MEGAN
"AKO NGA."
Napaikot na lang ako ng mata ng dahil sa sagot niya.
"Bakit ka nga nandito?" naiinis kong tanong ulit sa kaniya.
Malinaw na ang sinabi ko sa kaniya kagabi na kalimutan na namin ang namagitan sa aming dalawa. Kaya bakit siya nandito? May sira ba utak nito o talagang ganito na siya katigas ang ulo? Lalo lang ako naiinis eh. Wala na nga lahat ng tao dito, tapos heto siya at bigla-bigla na lang susulpot.
"Kasi nga gusto nina Mom at Dad na sunduin kita at ihatid sa school," sagot niya habang nakadungaw sa bintana ng kaniyang kotse. Mukhang bago na naman ang kotse ng playboy. Noong nakaraan pulang Bugatti. Heto at asul na Lamborghini naman ang gamit. Tss. Mayabang din eh.
Kumunot ang noo ko sa sinagot niya. "Ha?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Sumakay ka na lang. Hindi 'yong magtatanong ka pa."
"Eh bakit ka nagagalit? At pwede ba, umalis ka na dahil hindi ako sasakay sa 'yo, hinihintay ko driver ko," pagpapalayas ko sa kaniya. Wala akong balak na makisakay sa kaniya. Pumasok siya mag-isa niya. Tss.
Nakita ko ang ngisi sa kaniyang labi. "Walang darating. Kaya pwede, sumakay ka na dito?" kampanteng-kampante niyang pangungulit sa akin.
"Umalis ka na lang kung ayaw mong masipa," pananakot ko sa kaniya.
"'Andiyan na naman ang pagiging brutal mo. Wala nga dito 'yong driver mo. Nag-leave siya kaya ako na lang ang maghahatid sa 'yo. Sabay na tayo pumasok dahil kung magpapabagal-bagal ka diyan eh male-late tayo."
Lumapit ako sa kaniya. "Paano mo nalaman?" nang-aakusa kong tanong.
"Sinabi sa akin ni Mom na tumawag si Tita Marian at pinapasundo ka sa akin. Kaya kung ayaw mong maglakad papunta sa school, sumakay ka na lang sa akin ng tahimik," paliwanag niya.
Grabe naman! Parang kikidnapin niya ako sa huling sinabi niya.
Napailing na lang ako. "Ayoko," pinal kong saad. Pake ko ba kung maglalakad ako. Heller! May taxi naman, jeep at tricycle na pwedeng sakyan. Hindi niya ako mapipilit. Over my dead body!
"Ayaw mo? Oh, sige. Madali lang naman akong kausap." Pinaandar na niya ang engine ng kotse niya. "Hindi ko na kasalanan kapag napagalitan ang isa diyan dahil late siya. 10 minutes na lang pala." Nakatingin siya sa wrist watch niya habang sinasabi iyon.
Nanlaki bigla ang mga mga ko. Dali-dali akong napatakbo sa kaniya at hinila ang wrist watch niya.
"Waaaah! Late na ako!" hysterical kong bulalas. Sa kakahintay ko sa susundo sa akin, hindi ko na namalayan ang oras. Isa pa naman sa ayaw ko sa pagiging estudyante ay ang ma-late. Iyon ang pinakahuling bagay na gagawin ko sa pagiging isang estudyante.
Walang ano-anong binuksan ko ang pintuan sa back seat at mabilis na umupo.
"Let's go!" nagmamadali kong pang-aaya sa kaniya. Umayos pa ako ng upo at nilagay sa tabi ko ang aking bag.
Relax lang siyang tumingin sa akin. "Akala ko ba ayaw mong sumakay sa akin?" tanong niya ng may pagtataka.
"Just don't ask. Now drive," utos ko sa kaniya. Pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin. "What?!" irita kong tanong.
"You should see your expression right now," natatawa niyang sabi.
Nangunot na naman ang noo ko. "The hell! Paandarin mo na lang, please," pagmamakaawa ko.
Babawiin ko na ang sinabi ko kanina. Sasakay na pala ako sa kaniya. I don't have any choice, well, actually, siya lang talaga ang choice ko. Hindi na pwedeng mag-inarte o magpabebe dahil hindi lang siya ang male-late kundi pati ako. Kaya lunok-lunok muna ng pride ngayon, mamaya ko na lang ililiwa.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Novela JuvenilMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...