenger, oppa. Baka kung sino lang 'yon. Don't worry, sasapakin ko kapag nalaman ko kung sino 'yon." Umayos na ako ng upo.

"Aga, talaga. Isumbong mo na lang sa 'kin." Kasunod naman niyon ay ang matunog niyang pagtawa.

"Edi ginawa mo naman akong bata n'yan. 'Wag na, oppa. I can handle it. Malaki na ako," I proudly said.

Tumango-tango siya, halatang namangha sa sinabi ko. "Very tough. Gan'yan din ba ang ginagawa mo sa inaaway mo? Base on Mindie and Tadia's story, nagbabangayan daw kayo palagi ng guy na 'yon." He's pertaining to Mr. Playboy.

"Kainis na 'yan," gigil kong bulong.

"Ano 'yon, aga?"

"Uh, nothing, oppa." Ngumiti ako ng peke, "nag-aaway lang talaga kami palagi."

"Baka naman ma-fall ka do'n ah."

Nanlaki bigla ang mga mata ko. "Huh?! Ako?! Ma-fa-fall?! Ugh! No way!" mabilis kong depensa.

Yuck! As if hahayaan kong ma-fall ang sarili ko sa kaniya. Oo nga gwapo siya. Oo nga malakas ang appeal niya sa mga babae, pero pake ko ba?!--- Wait! What did I just said?!

"Oh, eh, bakit masyado ka namang defensive?"

"'Cause there's no way I'm going to fall in love to that guy. 'Yong playboy na 'yon? 'Yong bwisit na 'yon? Ugh! Never! Pwede ba, oppa, 'wag ka nang magbabanggit pa ng mga nakakadiring salita. Eww!" nandidiri kong asik.

"Grabe, aga. You really hate him that much ah?"

"Yeah, I really do. Sinasapak ko nga 'yon eh." I smirk when I remembered the last time I punch him in his face. That's the time when he annoyed me while buying a cupcake.

"What?" bigla siyang natawa, "are you kidding me? Nasapak mo na siya?" hindi makapaniwalang sabi niya.

Presko akong sumandal sa likuran ng passenger's seat. "Ah-huh."

"Bakit mo naman s'ya sinapak?" curious niyang tanong.

"Ganito kasi 'yon, oppa, Intrams day namin 'yon. Bibili ako ng cupcake sa isang stand nang bigla siyang sumulpot. Tapos unahan ba naman ako sa pagpila eh ako naman ang nauna."

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon