MEGAN
I LIKE them as a couple pero aalis siya eh.
"Megan, okay ka lang ba?" tanong ni Mindie sa akin at umupo pa sa tabi ko.
Nakabusangot ang mukha ko tapos nangangalumbaba lang ako sa may harap ng beach. Nandito na kami ngayon sa hotel kung saan kami nakacheck-in.
"Hayyysss, sina Venice kasi at Brice," problemado kong sabi.
"Oh, eh ano? Naiinggit ka?" tanong naman niya.
Tinignan ko siya ng masama. "Hindi ka nakakatulong," inis kong anas.
"Ano ba kasi 'yon?" Niyugyog pa niya ako. Mabuti talaga at wala si Tadia dito kundi pareho nila akong gaganituhin. Kasama kasi nito si Yhong.
"Hindi ako naiinggit sa kanila at pwede tigilan mo ang kakayugyog sa akin at baka ako masuka," pigil ko sa kaniya. Mabuti at sumusunod naman siya.
Umayos siya ng upo sa tabi ko. "Sorry. So, ano nga 'yon?" tanong ulit niya.
"Hindi ako naiinggit, okay? Nanghihinayang lang ako kasi mahal pa rin ni Venice si Brice at mukhang may nararamdaman pa si Brice para kay Venice."
"So, gusto mo na magkatuluyan sila?"
"Parang gano'n na nga. Pareho ko kasing nakuha ang opinyon nila. And Brice told me that he doesn't love Venice anymore. Pero mukhang nagbago."
Nangunot ang kaniyang noo. "What do you mean?"
"Basta. Malalaman mo rin," nasabi ko na lang.
"Nga pala, tuloy pa ba deal n'yo?" pabulong niyang tanong sa akin.
Tumango ako. "Yup. My problem is not yet solve. Kailangan kong mapigilan sina Eomma and Appa na ituloy ang kasal ko."
"Pa'no mo naman nalaman na 'yang pagpapanggap mong magka-boyfriend kuno ay ang makapagpapatigil sa kasal mo?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko lang alam kung tatalab 'to pero gagawin ko pa rin. Last last year kasi, may cousin ako na kinasal na lang ng biglaan at doon ko lang din nalaman na ina-arrange s'ya. Ang alam ko ay nagkaroon siya ng boyfriend pero no'ng malaman nina Lola at Lolo, pinaghiwalay sila. Hindi pumayag 'yong cousin ko at mas piniling mahalin 'yong boyfriend niya. Napapayag na lang sina Lola na ipakasal sila kasi nakikita nilang nagmamahalan 'yong dalawa. Pero ang masaklap ay umatras ang lalaki sa kasal dahil hindi pa ito handa kaya ang nangyari ikinasal na lang siya sa lalaking in-arrange marriage sa kaniya," kwento ko.
"Luh. Ang ganda no'ng story. Ano na nangyari do'n sa ikinasal?" namamangha niyang tanong.
"Nagkagustuhan rin sila sa isa't isa," sagot ko sa tanong niya.
"Megan." Sumeryoso bigla ang kaniyang tono.
Tumingin ako sa kaniya. "Oh?" problemadong untag ko sa kaniya.
"Paano kung magkagustuhan kayo ni Brice?"
Nasamid naman ako sa sarili kong laway ng dahil sa tinanong niya. Hinampas ko siya nang sobrang lakas sa braso.
"Aray, ah! Masakit!" reklamo niya.
"Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo. Mamamatay yata ako sa sinasabi mo eh!" asik ko.
Nakita naman niyang hindi ako okay kaya hinagod niya ang likuran ko.
"Eh, sorry naman. Nagtatanong lang naman ako. May word na 'paano' kaya hula ko lang 'yon. At isa pa, alam ko namang hindi kayo magkakatuluyan ni Brice. Ang layo ng agwat."
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...