Sa mga nakapansin at sa hindi.. nagkatalon talon na ang mga chapter hahaha.. pero hayaan nyo na ,yun talaga ang magkakarugtong na kwento walang nawawalang chapter mali lang number nailagay ko.. serry neh..
***********************
Chapter 43
nakalipas ang dalawang linggo mula ng mangyari ang insedente sa ospital.. hindi na muling bumalik pa si ate sa ospital habang si Cheska naman ay nakauwi na ng bahay nila kahapon..
Ang sabi ng doktor okay naraw ito.. kailangan nalang ng theraphy para makapagsalita na sya uli..
Naigagalaw na ni cheska ang katawan nya pero hindi pa totally functional.. kailangan parin ng alalay kahit sa simpleng pag buhat ng baso..
Nagbago narin ang pakikitungo ng pamilya ni Cheska,kung dati ay para syang katulong,ngayon ay para syang prinsesang pinagsisilbihan ng pamilya nya..
Nakakainis isipin na kailangang mangyari muna yun kay Cheska bago pa nagbago ang ugali nila ..
Paalis ako ngayon papuntang Cagsawa Ruin sa Bicol para sa isang photo shoot..
"Ma.. alis napo ako...
"Oh anak magiingat kaha.. dala mo naba lahat ng kailangan mo
??"Yes ma.. done napo.. wala na po ba kayo kailangan ni ate bago ako umalis??Tanung ko
"Wala na anak.. saka tatawagan naman kita pag may kailangan ako eh...
"Sige ma.. aalis na ako.. dadaan muna ako kay Cheska bago ako umalis..
Inilagay ko ang mga gamit ko sa trunk / compartment ng sasakyan, tinulungan narin ako nila mama Celia na magpasok ng gamit..
Matapos ilagay ang mga gamit ay yumakap nako at humalik sa kanila ni Dada..
Bago ako umalis ay dumaan muna ako kina Cheska..ipinarada ko ang sasakyan sa labas ng bahay nila Cheska..
"Tao po??katok ko
"Oh Alex andyan ka pala ,anu atin?? Bati ng tita ni Cheska..
"Tita mangangamusta lang po sana ako kay Che bago ako umalis.. sagot ko
"Oh eh bakit , san ang punta mo??!
"may photoshoot po.. sa Bicol ang location ngayon eh.. mga 3days lang naman po ako mawawala..
'Ah ganun ba?? Ay sya sige akyatin mo na sya at ng makapagpaalam ka..
"Sige po.salamat.. sya nga po pala kamusta na sya, may improvement napo ba??
"Ganun parin, nakakakilos pero bihirang makakilala.. kahit kami ni Kurt di pa rin nya makilala.. minsan oo tapos makalipas ang ilang oras ganun uli..
"Diko na alam ang gagawin ko sa kanya, sana naman makapagsalita na sya ,para malaman natin kung anung nangyari sa kanya.
"Naku Alex sana nga, yan ang dinarasal ko.
"Sige tita , akyat napo muna ako..
"Hala sige.
Pag akyat ko ng kwarto naabutan kong tulog si Cheska.. tahimik at napakahimbing ng tulog.. kung pagmamasdan mo sya hindi mo aakalaing may deperensya.. bakit sa kanya pa nangyari ito.. kung kelan ikakasal na sya..
Pinagmasdan ko maiigi ang mukha nya.. halatang pagod at ang laki ng ipinayat nya.. kung maayos lang ang pagiisip nya ngayon, malamang matuwa pa yun dahil sexy na naman kuno sya..
Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip
Ng pumasok ang tita nya.."Tita tutuloy narin po ako baka malate ako sa meeting Time .. sabi ko
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Romance..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...