A COLD BREEZE of air suddenly touch my skin as I open the glass door of the veranda. A smile formed in my lips when the big full moon greet me. Sa sobrang laki nito ay parang ang lapit lang nito sa akin.
Mas lalo pa akong lumapit sa railings ng veranda at pinagmasdang mabuti ang madilim na kalangitan na puno ng mga nagniningning na mga bituin. Katulad ng mga hindi mabilang na mga bituin sa langit ngayong gabi, gano'n rin karami ang mga pagsubok na dumaan sa buhay namin at sinubok kami. At sa bawat pagkawala ng mga bituin sa langit, gano'n din kabilis namin nasolusyunan ang mga pagsubok at kapalit nito ay bagong pag-asa.
Years had already passed and I'm still happy and contented in my life now. New life, new family. Wala na akong mahihiling pang iba. I cried a lot of times but the happiness in my face is more than those cries. It is worth it. Worth it na minahal ko 'yong lalaking halos sirain na ang buong araw ko para lang mainis ako. It is really worth it na makasama siya sa matagal na panahon at sa mga susunod pang taon.
Nilanghap ko ang sariwang hangin at pinakiramdaman ang paligid. Wala mang masyadong puno sa paligid pero nalalanghap ko pa rin ang sariwang hangin dito sa Seoul. Samu't saring matataas man na gusali at maraming kotse ang nakikita ko ngayong gabi, hindi nito matatakpan ang kagandahan ng buwan.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang dalawang bisig na yumakap sa buo kong bewang. Napalitan ng matamis na ngiti ang kaninang gulat kong expression. Kasunod niyon ay ang magaan niyang paghalik sa gilid ng aking tenga.
Pabiro ko naman siyang sinikuhan sa tagiliran na ikinabigla niya rin.
"Woah! Sikuhan ba naman ako," agad niyang bulalas.
Napaikot tuloy ako ng mga mata at nilingon siya upang makita ang gwapo niyang mukha.
"Mahina lang 'yon. 'Wag kang OA."
Napanguso tuloy siya. "Eh ba't naniniko, ha?"
"Alam mo namang may kiliti ako sa tenga 'tas do'n mo pa ako hahalikan. Gusto mo pa ba ng isa, huh?!" pagbabanta ko.
Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakayakap sa akin mula sa likuran. "Ang wifey ko talaga. Binibiro ka lang eh."
Iniwasan ko na siya ng tingin at muling ibinalik ang tingin sa kalangitan. "Pwes, nagbibiro rin ako." may konting inis na anas ko.
"I love you."
Bigla-bigla na lang nawala ang inis na naramdaman ko nang banggitin niya iyon. Ang unfair! Bakit ba agad akong nahuhulog sa bwisit na 'to?
Muli ko siyang nilingon at nginitian. "Oo na. Nanalo ka na." Ngumuso ako. "Ang unfair mo talaga."
Bahagya siyang natawa. "And why?"
Inikutan ko siyang muli ng aking mga mata. "Because whenever you're saying 'I love you' to me, lagi na lang nawawala ang inis ko sa 'yo."
This time, it's not a chuckled anymore. It's now a laugh.
"Because I'm handsome, my wifey."
Napangiwi tuloy ako. "Lalaki na naman ang ulo mo. Tama na nga ang pagbubuhat ng sariling bangko."
He kiss my forehead and starred at my eyes. "I love you," mas lalong malambing ang pagkakasabi niya niyon.
"Kainis!"
Kung dati inis na inis ako sa mukha ng bwisit na 'to, ngayon, parang hindi ko kayang hindi makita ang pagmumukha niya. Sa nagdaang mga taon, parang mas lalo siyang gumwapo. Hindi ko alam kung sa paningin ko lang ba talaga o sadyang nagma-mature lagi ang mukha niya. Kung noon, mukhang gangster at playboy ang lalaking ito, ngayon, nagmumukha na siyang disenteng tao at may asawa.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...