BRICE
NAGING MABILIS ang pagkain namin. Ako na ang nagbayad dahil nakakahiya naman sa kaniya. Ako na din ang nagmaneho. Naging mabilis rin ang pagbiyahe namin. Nadaanan na namin ang school at didiretso pa sa subdivision nila.
"Hindi ba tayo bababa sa school?" tanong niya sa akin nang mapansing dinaanan lang talaga namin ang school at hindi huminto.
"'Wag na. Magpapahinga pa tayo. Ihahatid na kita sa inyo," sagot ko.
"Okay," sabi na lang niya.
Nasa subdivision na nila kami. "Pwede mo namang ibaba na lang ako sa labas ng subdivision namin."
"No need. Naipasok ko na ang kotse at isa pa, ang dami mong dalahin. Bubuhatin ko pa kasi si Teddy," nakangiti kong sabi.
"Gano'n ba? Sige na nga."
Nasa tapat na kami ng bahay nila. "Ibababa ko na mga bagahe mo," imporma ko sa kaniya. Lumabas na ako ng kotse ko. Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya sana.
"Thank you again, Mr. Playboy," nakangiti niyang ani nang makalabas na siya ng kotse ko at puntahan ako dito sa likuran.
Inilapag ko muna sa semento, sa labas ng gate nila ang mga bagahe niya bago ko siya kausapin. "You're welcome. Ano, dadalhin ko pa ba sa loob si Teddy?" tanong ko sa kaniya nang kunin ko naman sa loob ng kotse ang life size teddy bear.
"No. 'Wag na. Ipapakuha ko na lang kayna yaya ang mga gamit ko at si Teddy ang bubuhatin ko." Ibinigay ko naman sa kaniya si Teddy na buhat-buhat ko.
"Bye, Teddy," paalam ko sa teddy bear at kinawayan pa ito.
Ngumiti siya. "It's Meice," aniya habang yakap-yakap ang malaking teddy bear.
Nagtatakang tumingin ako sa kaniya. "Meice?"
"It's her name." Hindi na nawala ang ngiti sa kaniyang labi.
Nakangiting bumaling muli ang tingin ko sa teddy bear, kay Meice. "May pangalan ka kaagad, Teddy. Hi Meice!" kausap ko dito. Muli akong tumingin sa kaniya. "Pinag-isipan mo ba 'yan?" tanong ko sa kaniya.
Sandli niyang kinagat ang mapula niyang ibabang labi. "Yeah. Say bye to Mr. Playboy, Meice." Ginalaw pa niya ang kanang kamay ng teddy bear para magmukhang kinakawayan talaga ako nito.
Nakisakay naman ako. Kinawayan ko din itong muli. "Bye Meice." Sa kaniya naman ako tumingin nang nakangiti. "And bye, Megan."
"Bye, Brice." Napakatamis ng kaniyang ngiti. Hindi ko tuloy mapigilang pagmasdan ng ilang sandali ang kaniyang napakagandang mukha.
She's really beautiful. Pinaghalong Korean and Spanish. Pero mas lamang ang pagiging lahi niyang Koreana. Makinis at maputing mukha na sa tuwing tinatamaan ng araw ay lalong pumuputi at kumikinis. May medyo makapal na kilay, malalantik at mahahabang pilik-mata, matangos na ilong, mapupula ngunit maninipis na labi. Napakaliit din ng kaniyang mukha. She's tall pero mas matangkad ako kaysa sa kaniya kaya hanggang tenga ko lang siya. Sobrang puti niya at mayroon din siyang mahaba at kulot na buhok na umaabot hanggang sa bewang niya.
"Ah, Brice?"
Bumalik ang tingin ko sa kaniyang mukha. Mukhang nagtataka siya.
"Hindi ka pa ba uuwi?" untag niya sa akin.
"A-ah, yeah. Uuwi na nga." Pahakbang akong umatras. Pero agad akong nakaramdam ng sakit nang maramdaman kong tumama ako sa likuran ng kotse ko. Sh*t!
"Brice!" Nabigla siya sa nangyari sa akin at kagaya ko ay hindi rin niya inaasahan na mangyayari iyon sa akin. "Ayos ka lang ba?" nag-aalala pa niyang tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...