Part 26

987 39 1
                                    

BRICE

HINDI KO napigilan ang aking sarili na mapalingon sa kaniya. Her eyes were close and I think she's sleeping. Iiling-iling na pinagmasdan ko ang buo niyang mukha.

Even though she's so peevish, may side pala ang masungit na ito ng pagiging jolly. Bigla-bigla na lang ngingiti ng dahil lang sa tricycle at jeep. Mukhang ito palang ang first time niyang ma-experience ito. Everyone are doing this commute thingy, but she? Nagmumukha siyang baliw.

Mukha pala siyang barbie lalo na't nakasuot siya ng mga damit na puro color pink maliban na lang sa suot niyang pang-itaas. Bumagay ang medyo kulot niyang buhok sa mukha niyang flawless. Makinis at maputi ang kaniyang mukha. Mukhang alagang-alaga niya ang kaniyang balat. Hindi rin gaano kakapal ang isang linyahan niyang kilay. Malalantik at mahaba ang kaniyang mga pilik-mata. Matangos din ang hindi oily niyang ilong. At ang kaniyang labi ay pinkish kahit may liptint siya. Mukhang simpleng make-up lang ang nilagay niya sa kaniyang mukha.

Biglang huminto ang jeep pero hindi iyon ang dahilan ng pagkatulala ko. Hindi ko inaasahang magmumulat siya ng mga mata. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko na nagawang makaiwas ng tingin. Nakatitig rin siya sa akin. Mabuti na lang talaga at may umubo kaya nawala ang tingin niya sa akin.

Hanggang sa pagbaba namin sa harapan ng kanilang subdivision ay hindi iyon nawala sa isip ko. She's so beautiful. Hindi ko iyon itatanggi. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ipinagpalit siya ng kaniyang ex sa ibang babae. 'Di hamak na mas maganda pa siya doon.

"Good morning, Miss Megan," bati sa kaniya ng guard ng kanilang subdivision.

Nginitian niya naman ito. "Good morning din ho. Ah, kuya guard, paki-add siya sa listahan ng guest ko ngayong araw," aniya sabay tingin sa akin.

Nabaling naman ang tingin sa akin ng guard. "Name mo, 'toy?" tanong nito sa akin.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. Pinandilatan ko siya nang mapatingin siya sa akin habang tumatawa. Huminto naman agad siya sa pagtawa.

"Name mo?" muli nitong tanong sa akin.

"Acke Brice Welsh," sagot ko.

May itinype naman ito sa keyboard ng kaniyang computer. "Boyfriend mo, Miss Megan?" nakangiti nitong tanong sa kaniya.

Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang marinig niya iyon mula sa guard. Ako naman ngayon ang natawa. Laughtrip 'yong mukha niya!

Inis na nilingon niya ako. "Tinatawa-tawa mo d'yan?" asik niya sa akin. Napatakip naman ako ng bibig at doon tumawa ng mahina.

Sa guard na siya tumingin. "Hindi po, kuya guard. Kaklase ko lang po. Sige po, pasok na po kami."

Itinaas naman ng guard ang turnpike na nakaharang sa daan namin. Mas nauna siyang naglakad kaysa sa akin dahil sinusundan ko lang siya. Hindi ko naman kasi alam kung alin ang bahay niya dito.

May naalala bigla ako. Naihatid ko na nga pala siya dito sa sub niya. Bakit nga pala hindi na lang ako naghintay sa labas ng sub niya para hindi na ako nagdoble ng gastos? Aish! Ang tanga ko rin eh.

"Okay ka lang?" puna niya sa akin nang lingonin niya ako.

"A-ah, yeah. Saan na ba ang bahay n'yo?"

"Excited much? Sandali lang. Malapit na tayo," aniya.

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Halos lahat ng bahay dito ay sobrang laki. Malalaki din ang agwat ng bawat bahay dito kaya medyo natagalan kami sa paglalakad. Bigla naman siyang huminto sa paglalakad.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon