BRICE
MATAPOS ANG dalawang oras sa pagte-training, nagsibihis na kami. Nagsuot na rin kami ng mask. Wala dapat makilala sa amin.
"Ang mga weapons?" tanong ko kay Ellison.
"Nandito na," sagot niya.
Hindi namin alam kung ano'ng gustong laban ang pipiliin ng Blue-eye. Kilala ko sila sa mga galaw nila. Lahat ng nakakalaban, patay. Hindi nila kami kagaya. Pumapatay sila, kami nagdadala lang sa hospital. Dito rin kami sa hideout nagtatago ng mga weapons na gagamitin para sa pakikipaglaban.
"Ready?" tanong ko sa kanilang lahat.
"Yes," mahinang sagot nilang lahat.
Marahas akong napabuga ng hangin. "Parang nahawahan na kayo ni Taryn, ah. Are you ready?!" malakas kong tanong sa kanila.
"Yes, we're ready!" sigaw nilang tatlo.
"At ikaw?" tanong ko kay Ellison na wala man lang imik o kahit reaksyon.
"What? Kanina pa ako ready, ah," sabi niya habang naka-cross arm at nakasandal sa pinto ng hideout namin.
Napabuntong-hininga na lang ulit ako. "Okay. Tara na," aya ko sa kanila at lumabas na sa hideout namin.
Sumakay na sila sa kaniya-kaniya nilang kotse. May sari-sarili kaming kotse at hindi kami sabay na sumasakay sa iisang sasakyan papuntang secret place. Naunang lumabas ang kotse ko dahil malapit lang ito sa gate. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko dahil malayo pa ang pupuntahan namin. Malayo ang secret place para walang sinuman ang makakaalam.
"Yow! Master! 'Wag mong bilisan! Atat ka naman masyado!" sigaw ni Taryn sa akin nang makasabay siya sa akin.
"Ano?!" sigaw ko rin sa kaniyaa.
"Wala! Ang gwapo mo, sobra!" sigaw niya pabalik sa akin.
"HAHAHA! Thank you! Alam ko, gago!" sigaw ko at mas mabilis na pinatakbo ang kotse kaya mas naunahan ko siya. Napapailing na lang ako dahil sa tuwa. Gwapo daw eh!
Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako sa secret place. Narinig ko ang paghinto ng kotse nila. Pumarada sila sa likod ko. Kasunod ko si Ellison. Pagkalabas niya ay ginulo-gulo niya pa ang kaniyang buhok. Tinanguan ko lang siya nang makitang nakatingin na siya sa akin. Sumunod naman sa kaniya ang tatlo.
"Young Master?"
Natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon, nilingon ko siya. "Ikaw nga, Young Master!" nagagalak niyang banggit sa codename ko. Lumapit siya sa akin nang makaharap ko na siya. At katulad ng dati, blue'ng blue ang kulay ng damit nila maliban na lang sa mask nila na kulay pula pero mas kilala sila ng dahil sa mga mata nila na kulay blue. Sila ang Blue-eye. Anim sila sa grupo. At itong kausap ko na nasa aking harapan ang leader nila.
Peke ko siyang nginitian. "Blue! Ikaw pala," bati ko sa kaniya pero hindi ko siya nilapitan. Siya ang kusang lumapit sa akin.
"Kumusta?" Nangunot ang noo ko nang bigla siyang lumapit sa tenga ko. "Kaya ba ng grupo mo?" Nagpakawala siya ng malakas na tawa nang umalis na siya sa tabi ko.
Nawala ang pekeng ngiti sa aking labi. Naikuyumos ko na lang ang kamao ko nang marinig ko iyon galing sa kaniya. Ang lakas ng loob niyang itanong sa akin 'yon! Tss.
Ngumisi ako ng peke. "Tss. Bakit? Natatakot ba kayo sa pwedeng mangyari sa grupo mo?" pigil ang inis kong tanong sa kaniya. Tumigil siya sa pagtawa at masama ang mga matang tumingin sa kin. "Hindi pa nagsisimula, Blue. 'Wag kang uhaw. Masyado ka yatang excited na makuha ang trono namin."
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...