luha

824 13 2
                                    

Chapter 54

Alexandra's  POV

Oh dalin na yan...!!!!

Isang lalaki ang lumapit sakin at pilit akong itinayo.

" Teka san nyo ko dadalhin?? tanung ko?? kinakabahan ako hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin

katapusan ko naba?? ito naba yung huling araw ko?

sinimulan akong paglakarin habang nakapiring.  nagkakanda talisod nako pero tuloy parin sila sa pag hila ,

pinipilit kong wag umiyak at lakasan ang loob ko.

" humakbang ka may hagdanan.. utos ng lalaki sa likod ko.

kinakapa ko ang bawat baiting..

" Bilis bilisan mo naman!!

" ikaw kaya maglakad ng nakapiring? eh kung tinatanggal mo kaya to di mabilis ako nakakalakad!!

sagot ko sa kanya. hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob na sagutin sya.

" Aba sige sumagot ka lang ,  tignan natin hanggang saan yang tapang mo mamaya hahhahaha

nakakapangilabot ang tawa nya nag eecho sa bawat sulok ng lugar.. dalawa silang humahawak sakin

at mukhang may kataasan ang lugar kung saan kami pumupunta.. halos nakailang ikot at hakbang nako

sa hagdan pero di pa rin natatapos.

Huminto kami at nakarinig ako ng pintong binuksan.

" wag kang magtatangkang gumawa ng ingay ha.. at tinakpan nila ulit ang bibig ko.

wala na nga akong Makita di pako makapasalita??

pinilit kong mag pumiglas para matanggal o hindi man maluwagan ang telang inilalagay nila sa bibig ko..

nakakainis ito na ata ang oras ko..

matapos akong maiupo at talian.. diko na napigilan at tumulo na ang luha ko.

nakakainis.. kung torture lang ang ginagawa nila ,  talagang nakakabaliw na.

HIndi mo alam ano mangyayari sayo , hindi mo alam hanggang kelan ka magtitiis sa sitwasyon na to ,

hindi mo alam kung nasan ka. at higit sa lahat dimo alam kung mabubuhay kapa ba.

Narinig kong bumukas ang parehong pinto kung san ako pumasok.

mukhang may bagong taong papasok.. isa lang ang natutunan ko sa ilang araw kong

pamamalagi dito.. naging matalas ang pang amoy at pandinig ko. ramdam kong hindi lang ako nagiisa

ditto alam kong may ibang tao.. nakikiramdam ako sa mga galaw o kilos ng nasa paligid ko.

maya maya pay narinig ko ang boses ng lalaking kumidnap sakin.

" Oh Sandra kamusta kana?? bilib din naman ako sayo.. ang tatag mo.. buhay ka parin hahhaha

Nagulat ako sa sinabi nya.. Sandra?? alam nya ang pangalan ko na piling tao lang ang tumatawag sakin o mga tao

sa bahay lang.. sa madaling salita hindi lang ako basta napagtripan  , mukang planado ito.

HIndi ako kumibo since hindi rin naman ako nakakapagsalita dahil sa busal sa bibig ko pinabayaan ko muna sya.,

Nagulat ako ng bigla nyang hablutin ang nakalagay sa bibig ko..

" gusto mo magsalita?? hala sige..

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon