Part 90

1.2K 31 0
                                    

MEGAN

"BRICE! PLEASE, hold on. Please! 'Wag mo akong iwan!" nagmamakaawang iyak ko habang nakikita siyang nakahiga sa stretcher na tinutulak namin papuntang Operating Room. Hindi na ako mapakali dahil sa kondisyon niya. Punong-puno na ng dugo ang hinihigaan niya. Ako naman itong hysterical na tinatakpan ang duguan niyang tiyan gamit ang dalawa kong palad. Nakapikit ang kaniyang mga mata at hindi na gumagalaw ang kamay. Hindi tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko.

Ipinasok na si Brice sa loob ng Operating Room.

"Miss, hanggang dito ka na lang sa labas. Hindi talaga kayo dito pwede," pigil sa akin ng nurse nang sinusubukan kong pumasok sa loob ng Operating Room.

"Pero kailangan ko pong malaman kung okay siya!" nagsisigaw na ako.

"Sorry talaga. Mahigpit na ipinagbabawal. Maghintay na lang kayo dito sa labas. Malalaman nyo rin ang resulta."

"PERO HINDI SIYA OKAY! NAKITA KO BANG OKAY SIYA?! DIBA HINDI?! DOCTOR KA BA?! HINDI! KASI NURSE KA LANG! FVCK!"

"Himinahon ka lang po," pagpapakalma sa akin ng nurse. Napabuga naman ako ng hangin. Ginuide niya ako sa upuan para makaupo at makapagpahinga. "Huminga ka lang ng malalim." Sinunod ko naman ang sinasabi niya kaya kumalma naman ako ng unti-unti.

"Megan, kumalma ka lang." Sumulpot sa harapan ko ang mga kaibigan ko.

"Mindie...si Brice," sabi ko habang umiiyak at niyakap si Mindie.

"Relax, Megan. He's going to be okay."

"Mabubuhay siya," dagdag naman ni Tadia.

"Tinawagan n'yo na ba sina Tita Bea?" tanong ko sa kanila nang kumalas na ako mula sa pagkakayakap kay Mindie.

Tumango si Tadia. "Oo. Tinawagan na namin silang lahat. Pati na ang parents mo. Don't worry papunta na sila dito," sagot ni Tadia.

Dumating na rin sina Dirk, Taryn, Ellison at Aerence. Bakas sa mukha nila ang lungkot at pag-aalala.

"Dirk, si Kurt?" Kahit naman na wala nang 'kami' ay nag-aalala pa rin ako para sa kaniya. May pinagsamahan pa rin naman kami. Pati may saksak siya

"Nasa Emergency Room. Ginagamot na ang sugat niya. Hindi naman daw masyadong malalim ang sugat," sagot nito.

"Salamat."

"Gago kasi si Brice! Pinipigilan na nga ni Megan, tinodo pa. Kaya :ayun nasaksak," sambit ni Taryn kaya sa kaniya ako napatingin. Napahimalos na lang siya ng mukha.

Tinapik ni Dirk ang balikat ni Taryn. "Tol, matigas talaga ulo 'nun." Umiling-iling pa siya.

"Hayaan n'yo na. At least nilabanan niya," sabat naman ni Ellison.

"Pero hindi sapat 'yung nabaril siya."

"Papatayin ko siya." Lahat kami ay napatingin kay Aerence na nakayuko ang ulo at mukhang galit na galit na.

"Aerence, relax. Kasama 'yon sa laban. Kumagat siya sa patibong ni Kurt. Ginusto niya 'yon," pagpapakalma ni Taryn sa kaniya.

Tumingin sa akin si Ellison. "Megan." Kaya napatingin ako sa kaniya. Ngayon niya lang ako kinausap. "Kami pa rin ba ang nasa rank one o ang grupo na ni Kurt ang papalit sa aming rango?" seryoso niyang tanong sa akin.

Napalunok naman ako ng laway. "I-if ever Brice survive there's a chance na sa inyo pa rin ang rank. Ngunit kapag n-namatay siya..." Naiiyak na naman ako. "Ang King's Dark ang papalit," sagot ko.

"Sila ang papalit sa pwestong pinaghirapan ninyo. Kahit sabihin na nating napuruhan din si Kurt at nabuhay si Brice, sa inyo pa rin ang rank. Let's just pray that Brice will survive. 'Wag muna nating isipin ang rank, mas isipin natin ang buhay ni Brice na nanganganib ngayon," pagpapatuloy ni Mindie sa sinasabi ko.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon