MEGAN
NAWALA ANG ngiti sa kaniyang labi nang marinig niya iyon galing sa akin.
"A-ano?" nauutal niyang tanong sa akin.
Inikutan ko lang siya ng mga mata. "Narinig mo naman, diba? Hindi ko kailangan pang ulitin." Lumakad na ako paalis pero hindi siya nagpapigil. Pinahinto niya ako gamit ang pagkapit sa braso ko.
"'Yong sinabi mo.... totoo ba?" Bakas sa mukha niya ang hindi makapaniwala. Ano bang nakakagulat sa sinabi ko?
"Ano pa bang gusto mong malaman? Nasabi ko na, diba? Hindi ko na kailangan pang ulit-ulitin." Gusto kong magpumiglas pero hindi niya ito binibitawan. "Bitawan mo nga ang kamay ko," may inis na sabi ko sa kaniya.
Binitawan nga niya ang aking kamay. Naglakad na lang ako mag-isa para bumili ng mga souvenir.
"Bakit mag-isa ka lang?" Biglang sulpot ni Tadia sa tabi ko, "'asa'n siya?" Nagpalinga-linga pa siya sa paligid at hinanap si Brice.
"Bakit hindi mo hanapin." Nagtingin-tingin ako ng mga keychain sa isang stand.
"'Ayan na naman ang pagsusungit mo. Nag-away na naman ba kayo?" Sinundan niya ako habang nagtitingin ako ng ilang kagamitan na pwedeng iuwi.
"Bakit hindi siya ang tanungin mo?" Nakakita ako ng isang stuff toy na puppy. "Gusto ko 'yon!" Turo ko sa stuff toy. Ang cute nito dahil kulay violet siya at may ribbon sa leeg.
"Sige, sa kaniya na lang ako magtatanong." Sa wakas ay sumuko na rin siya. Iniwan niya ako at naglakad paalis.
"Thank you! Hanapin mo na lang siya at pakisabing 'wag magpapakita sa akin ah," pahabol ko.
Nakakainis na talaga ang lalaking iyon! Porque napaginipan ko lang siya ay itatanong niya sa akin ang buong detalye. Ayoko talaga sa lahat ay iyong tanong nang tanong. Naiiyamot na ako!
"You want that?"
Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na iyon.
'Wag ka na lang lumingon Megan,' sabi ko sa aking sarili.
"I can buy you more than that little stuff toy puppy."
This time ay napalingon na talaga ako at pigil pa rin ang inis.
"Pwede? Umalis ka na nga. Ayoko ng magulo. Buy whatever you want but don't disturb me. Just go away," inis kong pananaboy sa kaniya.
"Ayaw mo 'nun? Ililibre kita."
Inikutan ko siya ng mga mata. "I don't care. I have money. I can buy everything with the use of my own money." Sabay alis ko sa tabi niya.
Nagdiretso na lang ako sa may book station. Magtitingin na lang ako ng ilang books na pwedeng bilhin. Nawalan na ako ng ganang bumili ng ilan pang souvenir. Kung iyong nakakaiyamot na lalaking 'yon ba naman ang makakasama mo, talagang tatamarin ka.
"Are you trying to buy books? If you want, then what is it? Which one?"
Napapikit na lang ako ng mariin sa sobrang inis. Inis ko siyang hinarap.
"Layuan mo ako sabi! Naiinis na ako. Susundan mo na lang ba ako? Guguluhin mo na lang ba ako? Lalayuan mo ako o gugulpihin pa kita?"
Nagulat ako nang itulak niya ako sa may bookshelf kung saan nasa likuran ko lang. Napasandal tuloy ako doon. Medyo masakit pero nakakagulat ang ginawa niya. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko. Seryoso lang siya na nakatiig sa akin. Ako naman itong hindi makagalaw sa pwesto ko.
"A-ano'ng ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. Sa totoo lang talaga ay masakit ang pagkakabangga ko sa bookshelf. Tiniis ko na lang.
"You're going to be mine. Not now but soon." Tinitigan niya akong mabuti sa mga mata. Ako naman ay halatang nagulat sa sinabi niya. Seriously?! What is he up to?
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Fiksi RemajaMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...