BRICE
"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!" sigaw naming dalawa.
Sumigaw ako na parang wala nang bukas. Pati siya ay napapasabay na rin sa pagsigaw ko. Pareho kaming napaatras para makalayo sa tumatakot sa amin. Alam kong nasa tabi ko lang ang multo. Nararamdaman ko.
"Hi, ulit."
"AAAAHHH!!!" muli naming sigaw.
"Teka lang. Nakakatakot ba talaga ang boses ko?" anito.
Natigilan kaming dalawa sa pagsigaw nang magsalita ang nasa harapan ko. Anino lang ang nakikita ko, salamat sa konting liwanag na naaaninag ko.
"Sino ka?" tanong ko nang kumalma na ako.
Biglang lumiwanag. Nanggaling ang liwanag mula sa kandila na hawak-hawak ng kausap namin. Ngayon ay nakikita ko na ang mukha ng nagsalita kanina. Isa siyang lalaki na maputla ang mukha at may dugo sa bibig at sa ulo. May saksak pang kutsilyo sa kaniyang ulo. Naka-barong pa siya pero puno na ito ng dugo.
I swear! Nakakatakot ang mukha niya.
Bahagya akong natakot dahil nakatitig siya sa akin. "A-anong tinitingin-tingin mo s-sa 'kin?" nauutal kong tanong sa kaniya.
Bigla siyang ngumiti. "Diba ikaw 'yong gwapong cousin ni Cristy?" excited na tanong niya sa akin. Tinutukoy niya ang pinsan ko na kausap ko sa labas kanina.
Wait! Is he a gay? The way he talk, it's so girly.
"A-ah eh... Oo, ako nga. Bakit?" nag-aalinlangan ko pang tanong sa kaniya.
"Ay, ikaw pala! Grabe ang gwapo mo pala sa personal!" bulalas niya sa masayang tono.
"Sandali nga!" Pumunta sa harapan ko si Ms. Masungit at hinarap ang kumakausap sa amin. "Sino ka ba at kailangan mo pang magtanong?" inis na singhal niya dito.
Nabura naman ang ngiti nito sa labi at napatingin sa kaniya. "Ay, sorry ha. Anyway, ako nga pala 'yong magsasabi sa inyo about sa horror booth na ito." Tinignan niya kaming dalawa at ngumiti na parang kinikilig. "Kayo, ha. Magkasama pa kayo ab. Uuuy, ano mo 'yan?" tanong niya sa akin.
"Bakit ba tanong ka nang tanong?!" inis na tanong ni Ms. Masungit sa kaniya. Hindi ko na binalak pang magsalita o umimik pa dahil natatawa na ako sa pagsusungit ni Ms. Masungit sa kausap namin. Parang may lumalabas na usok sa ilong niya habang masama siyang nakatingin sa baklang kausap namin.
"Ay, galit? Bakit ka ba sumisingit sa tinatanong ko sa kaniya eh s'ya lang ang tinatanong ko?" aniya at tinuro pa ako.
"Kasi nakakainis ka na! Nananakot ka ba o makikipag-tsismisan ka pa sa 'min?"
Ooooh....
"Ay, ang sungit. Sige na nga, 'di na ako magtatanong. Lumalaki pa butas ng ilong mo 'teh, eh," pintas nito sa kaniya.
"Urgh! Iniinsulto mo ba ako?!" Parang gusto na niya itong sunggaban ng suntok kaya agad ko siyang hinawakan sa kaniyang magkabilang balikat at hinila papunta sa gilid ko.
Hinarap ko siya at kita ko ang inis sa mukha niya. "Huy, ano ba? Ang galit mo agad," puna ko sa kaniya. "Kalma ka lang."
"Isa ka pa eh!" Bigla niya akong dinuro. "Kung hindi mo sana ako dinala dito edi hindi ito mangyayari sa 'kin!" galit na galit niyang asik sa akin. Natahimik naman ako nang sisihin niya ako.
"Hay naku! Huwag n'yo ako isasali sa away n'yo ah. Nandito lang ako para sabihin sa inyo ang pasikot-sikot dito." Napatingin naman ako sa baklang multo na nasa harap ko. "Ang sabi ko nga makikinig kayo sa akin. Hindi kayo basta-basta na lang makakalabas dito sa booth na ito. Sakop ng booth na ito ang tatlong room na may kan'ya-kan'yang pintuan. So ganito, sa bawat room na papasukan n'yo ay matindi ang pagdadaanan n'yo. Kaya tinawag itong 3 level horror booth ay dahil sa patindi ng patindi ang takutan dito. Kung baga sa Bahay Ni Kuya ay pahirapan ang housemates at walang makakalabas hangga't 'di ka nagtatagumpay. The first level is not very simple. Mahirap rin s'ya. Then, sa second level it'll be difficult. Mahirap makalabas sa second level dahil mas nakakatakot do'n. Kapag nakalabas kayo sa second level ay makakapunta na kayo sa third level or should we say, the last level," paliwanag niya habang binabasa ng hawak na papel. "At sa third level naman...." tumingin siya sa amin at tumawa na parang baliw, "...SECRET! Bawal sabihin eh. 'Sensya na. Kayo nang bahalang gumawa ng sarili ninyong diskarte. Napaka---napaka---napaka-HIRAP ng stage na 'yon. Kaya goodluck na lang inyo! Sige, alis na kayo. Magsimula na kayong matakot dahil masu-surprise na lang kayo. Marami pang papasok eh."
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...