MEGAN
PAGPASOK ko sa room ay hinanap agad ng aking mga mata ang dalawang bruha. At ang resulta? Wala, wala pa sila. Kokonti pa lang ang mga kaklase kong naabutan, mga nasa lima. Teka napaaga ba ako ng pasok o talagang nahuli lang 'yong dalawa? Samantalang laging nauuna sila o magkasabay lang kami pumasok.Hays, hindi na nakapagtataka kung bakit sabay silang wala pa sa school. Magkatapat lang naman kasi sila ng bahay sa isang subdivision. Porque magka-childhood friend eh.
Dumiretso ako sa upuan ko. Sakto namang nandoon na si Ashley at nakaupo. Nginitian niya ako nang makita ako.
"Hi, Megan!" masigla niyang bati sa akin.
Nginitian ko rin siya pabalik. "Hi, Ashley. Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kaniya nang maibaba ko na ang aking backpack sa sarili kong upuan.
"Kadarating ko lang rin. I think magkasunuran lang tayo. Ang aga mo ngayon, ah," puna niya sa akin.
Bahagya naman akong natawa. "Ah, thanks to my alarm clock. At saka naninigurado na akong maunahan ko ang aking mga kaibigan." Umupo na ako.
Kumunot ang kaniyang noo. "Mga kaibigan?"
"Ah, sina Mindie at Tadia."
"Ah! Friends mo pala sila. Alam mo..." lumapit pa siya lalo sa akin, "you're so lucky kasi may friends ka noon na kaklase mo ngayon." biglang lumungkot ang kaniyang mukha. "Kasi ako, napahiwalay ako sa mga friends ko."
"Gano'n ba? Ano bang section sila?" malungkot kong tanong sa kaniya.
Bahagya siyang natawa. "Nasa kabilang school sila. Hahaha."
"Nasa kabila?" mahina kong ulit sa sinabi niya.
"Transferee kasi ako dito."
"Ah. So ba't mas pinili mo dito?" curious kong tanong sa kaniya.
Nangalumbaba siya. "Hmm... well, I find this school very interesting and challenging. Alam mo 'yong parang gusto ko ng new experience and new surrounding." Bakas sa mukha niya ang satisfaction and amusement.
Napangiti naman ako sa naging sagot niya. Glad someone find this university an interesting and challenging school! Totoo naman kasi. Dito kasi nahasa ang kakayahan ko at maski na ang katalinuhan ko. Halos lahat ng guro dito ay magagaling magturo. Kaya para sa akin okay lang kahit ang nakakapasa lang dito ay mayayaman, atleast may napapala kami dito.
Nakipagkwentuhan pa ako kay Ashley ng kung ano-anong bagay. Sobrang saya niyang kausap. Lahat ng sinasabi niya ay interesting at may kabuluhan. Sinasabi ko na nga ba't magugustuhan ko ang section na ito maliban nga lang sa isang tao.
Bigla siyang tumayo matapos naming magkwentuhan ng ilang minuto.
"Ahm... cafeteria lang ako ah. I'll just buy coffee," paalam niya nang nakangiti. "Baka ikaw gusto mo?"
Umiling ako. "I don't drink coffee eh. Sige, ingat ka."
Bahagya siyang natawa. "Ano ka ba? Nasa loob naman ng campus ang cafeteria so no one will harm me. Chiao!" paalam niya at umalis na sa room.
Hinintay ko pa ng ilang minuto ang dalawa pero mukhang mamaya pa sila darating. Nang mapatingin ako sa sarili kong wrist watch ay 6:15 pa lang ng umaga. Sadyang ang aga ko pala talagang pumasok.
Kinuha ko na lang ang earphone at phone ko mula sa loob ng aking bag. Inilagay ko sa magkabila kong tenga ang earplugs at nakinig ng music.
Gakkeum i muneul datgo nan saenggage ppajyeo
Mudae wi nae moseubeul sangsanghagon haesseo
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Fiksi RemajaMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...