Part 89

1.1K 27 0
                                    

MEGAN

NAKABIHIS NA ako. Katulad ng dati, purong itim ang suot ko. Nandito na rin sa kwarto ko sina Mindie at Tadia.

"Mag-a-alas otso na," sabi ni Mindie na nakatingin na ngayon sa wall clock ko dito sa kwarto.

"We'd better go now," sabi ko at dali-dali na kaming lumabas ng kwarto.

Tahimik kaming bumaba ng kwarto ko. Wala dito sina Eomma at Appa dahil nasa work pa sila. Nasa kusina lang ang mga maids pati na si Manang Henya kaya nag-ingat kami para makalabas. Nang mapagtagumpayan namin ang makalabas ay dumiretso kami sa garahe para ilabas ang pinakamamahal kong motor. Nang mailabas ko na ay hinintay ako nina Mindie at Tadia sa may gate namin. Sakay din sila ng mga paborito nilang motor.

"Let's rockin' roll!" masayang sigaw ni Mindie at pinaharurot na namin ang motor namin papunta sa Secret Place.

Mabilis kaming nakarating sa Secret Place. Nakita namin ang mga mamahalin at maaangas nilang sasakyan na nakaparada sa labas ng Secret Hall.

"Yow, Storm!" Napatingin ako sa tumawag sa codename ko. Inalis ko ang helmet na tumatabon sa mukha ko.

"Tss. The Young Master," sambit ko sa codename niya at bumaba ng motor ko.

Kalalabas lang niya mula sa kaniyang itim na Lamborghini. "Yup! That's me!" pagmamalaki pa niya. Humahangin na naman sa sobrang kayabangan. Tss.

Nauna na silang pumasok sa Secret Hall. Sumunod naman kaming tatlo. Bumungad sa amin ang maiingay na Gang Groups. Napangiti na lang ako kahit tabon ang bibig ko. Dumiretso ako sa pinakanggitna ng Hall at hinarap sila. Habang silang dalawa ay nasa gilid ko lang.

I really hate this night.

"Are you ready for this night, everyone?!" malakas kong sigaw sa kanila.

"YES WE ARE!" sabay-sabay nilang sigaw. Kaniya-kaniya pa sila ng isinisigaw na grupo. Naipakalat na kasi namin kung sino ang maglalaban ngayong gabi para sa ranggo. At mukhang mas mag-iingay sila dahil alam nilang madugong laban ang magaganap ngayong gabi.

"Then let's start the battle!" muli kong sigaw. Muli silang nagsigawan. Sumenyas naman ako na tumahimik sila. "Tonight, it's going to be BlackHeart versus The new group, Kings Dark!" Pumunta sa harapan ko ang grupo na tinawag ko. Nanahimik ang lahat. Ang Black Heart ay binubuo ng limang miyembro habang ang King's Dark ay apat na miyembro lang. "BlackHeart, gusto ng Kings Dark ng Real Fight."

Nagsigawan na naman ang lahat.

"Silence!" sigaw ng dalawa kong kasama. Nanahimik silang muli.

"Deal?" tanong ko sa grupong BlackHeart. Nag-usap-usap naman silang lahat. Matapos niyon ay hinarap ako ng leader nito na si Young Master.

"It's a deal," lakas ng loob niyang pagpayag.

"Then, choose a representative," sabi ko sa dalawang grupo.

"I'm going to be the representative," sabi ni Young Master.

Tumango lang ako. "How about you Kings Dark?" tanong ko sa kabilang grupo. Humakbang pauna ang matangkad na lalaki. Katulad ko ay nababalot rin siya ng purong itim. Pero ang nakatawag pansin sa akin ay ang sapatos nito. Parang nakita ko na ang black rubber shoes na iyon hindi ko lang matandaan kung kailan at saan.

"I will be the representative. Let me introduced myself. I'm Kings Eye, the leader of Kings Dark," pagpapakilala niya sa aming harapan. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang kaniyang boses.

"I-ikaw...." Napalakas yata ang pagkakasabi ko dahil napatingin siya sa akin.

"So, you're Storm, the mysterious guy. Oh, no. Sorry. You're a girl. Forgive me," may bahid ng ngisi ang kaniyang tono. Tama. Natatandaan ko na siya. Siya 'yong lalaking nakalaban ko last week. 'Yong inakala niyang lalaki ako.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon