Part 36

939 24 2
                                    

MEGAN

BINALEWALA KO na lang ang nangyari kanina sa Field Demo. Wala eh. Nagkasagutan na naman kaming dalawa. Kaya ang hirap talaga niyang kasama eh. Nasisira ang buong araw ko.

Kaya kalma lang self. This is your rest day kaya dapat happy ka lang at walang bad vibes.

Matapos ang Field Demo at ang officially na opening ng Instrams Day, nagdiretso kaagad kami sa room para buksan na rin ang booth namin para sa mga costumer. At mukhang tama nga ako ng sinabi na papatok ang booth namin sa lahat ng mga estudyante. Isang movie pa lang ang ipapalabas pero sold out na agad ang mga ticket. Naging busy tuloy kaming lahat. Iyong iba naman na walang ginagawa ay nagpunta na sa iba't ibang booth para mag-enjoy.

Pero dahil sa hindi ko talaga trip ang mga movies na puro about love, lumabas na lang ako ng room at naghanap ng mapupuntahang booth. Naisip ko na kumain na lang kaya naghanap ako ng food booth na magugustuhan ko. Mag-isa lang akong naglalakad dahil mas nauna nang maghanap ng booth ang dalawang iyon kasama si Yhong. Mga wala talagang konsensya ang mga 'yon! Iniwan talaga nila ako para sila lang ang mag-enjoy. Pero kasalanan ko rin naman kasi mas pinilit ko na tumulong sa booth namin kaysa sa sumama sa kanila para mag-enjoy.


Napahinto ako sa paglalakad at nanlaki ang aking mga mata nang makakita ako ng isang Cupcake stall. Bigla tuloy akong naglaway dahil ang sarap sa paningin ng mga cupcake. Lumapit ako sa stall na iyon at bumili ng cupcakes.

"Ate, twenty-five pesos po ang tatlo n'yan." Napatingin naman ako sa isang babaeng nakangiti na naka-ponytail ang buhok. Na-cute-an naman ako sa puyod niya dahil maski ang puyod niya ay cupcake rin. Mukhang isa siyang grade 8 student.

Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. "Do you have any other flavors?" tanong ko sa kaniya.

Lumaki naman ang kaniyang ngiti. "Ay, opo! Marami po. May vanilla, ube, caramel, mocha, strawberry, chocolate, at marami pa pong iba," masigla niyang tugon.

Napahawak naman ako sa baba ko. Hmm. I need to decide. Masasarap naman 'yong cupcakes. Maraming flavors.

"Ahm---"

"Just choose what you want. Masasarap naman silang lahat." Napalingon naman ako nang may bigla na lang nagsalita mula sa likuran ko. Napakunot naman ang aking noo nang siya ang nakita ko.

Ano na naman ba ang kailangan niya?

"Afford mo naman, diba?" dagdag pa niya. Nakangisi siya nang tumingin siya sa akin.

Napaikot ako ng mga mata. "Psh. Ano'ng ginagawa mo dito?" pigil ang inis na tanong ko sa kaniya. Parang kanina lang eh nag-aawayan kami ng dahil lang sa ugali namin. Tapos ngayon, nandito na naman siya. 'Yong totoo? May tracking device ba siyang idinikit sa katawan ko at lagi na lang niya akong nakikita?

"Pati ako ah pinag-iisipan mo na rin?" nakangisi niyang ani habang nakatitig sa aking mukha. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Ano daw?

"'Yang kamay mo kasi, nakalagay pa sa baba mo. Pinapakita nito na parang iniisip mo ako," sabi pa niya.

Naibaba ko naman ang aking kamay at namewang. "Ang kapal ah. Kahit kailan man ay 'di kita iisipin. Not now, not tomorrow and lalo nang not forever," pagdidiin ko sa mga sinabi ko.

"Sus, deny pa. Ano, bibili ka na ba?"

"Pakealam mo ba!" pagtataray ko sa kaniya.

Lalo siyang ngumisi. "Layo nang sagot, ah."

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon