MEGAN
TINATAMAD NA umupo ako sa pinakahuling bench malapit sa flagpole at isang puno. Nagpalinga-linga ako sa paligid. May konti pa namang mga estudyante na nasa bench, nag-uusap at nagkukwentuhan. Napabuga tuloy ako ng hangin.Mukhang maghihintay pa ko sa kaniya ng ilang saglit pa. Sinabi niyang sandli lang siya kaya panghahawakan ko ang sinabi niya pero hindi ako nagtitiwala. Baka nga mamaya pa siya dumating.
Naghintay ako ng ilang minuto. Sa sobrang boring ay kinuha ko na lang ang phone ko at nilaro ang app na meron ako dito. Mukhang piano tiles lang ang merong laro ng phone ko. 'Ni hindi ko nga alam na may laro pala akong ganito. Hindi naman kasi ko mahilig gumamit ng phone ko. Libro lang ang lagi kong hawak.
"Aish! Ang tagal naman niya," reklamo ko nang makailang ulit na akong naglalaro ng piano tiles. "Nakakaboring na." In-off ko na lang ang phone ko at hinintay siyang muli.
Pinagmasdan ko ang buong paligid. Nasaan na ang mga tao dito? Mukhang wala nang katao-tao sa loob ng school. Sarado na rin ang bawat room ng mga building.
Tinignan ko ang aking wrist watch at nakitang 5:29 na pala ng hapon. Magdidilim na mamaya pero wala pa rin siya. Don't tell lumalandi na naman siya ah.
'Yong totoo? Advance ba 'yong relo ko or may sira lang? 5:29 in the afternoon! What the hell! Okay. Just calm down, Isha. Makakauwi ka rin ng maaga.
Kaya naman pala wala nang tao dito sa bench dahil malapit nang gumabi. Napabuga ako ng hangin at nangalumbaba. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang napanuod ko kanina sa basketball court. Nagpantasya pa naman ako sa lalaking 'yon kanina. Ang galing niyang lumusot sa kalaban niya tapos handa niyang gawin lahat mapa-shoot niya lang 'yong bola sa ring. Magpapaturo pa naman sana ako. Tapos si Mr. Playboy lang pala 'yon! WHAT THE F! Sana pala 'di ko na lang inisip na magpapaturo ako sa playboy na 'yon. Nakakainis!
Ang tanga mo naman kasi Isha eh! Magpapantasya ka na nga lang at titignan mo na lang siya na parang natutunaw, 'di mo pa namukhaan si PLAYBOY! Ang tanga mo talaga! Urgh!
Matalo sana 'yon sa laro. Pero promise, ang galing talaga niya. Napabilib ako do'n sa ginawa niyang pagpasok ng bola sa ilalim ng lalaki.
Teka lang! Bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yon? Kung tutuusin nga eh bawal 'yong gano'n. Matalo na talaga siya kung matalo. He deserve it. Pero ang utak eh. Mautak. Matatalo yata ako kapag kinalaban ko 'yon. Pero, hindi. Matapang yata 'to. Natatakot nga sa akin 'yong ugok na 'yon eh.
Nang muli akong tumingin sa aking wrist watch, malapit nang mag-six o'clock. Seriously? What's taking him so long? Yumuko muna ako at sumandal sa mesa. Kinuha ko rin ang headset ko at nakinig ng music. Magpapahinga lang ako.
Pinakinggan ko ang kanta ng Exo, which is Growl. This song is one of my favorite in Exo's song list. Nang matapos ang ilang kantang aking napakinggan ay muli akong napabangon at tinignan ang aking wrist watch. It's already 6:30 pm. Madilim na at wala nang halos katao-tao. Pwedeng magtagal ang mga estudyante sa loob ng campus hanggang 10:00 pm. Ito ay sa kadahilang may mga project or activities pang dapat talagang tapusin sa loob ng room lalo na sa laboratory.
But, seriously? Gano'n na ako katagal dito? Ang bilis ng oras ha. Anong nangyari sa taong 'yon at tinagal? Natabunan na ba ng maraming bola?
Hay, ewan ko sa taong 'yon! Paasa! Pinaghintay lang ako sa wala. Pinapapak na ako ng lamok dito sa kakahintay sa kaniya. 'Pag talaga nakita ko 'yong ugok na 'yon, pagbabatuhin ko talaga siya ng sandamakmak na bola. Kainis! Makauwi na nga. Ginabi na ako.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...