Part 41

933 25 2
                                    

MEGAN

"WHAT DO you mean, Miss? Sabay at parehas kaming dalawa na magpapalabas sa harap ng lahat?" tanong ni Brice sa kaniya.

"Yes. Oo, naman. Partners kayo, diba?" masayang sagot ni Mrs. Katacluban.

"Miss, matagal na po kaming hindi magka-partners. And besides, noon lang po 'yon. Hindi na ngayon," reklamo niya. Kita ko ang pagpipigil niya ng inis sa kaniyang mukha.

Hindi na lang ako umimik at nakinig na lang sa bawat reklamong sinasabi niya at sa bawat sagot ni Mrs. Katacluban. Tinatamad akong magreklamo at mukhang parehas lang naman kami ng gusto. Ayaw naming maging partners ang bawat isa.

"I'm sorry, Mr. Welsh, kung ayaw mong maging partner si Ms. Cusieda. Wala na tayong magagawa dahil kayo nang dalawa ang nakasulat sa invitation. After this Fest, next next week ay gaganapin na ang concert."

What the!

Kaagad naman akong napatayo. "Akala ko po ba sa October pa gaganapin ang concert?" galit ang tono kong tanong.

Parehas silang napatingin sa akin. "I'm sorry, Ms. Cusieda but we already moved it. Para mas maaga at hindi makaapekto sa mga lesson na mami-missed n'yo. As a MAPEH teacher, I should choose two students with a talent in every section I'm holding. And kayong dalawa 'yong pumasa. Sayang naman 'yong opportunity na makakakanta kayo sa harap ng lahat. I'm sorry pero hindi na natin ito pwedeng baguhin. Mamaya ay ipapasa na ang nagawang lay out na invitation at ipapaayos na lang ito. I'm sorry pero wala na tayong magagawa. All we have to do is just accept it," kalmado niyang paliwanag sa aming dalawa.

Nanlulumo akong bumalik sa  pagkakaupo. Kokonting araw na lang pala ang natitira para sa pagpa-practice namin kaya wala na akong choice kundi ang tanggapin na lang. Mayroon lang kasing tatlong araw ang Intrams Day at mukhang sinunod na agad nila ang Concert para isang bagsakan na lang. At pagkatapos niyon ay balik normal na naman ang lahat.

"Now, kayong dalawa ay dapat todo ang pagpa-practice. Okay? May music room naman tayo kaya doon kayo magpa-practice palagi. All the instruments that you needed are in there. Ang dapat na lang ninyong gawin ay mag-practice, practice, practice and practice!" nagagalak niyang anas.  "Every after classes ay pupunta kayo sa Music Room at magpa-practice. At magsisimula kayo after three days kasi patatapusin pa natin ang Intrams. Kapag sabado at linggo ay pupunta rin kayo dito sa school at magpa-practice. Don't worry, kasi laging bukas naman ang ating school. And one more thing," sandali siyang tumigil sa pagsasalita at tinitigan kaming dalawa, "you two are going to write your own song."

Ano?!

"Ano po?!" sabay naming bulalas. Nagkatinginan pa kaming dalawa.

"Oh, kalma lang," pagpapakalma niya sa amin. Nagkaiwasan kami ng tingin at tumingin na kay Mrs. Katacluban. "Oo. Gagawa kayo ng sarili ninyong kanta. But don't worry, hindi kayo gagawa ng tig-iisang kanta. What I mean is magtutulungan kayong dalawa na gumawa ng isang kanta. Ang theme dapat ay about love, ha," nakangiti niyang ani.

Sa ekspresyon pa lang niya ay mukhang siya lang ang natutuwa sa sinabi niya. Ano'ng maganda sa magpa-practice kami araw-araw at gagawa pa kami ng sarili naming kanta?

"P-pero, Miss..." huminga muna ako ng malalim para kumalma, "sobra na po 'yan Miss, ha. Kakanta na nga kami sa harap ng lahat tapos gagawa pa kami ng sarili naming kanta. Napaka-unfair naman po."

Nasaan ang hustisya?!

"I am very sorry, Ms. Cusieda, but we can't change it. Please, just accept it. Nandito na 'to eh." Ibinaba niya ang salamin na suot. "Pwede na kayong makalabas at mag-enjoy. Just enjoy the day," nakangiti niyang ani.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon