MEGAN
BIGLA AKONG natigilan nang makita kung gaano siya kagwapo sa maayos niyang pananamit. Sa tuwing pumapasok kasi siya ay laging magulo ang uniform niya. Minsan pa nga ay pumapasok siya ng walang necktie ang polo. Minsan naman ay walang jacket. But this time, it's so different. He's so different.
Teka nga! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Siya gwapo?! Oh my gosh! Did I just say that?!
Napalunok ako ng laway nang magsimula siyang maglakad papalapit sa akin. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Parang ilang saglit na lang ay sasabog na ito sa sobrang bilis. And I really don't know why I'm feeling this weird thing. The last time I felt it is when Kurt tried to court me.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang bilis tumibok ng puso ko? Bakit? Ano'ng nangayayari sa 'kin? Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin. Ang lakas naman ng epekto ng pagiging disente niya sa harapan ko. 'Wag ka't playboy 'yan. Gwapo nga pero playboy naman. Tss. Sandali! May sinabi ba akong gwapo siya?! Nasisiraan na yata ako! Hindi siya gwapo! Ang pangit niya kaya! Mukha siyang bakulaw! Tss! Mas gwapo pa sa kaniya si.... si Kurt. Hmp! Bakit ko ba siya binabanggit?!
"Masyado ba 'kong gwapo sa paningin mo kaya hindi na maalis ang paningin mo sa 'kin?"
Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ko ang sinabi niya. Tinignan ko siya at biglang nangunot ang noo ko nang makita ang ngisi sa kaniyang labi.
"Ang kapal!"
Pabiro siyang tumawa. "What? Kanina mo pa ako tinititigan eh." Kinindatan pa niya ako na akala mo naman ay gwapong-gwapo sa sarili.
Pinagtaasan ko siya ng kanang kilay. "Tss. May dumi ka kasi sa mukha mo," pagsisinungaling ko.
Nanlaki bigla ang mata niya. "Ha? Saan?" Aligaga siyang kumuha ng panyo mula sa bulsa ng pantalon niya at mabilisang pinunasan ang kaniyang mukha. Uto-uto naman! Tinignan pa niya ako. "Meron pa ba?" inosente niyang tanong sa akin na parang nanghihinayang siya sa mukha niya. Para bang disappointed siya sa kaniyang sarili.
Hindi ako umimik.
Nanlulumo siyang bumuga ng hangin. "Hays. Nasayang lang 'yong effort ko. Tss." Nag-effort pa pala siya? "Dapat gwapo ako sa harapan mo, eh."
Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang matawa. Kingina! Nag-effort siya?! Nagpaka-effort siya para dito? Ha? Ano daw? Ano'ng ibig niyang sabihin?
"What do you mean?" takang tanong ko sa kaniya.
Inalis na niya ang panyo na kanina pa niya paulit-ulit na pinupunas sa kaniyang mukha. Tinignan niya akong maigi sabay ngiti.
"I prepared all of this. Nagpaka-effort ako para masorpresa kita," nakangiti niyang tugon.
Nangunot lalo ang noo ko. "I don't understand," naguguluhan ko pa ring sabi. Napaatras pa ako.
"What do you mean, you don't understand?" balik tanong niya sa akin.
"Bakit mo 'to ginagawa?" I ask again, so curious.
Ngumiti siya. "'Cause I want you to be my girlfriend. Mahirap ba 'yong unawain?" tanong niya at nagsimulang lumapit sa akin nang umatras ako.
"Yes! Mahirap unawain dahil ang gulo mo!" naiinis kong asik.
Naguguluhan ako sa kaniya! Bakit n'ya ba 'to ginagawa?
"Ano'ng magulo sa 'kin?"
"'Yang ugali mo!" Sabay tapon ko sa harapan niya ng mga bulaklak. Hindi ko naman tinapon sa pagmumukha niya kundi tinapon ko lang sa may paanan niya. "Nabubwisit ako dahil d'yan sa ugali mo! May sira ka ba o nasisiraan ka na talaga?!" Bwisit na 'to! Mabubugbog ko na talaga s'ya!
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...