pagtuklas

1K 27 4
                                    

Chapter 24

kinaumagahan..maaga palang ay naghanda na kami sa pag balik sa lugar.. kasama namin ang 2 lalaking inupahan ni Carlos,si Aling tere at syempre kaming 2 ni Carlos..

Nagdala kami ng pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain at tubig.. balak ko sana na kung sakaling hindi man sya si ate.. atleast makapagiwan kami ng pagkain para sa kanya..

Nakaramdam ako ng awa sa babaeng iyon mula ng makita ko sya kahapon... ayun kay Aling Tere hindi daw nila makausap ng matino si itay.. at si ate naman hindi daw man lang nila nakitang dumalaw..

Nagumpisa na kami bumyahe papuntang palengke.. pagdating ng palengke ay iniwan na namin ang sasakyan sa paradahan.. kinausap muna ni Aling Tere ang magbabantay ng sasakyan..

Pagkatapos noon ay naglakad na kami patungo sa lugar na dinaanan ng babae.. malayo layong lakaran pero ok lang.. kung ito naman ang sagot sa matagal ko nang hinihintay,sulit naman..

Nang makarating kami sa lugar ay napansin kong may maliit na kubo na halatang ginawa lang pansamantalang tuluyan. . kumatok kami sa pawid na pinto pero walang lumalabas na tao

Naglakad papunta sa likuran ng bahay ang isa sa mga kasama namin.. cheneck lahat ng pwedeng labasan ng babae.

"Maam wala pong tao.. sinilip ko na po yung mga siwang ng ding ding walang tao sa loob.. ani nito

"Ganun ba?? sige maghihintay tayo baka may pinuntahan lang .. sagot ko

Ayokong umalis o lumayo man lang sa lugar.. pero pinayuhan kami ni Aling Tere na lumayo muna sa kubo at magtago.. dahil baka baliw o mailap masyado ang babae at hindi sanay sa tao.

Sinunod namin ang sinabi nya.. makalipas ang kalahating oras.. nakarinig kami ng nagbubuhos ng tubig.. napag-alaman naming nakabalik na ang babae. at hindi na ito madungis ngayon.

Tinitigan ko ang babae.. habang nasa malayo kami.. kahawig nga sya ni ate pero gusto ko parin makasiguro..

Kumilos si Aling Tere at lumapit sa kubo.. sabi nya sya daw dapat ang mauna pumunta.. dahil kung makakakita ng ibang tao ang babae baka maghisterikal lang ito.. kilala naman daw nya halos lahat ng tao sa baryong ito  kaya malamang kilala din daw nya ang babae.

Seryoso kaming nakatitig at nag aabang sa mangyayari.. binilinan din namin ang 2 lalaking kasama namin na kung sakaling maghesterikal ang babae ay umagap sila kay Aling Tere.

dahan dahan syang naglakad papunta sa may pinto at kumatok.. naririnig ko pa syang tumatawag..

"Tao po??... tao po.... magandang umaga po may tao ho ba dyan? tawag nito

makalipas ang 2 minuto ay bumukas ang pinto.. dumungaw ang babae , pero nakatabing ang buhok..

diko na narinig ang pinagusapan ng dalawa dahil para silang nagbubulungan..
maya maya pay nakita kong yumakap si Aling Tere sa babae.. at naglakad palapit sa amin, habang ang babae namay naghihintay sa may bungad ng pinto.

"Sandra.. tawag ni Aling tere
anak halikayo at sumama sa akin..

"Aling Tere.. sya ba??tanung ko..

Hindi sya sumagot, sa halip hinawakan ang kamay ko at naglakad kami pabalik sa bahay..habang naglalakad kami ay nakaalalay si Carlos sa likod..

"Sandra ..  ang ate mo.. si Sam
Sam.. ito na si Sandra..

Humarap ako sa babae..tinitigan ko syang maigi.. humahanap ako ng salitang bibitawan para sa kanya.. sa wakas .. matapos ang ilang taon.. kaharap ko na sya..

basa ang pisnging humarap sa akin si Ate Sam.

"Sandra... tawag nito.. Sandra i.. i..kaw  naba yan?? pagtatanung nya sa gitna ng bawat hikbi..

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon