MEGAN
HINDI TALAGA ako makapaniwala sa nalaman ko kanina mula sa kaniya. Hindi ko alam na kaya pala niya ako kailangan dahil kailangan niyang ipamukha sa kaniyang ex na wala na itong babalikan at kailangan na nitong umalis. Ang tanong, sino ang babaeng iyon?
Sino ang babaeng tinutukoy niya? Hindi pa siya nakakapag-open sa akin kung sino ang babae na tinutukoy niya. Ang sabi niya lang sa akin ay transferee siya dito sa school. Ang tanong, saang classroom siya naroroon? Siguro, sa susunod na araw ay malalaman ko na rin. Sasabihin niya rin naman sa akin.
Kalalabas ko lang ng kotse na kanina ay sinasakyan ko pauwi dito sa bahay. Madami ang nangyari kanina at hindi ko talaga makakalimutan ang pag-confess ni Brice sa lahat. Buong campus yata ay alam na ang balitang iyon. Hindi ko pa rin nakakausap ang mga kaibigan ko. At alam na alam kong nagtataka at galit na sila sa akin dahil tinago ko sa kanila na 'kami' na ni Brice. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang katotohanan na nagpapanggap lang kami. Walang dapat makaalam.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Sakbit-sakbit ko ang bag ko sa aking balikat.
"I got a news from your school that you got sick yesterday." Natigilan ako sa paglalakad. Hindi ako lumingon sa kahit na anumang parte ng bahay.
"Bakit hindi ko alam?" Narinig ko ang pagkuyumos ng isang papel. Siguro ay hawak-hawak niya ito. Narinig ko rin ang ingay ng kaniyang sapatos na parang tumatapik sa sahig.
Hindi ko na matiis ang lumingon kaya nilingon ko na rin siya. Prente siyang nakaupo at nakababa ang paang tumatapimukhat-ulitit-ulit sa sahig. Seryoso ang kaniyang mukha at mukhang galit. Bigla siyang tumayo at dumiretso ang tingin sa akin.
"Tell me, why didn't you tell me that you got sick? Kailan pa?" Lumapit siya sa akin na seryosong-seryoso ang mukha.
Ibinagsak ko ang bag ko sa sahig at tinitigan din siya ng seryoso. Humugot ako ng napakalalim na hininga para sagutin siya.
"At bakit? May karapatan ka pa rin ba sa 'kin?" pagmamatapang ko.
"Yes. I still have rights on you because you are my dongsaeng." may galit ang kaniyang tono.
Napaismid ako. "Tss. Nawalan ka na ng karapatan na alamin ang tungkol sa akin nang sabihin mo sa akin ang katotohanan." May galit ang mga matang tinignan ko siya.
Bumakas ang galit sa kaniyang mukha. "At binabastos mo na ako." Parang hindi siya makapaniwala na kaya ko na siyang sagutan ngayon.
"Oppa, hindi kita babastusin kung ipinaglaban mo lang sana ako," mangiyak-ngiyak na sabi ko.
"Ano'ng ipinaglaban?" nagtataka niyang tanong.
Peke akong tumawa ng tipid. "At umaakto ka pa na parang walang kaalam-alam. Oppa, kung hindi ka sana pumayag na ipapakasal ako sa iba hindi sana ito mangyayari."
"Megan...." Lumapit siya sa akin na parang naaawa pero umatras lang ako.
"Huwag mong ipakita sa akin na naaawa ka. Dahil sa simula pa lang ay pumayag ka na sa kasunduan. Bakit kailangang ako pa? Ano ba ang naging kasalanan ko?" umiiyak na sabi ko.
Nangungusap ang kaniyang mga matang tumingin sa akin. "Hindi ko din naman ginusto ang lahat ng ito."
"But it all happened. Nangyari na. Nasabi mo na sa akin. At sa tingin mo matatanggap ko?"
"Aga...."
"Oppa, napakasakit para sa akin. Sinasaktan n'yo ako nang sobra. Nagdesisyon kayo ng parang wala lang para sa akin. Ako 'to. Anak nila at kapatid mo. Pero bakit n'yo ako ipapakasal sa iba na parang wala tayong pinagsamahan. Na parang hindi mo ako naging kapatid. Pagpapanggap lang ba ang lahat ng pinapakita mo sa akin---"
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Roman pour AdolescentsMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...