Part 38

879 26 1
                                    

BRICE

BUMUNTONG-HININGA ako habang nakatingin sa buong field. Pinagmamasdan ko ang lahat ng mga estudyante na naglalakad na parang mga langgam sa paningin ko.

Pagkatapos kong makipagbangayan ulit sa babaeng iyon kanina sa bench ay naglibot kami sa buong campus para magtingin ng mga booth. Bumili lang kami ng mga pagkaing gusto naming kainin at nagpunta dito sa rooftop ng college para tumambay. Nakakakalma rin ang lumanghap ng hangin dito lalo na't malayo sa masungit.

Sana naman hindi niya tinapon iyong mga cupcake na binigay ko sa kaniya. Wala naman talaga akong balak na iba sa pagbigay sa kaniya ng cupcakes. I know that she really want to eat those cupcakes and I thought that it'll make her back in her normal mood. The mood that I saw in her face when we're talking inside the room. Pero mukhang mas lalo pang lumala. Mas masama na ang mga tingin niya sa akin and I swear, she's like going to kill with those death smirk.

"Kanina ka pa bumubuntong-hininga ah. Any prob?" Nabaling ang tingin ko kay Ellison na katabi ko dito sa may bench. May hawak-hawak siyang isang libro pero sa akin na siya nakatingin.

"Nothing," maikli kong sagot.

Kanina pa ba ako bumubuntong-hininga?

"Master, badtrip ka na naman  ba?" singit ni Dirk sa usapan naming dalawa.

"Dirk! Sinabi nang 'wag mo s'yang tawagin sa codename n'ya eh!" bulyaw ni Taryn sa kaniya at piningot ang kaniyang tenga. Hinila niya ito papalayo sa amin.

"Aray! Ano ba?! Oo na! Oo na! Pwede, bitawan mo na ang tenga ko? Masakit na eh!" reklamo niya kay Taryn. Nakangiwi naman itong si Dirk at mukhang nasasaktan na talaga sa pingot nito sa kaniya.

Tawa-tawa namang binitawan ni Taryn ang tenga niya. "Ilang ulit ko na kasing sinasabi sa 'yo pero hindi ka naman nakikinig," pangbubusa niya kay Dirk.

"Oo na!" Tumingin siya sa akin. "Sorry na po. Oh, ito na. Acke, bakit mukhang badtrip ka na naman--- Aish! 'Di bagay kay Master eh!" pagrereklamo pa ni Dirk.

"Tumahimik ka na nga lang, Dirk!" sigaw ni Ellison sa kaniya.

Napabuga tuloy siya ng hininga. "Opo. Sorry na. 'Di ko na babanggitin ever 'yang mga codename n'yo!" nakahalukipkip niyang ani.

"Ulol! Ang bakla mong magsalita!" tukso ni Taryn sa kaniya na nakangisi pa.

Inis na tinignan siya ni Dirk. "Ako pa ang bakla! Ikaw nga, kung makipaglaban ang luma-lumanay," komento naman niya sa mga galaw ni Taryn kapag lumalaban.

Mukhang mauuwi na naman sa bangayan ang dalawang ito. Kapag nagsasama talaga ang dalawang ito, lagi na lang umiingay ang buong barkada. Hinding-hindi mawawala ang bangayan ng dalawang ito. Lagi naman silang nag-aaway. Kailan pa ba sila tumigil sa pag-aaway?

"Ano'ng ako? Aba, kung makapintas!"

"Bakit? Totoo naman, ah!"

Minsan talaga, hindi ko maintindihan itong dalawa na 'to. Magbabangayan lang dahil sa isang maliit na bagay. Tapos mag-uusap hanggang sa mag-away. Ang layo naman ng topic na pinag-aawayan. Badtrip na nga ako, mas lalo pa nila akong binabadtrip. Ano ba talaga trip nila?

"Ang kapal naman ng mukha mo!"

"Mas makapal sa 'yo! Makapanghusga ka, akala mo kung sino ka!"

"Tarantado! Akala mo ako lang, eh ikaw rin naman."

"Sige, husga pa more!"

"Tignan mo! Ang bakla mo talaga!"

"Ha?! Sino sa atin! Ha!"

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon