Chapter 2
Alexandra 's POV
pinilit kong pagkasyahin ang aking katawan sa maliit na butas na ginawa ng ate ko.Hindi ko man lubos na maunawaan kung bakit pero sinunod ko ang sinabi nya.
..Aray.. ang hapdi ng likod ko..puro gasgas at dugo sa pagsabit sa pawid ng aming kubo.
"Nagugutom nako ..malamang 3 oras narin akong naglalakad.. masakit ang paa. at hindi alam san ang punta..
dun ko naiisipang buksan ang bag na pinadala sakin ng ate..
..Mayroon akong damit, panloob, isang balot ng tinapay at bote ng tubig at isang kahon ..
..umupo ako sa tabi ng kalsada at kumuha ng isang pirasong tinapay kailangan kong kumain kahit kaunti para maibsan ang sakit ng aking tiyan.
.sinunod kong kinuha ang kahon na aking nakita, ng buksan ko itoy may lamang pera na mga barya at iilang papel.. at may isang sulat at isang ipit sa buhok.
"kilala ko ang ipit na to ah.. ito yung ipit na binili samin ni inay..naitabi pa pala ito ng ate..
kinuha ko ang sulat at pilit na binasa kahit na tanging ilaw lamang ng poste ang tangi kong tanglaw
..Sandra.. sa oras na mabasa mo ito sanay nakalayo kana.. matagal kong plinano ang mga sandaling ito..kinailangan kong ilayo ka para narin sayong kaligtasan.. Patawarin mo ako.. Gusto man kitang samahan pero hindi maari,alam mong kahit anung gawin natin ay masusundan tayo ni itay ,kaya mas mabuting ikaw nalang ang makalayo..Lakasan mo ang loob mo. matalino kang bata at matatag, ipangako mong babalikan moko. maghihintay ako..
nagmamahal
ate Samtinupi ko ang sulat habang luhaan.. alam kong matinding paghihirap ang dinaranas ng ate ngayon,pero wala akong magawa.
..hindi kami nakatapos ng elemntarya dahil maagang nawala si inay..ngunit kahit paanoy natuto akong magbasa at magsulat..sa totoo lang sa tingin koy biniyayaan ako ng angking talino.. mabilis kung natututunan ang isang bagay sa unang kita ko palang, mahilig akong magbasa,lahat ng may letra na aking nakikitay binabasa ko..at para namang sponge ang aking utak na natatandaan ang lahat ng iyon kahit gaanu ka kumplikado...
..Pinapangako ko ate ! babalikan kita.. hintayin mo ako.. babalik ako.. at sa panahon na yon hindi ako makakapayag na hindi kita maisasama.
patuloy akong naglakad, tumakbo at lakad muli.. hanggang sa hindi na kaya ng paa ko.. masakit narin ang katawan ko pero gusto ko makasiguradong nakalayo na ako. hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang lumayo o bakit kailangang kong umalis sa bahay namin.. isa lang ang alam ko ..kailangan ko tong gawin para kay ate na nagsabing para sa kaligtasan ko.
.hindi ko na alam kung san ako nakarating
.pagod na pagod nako..
inay kung nasan man po kayo patnubayan nyo ako.. impit kung dasal... kung nandito lang sana si inay di ko na kailangan pang gawin ito..3 taon na mula ng mamatay si inay , hindi ko lubusang maunawaan kung anu ang dahilan , basta ang sabi ni itay nagkasakit daw si inay at namatay dahil hindi namin kayang ipagamot.. masakit sa loob ang nangyari.. pero sa mura kong isipan pilit kong tinanggap ang hapdi na idinulot ng pagkawala ni inay sa aming buhay.
..hindi ko na ata kayang maglakad pa.. pilit ko man ihakbang ang mga paa ko pero ayaw na..
.. hanggang sa dumilim ang aking paningin at tuluyan ng bumagsak..
---------
nahihiwagaan na ba kayo?? pasensya naman... basa lang mag brad and sis.. malalaman nyo rin
any suggestions , vote ,reaction , comments are highly appreciated..
:-)
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Romantizm..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...