MEGAN
SUMAKAY NA agad ako sa kotse ko nang huminto ito sa harapan ko.
Nginitian ko si kuya Jay nang makaupo na ako ng maayos at nagtakid ng seatbelt. "Kuya Jay, bilisan na po natin umuwi," kaagad kong sabi sa kaniya.
Taka naman siyang tumingin sa akin gamit ang rearview mirror. "Bakit?" takang tanong niya sa akin.
Agad akong natigilan sa pagmamadali. Oo nga pala, sikreto lang ito. Umayos ako ng upo at pilit siyang nginitian. "May pag-uusapan po kasi kami ng mga kaibigan ko. Nasa bahay na po sila."
"Ah, gano'n ba? Oh, sige." Pinaandar na niya ang kotse kaya tumahimik na ako.
Mga ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa bahay. Mabilis na ipinasok ni Kuya Jay ang kotse sa loob ng gate at hindi na nagdiretso sa loob ng garahe. Kaagad ko ring pinagdadampot ang mga gamit ko at lumabas na ng kotse. Tinanguan ko na lang si Kuya Jay nang mapansin na nasa loob pa rin siya ng kotse. Kaagad naman akong pinagbuksan ng pintuan ni Manang Henya. Nginitian ko siya.
"Nasa'n na po sila, Manang?"
Bahagya naman siyang nagulat. "Ay ba't ka ba humahangos?" nagtataka niyang tanong sa akin.
Natigilan tuloy ako. "Ah eh... may pag-uusapan po kasi kami," pilit ang ngiting paliwanag ko.
"Ah. Ay sya, nasa living room sila. Halos magkasunuran lang nga kayo eh," tugon niya.
"Thank you po," pagpapasalamat ko. Humakbang na ako paalis.
"Ay magdadala na lang ako ng pagkain ha. Para may makain kayo," aniya.
Napahinto naman ako sa paglalakad at nilingon siya. "Sige po. Pakidala na lang po sa Training Room. Salamat, Manang." Nginitian niya lang ako at dumiretso na sa loob ng kusina.
Tumuloy na ako sa living room at nakita silang nag-uusap. Ibinagsak ko na lang sa sofa na malapit sa akin ang mga gamit ko. Nagulat naman sila sa ginawa ko kaya napatayo sila.
"Problema mo?" takang tanong ni Mindie na nameywang pa.
"We need to talk. Tara sa Training Room."
"Huh?" nagtataka naman na sabi ni Tadia.
"Basta. I'll explain it later," sagot ko na lang at naglakad paakyat ng hagdanan. Narinig ko pa ang sabay nilang pagbuntong-hininga. Sumunod naman sila sa akin papuntang taas. Hindi nila siguro inaasahan ang inaasta ko. Mahalaga ang pag-uusapan namain at ayaw kong may kung sino man ang makakarinig niyon. May Training Room na kung saan pwede kami doon mag-practice ng kahit na anong bagay. Katulad ng pag-sayaw o kahit ano. May mga gamit rin doon na pang martial arts. Doon kami minsan nagpa-practice ni oppa ng kahit anong laban, mapa-boxing man o espadahan. Pinagawa iyon para may mapaglibangan kami. Nasa pinakadulo iyon ng second floor ng bahay namin. Pinakatagong kwarto.
Binuksan ko na ito. Pagkapasok ko ay ganoon rin kabilis ang pagpasok nila. Hindi ko na ini-lock ang pinto dahil papasok rin mamaya dito ang maid na magdadala ng pagkain namin. Kaagad silang umupo sa sofa at parang pagod na umupo doon.
"So, ano'ng problema?" panimula ni Tadia.
Umupo ako sa sofa na nasa harapan nila. Nakita ko pang inililibot ng mga mata ni Mindie ang buong kwarto.
"Matagal-tagal na akong hindi nakakapasok dito, ah," ani Mindie habang inililibot ang paningin sa buong kwarto.
"Ako rin eh. Minsan na kasi tayo pinapapasok ni Isha dito," saad ni Tadia.
Inirapan ko naman sila. "Pwede ba? Hindi 'yan ang pag-uusapan natin," naiinis kong sabi sa kanila.
"Eh ano nga 'yon?" sabay pa na tanong ng dalawa.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...