Part 10

1.1K 47 4
                                    

MEGAN

MAAGA AKONG pumasok today. I want to see Kurt. Naitanong ko na rin kahapon kayna Nich at Ross ang room niya. Kaya pupuntahan ko siya ngayon. Pagpasok ko ay kokonti pa lang ang nasa room. Talagang napaka-panctual ang mga kaklase ko. Agahan ko man ng pasok ay may maaabutan at maaabutan pa rin ako sa classroom.

"Hi!" bati ko sa babae kong kaklase.

Nginitian niya lang ako at muling ibinalik ang tingin sa binabasa. Friendly naman akong tao pero sadyang mapili lang talaga ako. Kung ayaw niyang kausapin ako, I don't care. Basta huwag niya lang akong iismiran o tatarayan dahil magkakasubukan talaga kami.

Ibinaba ko lang ang aking bag at lumabas na ng room. Nasa kabilang building pa daw ang room ni Kurt kaya talagang hindi ko siya nakikita palagi. Magkaiba rin kami ng schedule kaya minsan ay hindi nagkakatagpo ang oras namin.

Palinga-linga lang ako sa paligid habang naglalakad papunta sa kabilang building. Halos may tao na ang ibang classroom. Nagtingin-tingin din ako sa mga bench na nasa paligid baka sakaling nandoon siya at nakaupo. Pero mukhang wala naman siya doon.

Imbes ay ibang tao ang nakita ko. Katulad kahapon ay muling napataas ang kanan kong kilay. Ramdam ko pa nga ang pagkurba nito. Ano ba naman 'to? Nasasanay na akong magtaas ng kilay sa tuwing nakikita ko siya.

May kausap siyang isang babae. At ibang babae na naman. May kulay ang buhok at hindi na medyo makapal ang make up. Mukha siyang maarteng nilalang. Magkasiklop ang kanilang mga kamay at mukhang nagkukwentuhan sila. Or... binobola niya lang ang babae?

Hay naku, Mr. Playboy! You really know how to play a woman's heart.

Iniwasan ko na lang sila ng tingin at ibinaling ang paningin sa mga room, hinahanap ang room ni Kurt. Hindi ko dapat ibinabaling sa iba ang paningin ko. Hindi siya worth it na titigan dahil paglalaro lang ng puso ng lahat ng babae ang kaya niyang gawin. At isa pa, kaaway ko nga pala ng gago na 'yon. Muntikan ko pang makalimutan ang pagiging tsismoso ng bwisit na 'yon.

Nang mahanap ko na ang room niya ay saktong bukas na ito at mukhang may tao na. Pero nang sumilip ako ay wala siya doon. Isang babae at lalaki lang ang naroon. Napabuga tuloy ako ng hininga at nakayukong bumalik sa room.

"Isha!"

Napaangat ako ng ulo at nakita ang dalawa na nakangiting lumapit sa akin. Halos magkasabay lang kaming papasok ng room.

"Lagi ka nang maaga ah," puna sa akin ni Tadia. I'm glad she's now the Tadia that I know. Tahimik man minsan pero dumadaldal rin.

"Maaga naman talaga akong pumasok. At saka hinihintay ko kasi si Kurt," malungkot kong tugon.

"'Ayun! Edi sinabi mo rin," ani Mindie. Pumasok na kami sa loob ng room.

"Alam mo, baka kasama na nina Nich at Ross 'yon. Alam mo namang sabay ang tatlo na 'yon pumasok," ani Tadia. Pumunta na sila sa kaniya-kaniya nilang upuan. Ako naman ay umupo sa ibang upuan habang wala pa ang may-ari.

"Lumabas kaya tayo. Baka makita natin sila sa mga bench," anyaya ni Mindie na nakangiti pa.

"'Ku! Gusto mo lang 'ata makita si Ross eh," tudyo ni Tadia nang maibaba na ang bag.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon