One more Chance

923 16 0
                                    

Chapter 72

Alexandra's POV Nagising ako na nakahiga sa kama.. Gabi na pala. Lumabas ako ng kwarto at napansin kong
napakalakas ng hangin.. Sinubukan kong lumabas pero sinalubong ako ng wumawasiwas na ulan kasama ng malakas na hangin.. Halos magiba na ang bintana sa labas sa lakas ng hangin. Naghanap ako ng tao sa paligid sa kasamaang palad wala ni isa. Pinilit ko maglakad
papunta sa beranda pero hindi ako halos makapaglakad ng tuwid.. PUMASOK KA SA LOOBBBB!!!!! pinilit ko lingunin ang taong sumisigaw at nakita kong si Carlos pala ang sumisigaw may dala syang parachord kasama nya ang lalakeng naghanda ng almusal ko kanina. Bumalik
ako sa kwarto at ramdam kong basa narin ang damit ko. Nagpalit ako at naghintay. Sumisipol ang hangin sa may bintana. Maya maya pay pumasok si Carlos sa kwarto. "ayos kalang ba?tanong nito. May bagyo, hindi ko inakalang ngayon darating ang bagyo dahil sabi
sa balita sa susunod na araw

" Okay lang naman ako , ikaw ba? basang basa kana bakit di ka muna mag palit ng damit?
" Hindi pa ko pwede mag bihis pupunta pa kami sa bodega para mai check yung generator. sagot nito.
" Bakit hindi nyo nalang ipagpabukas may kuryente naman ah.
" HIndi pwee... ayan na nga ba sinasabi ko di pa ko tapos mag salita eh.
nakaramdam ako ng kunting takot ng mawalan ng kuryente. kahit ilagay ko ang kamay ko sa harap ng mukha ko hindi ko
to makikita sobrang dilim , pinilit kong tumayo ng maramdaman kong may katawan akong nabunggo.
" Carlos?? hindi ako tumuloy sa pag tayo, mula sa pag kakaupo sa kama
" Oo ako to. sinusubukan kong kumapa ng Kandila sa drawer pero mukang wala,. hintayin mo ako dito at wag kang aalis ha.
dadalhan kita ng kandila.Tumango ako kahit alam kong hindi nya ako makikita.
naramdaman kong bumukas ang pinto at lumabas sya dahil sa lamig ng hangin na nakapasok sa kwarto.

Kinapa ko ang daan para makarating sa pinto pinilit ko abutin ang lock para makasigurado dahan dahan akong bumalik
sa kama at kinuha ko ang kumot at ibinalot sa katawan ko habang naghihintay sa pag balik ni Carlos,
makalipas ang ilang minuto nakaaninag ako ng liwanag na gumagalaw papunta sa kwarto ko. malamang si
Carlos na yun..nakarinig ako ng katok sa pinto at hindi ako kumilos dahil hindi ko naman alam kong sino yun
" Alex ako to.. ng marining kong si Carlos pala ang tumawag dahan dahan akong tumayo at binuksan ang pintuan
" Ito na ang gasera pati ang posporo , maghintay ka lang dito at susubukan namin paganahin ang
generator ha.
" Sige. tanging sagot ko,
lumabas na ito at naiwan akong mag isa sa kwarto , ano kaya ang balak nitong mangyari
bakit naman kaya naisipan nyang paiwanan kami dito sa isla. nakatulugan ko na ang pag iisip
hanggang sa namalayan ko na wala ng ulan sa labas, dagli akong lumabas para alamin ang nangyayari.
naabutan kong nakahiga si Carlos sa mahabang upuan sa may beranda.. alas kwatro na pala ng umaga. pero wala paring kuryente.
napansin kong yun parin ang suot nitong damit, lumapit ako para hawakan ang damit nya ng mapansin kong
nanginginig sya,.
Anak ng.. hindi sya nagbihis at ngayon inaapoy na ng lagnat. diko alam ang gagawin dahil madilim pa ang paligid
diko rin alam kung nasaan si Mang ernesto , ang lalaking katulong nya kanina.
pinilit ko syang gisingin para maipasok sa kwarto.
" Carlos. gising.. 
" hmmmmm..
" Ano ba iniisip mo at bakit dito ka natulog? sumama ka sa akin sa loob.
pinilit nitong bumangon kahit halatang hilong hilo sya.
pinillit ko rin syang alalayan papasok. dali kong tinanggal ang suot nitong tshirt
saka ko tinanggal ang short nitong suot. nanginginig ang kamay ko pero alam kong kailangan ko tong gawin.
grabe naman ang katawan nito.. ganito naba to ka macho ? super firm ng mga muscle at halatang di nagpapabaya sa katawan
napalunok nalang ako.. Alex ano ba iniisip mo. balutan mo nayan di yung pinag nanasaan mo pa... ( lokong kunsensya to maryusep di ako manyak no)
ibinalot ko  ang  kumot sa katawan ( baka kung ano pa magawa ko ) ,
ng masigurado kong maayos na syang nakahiga pinilit kong magpunta ng kusina at naghanap ng tabo
o planggana para pag lagyan ng tubig. kumuha narin ng tubig na inumin..
Dahan dahan sinisigurado ko ang bawat hakbang para makabalik ng maayos sa kwarto.
sa kasamaang palad wala akong makitang bimpo o panyo sa paligid, kung damit ko naman ang gagawin kong pampunas masyadong
malaki. bahala na.. sumubok akong kumuha ng pinakamaliit na tela pwede kong makuha at isinawsaw sa tabo.
inilapag ko ang tabo sa paanan ng higaan at inilagay ang gasera sa may lamesa malapit sa kanya , pinunasan ko sya sa noo, leeg braso at kili kili.
mabuti nalang pala at nagdala akong ng emergency kit na may kasamang gamot
pinilit ko syang pabangunin para paunumin ng gamot.
kahit nakapikit sya pinilit nyang inumin ang gamot na binigay ko. at bumalik agad sa pag tulog.
ilang minuto ko pa syang binantayan at pinunasan hanggang sa nakatulog ako.
nagising nalang ako ng maramdaman kong may naglalaro sa buhok ko.
" Goodmorning bati nito.
" Goodmorning.. kamusta na ang pakiramdam mo??tanong ko. nakatulog na pala ako ng nakaupo sa lapag
" Magaling nako, galing ba naman ng nurse ko at ipinampunas mo sakin para mawala ang lagnat ko..
ngising ngisi sya na parang nakakaloko. mabilisang lumipad ang tingin ko sa tabo
pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa sobrang hiya. Shete naman sa dina damin ng pwede
kong madampot bakit panty ko pa. hindi ko sya napansin kagabi dahil sa madilim at ang buong
focus ko ay mapunasan sya para bumaba ang lagnat nya.
mabilis akong umibis para tumayo pinigilan nya ako sa paghawak sa braso ko.
" Sorry na , wag kana magtampo kaw naman.. salamat sa pag aalaga.
tumingin ako sa kanya, namiss ko to, yung mahinahong boses na parang nanunuyo.
umaga na pala at tuluyan ng humupa ang bagyo.
" Halika na alam kong nagutom at napagod ka sa pag aalaga sa akin kaya ipagluluto kita ng almusal.
" Ako nalang kaya, alam kong di ka pa masyadong magaling. kontra ko
" Ako na lang nga..
" hindi ako na nga...
" Mawalang galang napo, sabay kami napalingon sa pinto.
ako po.. ako na po ang naghanda ng almusal halina po kayo at kumain,, nakangiting bati ni Mang Ernesto
nagtinginan kami at sabay na natawa. inalalayan nya akong papunta sa may kusina
at nakita ko ang almusal na nakahatag, sinangag , daing , itlog na pula na may kamatis
piniritong tilapia at ginisang kangkong..
"Wooowwww.. nanlaki ang mata ko sa ulam.. miss na miss ko na kumain ng mga simpleng
ulam na ito..
" Pasensya na po mam , kung yan lang po ang nailuto , nagkataon po kasing nawalan ng kuryente kaya
nasira po ang mga bacon at hotdog na nakastock para sa almusal.
" naku, wla yun mang Ernesto.. mas masarap nga po ito , salamat
halika napo kayo at kumain.
tinignan ko silang dalawa na para bang natutuwa sa akin. kaya pinilit kong paupuin si Mang ernesto at si Carlos at saka ako umupo
" Sumabay napo kayo sa amin since tatlo lang naman tayo.
" Ay sige ho kung yan gusto nyo.
masaya naming  inumpisahan ang almusal
" ang sarap ng tilapya sariwang sariwa. san po kayo nakabili nito??tanung ko
" Hindi ko yan binili mam.. namingwit ang anak ko at idinaan dito kaning mga alas sais may palaisdaan
kasi sa kabilang isla at dun nila kinuha iyan.
" Wow gusto ko po makita yun at mamingwit.. may pamilya po pala kayo dito..
" Oo mam pero dun po sila sa kabilang isla nakatira. bahay bakasyunan lang po kasi ito nila  mam Relyssa
at napakabihira nilang gamitin ito. isang beses isang linggo namin ito linisin at minimintina lang
ang paligid. , pasensya na po kayo kagabi at natulog kayo ng walnag kuryente, nasira po kasi yung generator pero
nagpakuha napo kami ng pyesa, tatakbo na po yun maya maya lang.

" Okay lang ho yun.. buti hindi ho kayo nag kasakit.. ito ho kasing si Carlos inaapoy ng lagnat kaninang madaling araw eh
" Yan na nga ba ang sinasabi ko sa kanya eh.. abay medyo may pagka matigas pala ang ulo nito ni Ser eh hehe
sabay lingon kay Carlos at nag peace sign pa. nagtawanan nalang kami sa ginawa nya.
natapos ang almusal ng maayos at bumalik ako sa kwarto para mag ligpit ng mga gamit ko habang inaayos nila ang generator.
Matapos ang ilang oras nakarinig ako ng katok mula sa labas.

" Alex?
" O Carlos bakit?
" Nagtatanong si Mang Ernesto kung gusto mo daw sumama sa kabilang isla para mamingwit?
Napatalon ako sa higaan sa saya.. Sige sige sige!!!! sama ako sandali lang mag papalit lang ako ng damit
pakihintay nalang ako sa labas ha.

naramdaman kong  naglakad na sya paalis  kaya dagli nakong nagbihis.
Nagkasya ako sa isang jogging pants at simpleng cotton shirt. gusto kong mas maging
simple at komportable . MIss na miss ko na magisda. nung bata pa ako ginagawa namin yun ni ate.
Naalala ko na naman si ate. kaya bago pa ako mawalan ng gana. lumabas na ako agad
Naabutan ko silang nasa may pantalan at naghihintay. pinag suot nila ako ng Life Vest
" Bakit isa lang?? wala kayong life vest ?
" Iha araw araw ko tong  ginagawa kaya wag ka matakot.
lumingon ako kay Carlos at gusto ko magtanong pero naunahan na ko ng hiya dahil mukang
medyo nainip na sya since medyo patirik na ang araw kaya sumakay nalang ako derecho
nasa may gitna ako ng bangka nasa unahan si mang Ernesto at nasa hulihan naman si Carlos
Tahimik ang byahe at walang nag sasalita kaya tumahimik nalang din ako.
Pinapanalangin kong maging masaya ang pag sstay ko sa islang ito
kung ano man ang gustong mangyari ni Carlos.. nananamnamin ko nalang ito.
para may memories akong pwedeng balik balikan pag balik namin ng maynila

*************************************

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon