lihim ni sam cont

962 16 0
                                    

Athena's POV

pagpasok naming sa loob naabutan name si Carlos na nakaupo katabi ni tita.
umupo kami sa tapat nila.

"anak.tawag nito kay Alex. gusto ko sana humingi ng tawad sa mga nagawa ko.sa kagustuhan kong pangalagaan ka ang daming panahon ang nasayang

" Hindi ko po kayo mainitindihan. saka gusto ko po sanang liwanagin sa inyo ang isang bagay

" Ano yun? kung kayo po talaga ang nanay ko. bakit ako lang ang kinikilala nyong anak at hindi pati si ate Sam?

" Dahil hindi ko sya anak..

nakita ko ang pagkagulat sa mata ni Alex. bago pa man kami nagkaharap harap ngayon alam ko na ang totoo

pero gusto kong si Alex ang magtanung at makakuha ng sagot na gusto nya

" Paano??nangyari yun? kapatid ko sya bakit ayaw mo syang kilalanin.

nakikita ko sa mata ni Alex ang galit. habang tahimik naman na nakikinig si Carlos.

" Anak yun ang totoo. hindi ko sya anak. napakahabang kwento pero hindi sya ang ate mo.at kahit anung gawin natin hinding hindi ko matatanggap na maging anak yang taong yan dahil sya ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwa hiwalay .

" Hindi ko maintindihan. Kunot noong tanung ni Alex

" Sasabihin ko rin ang lahat sayo Anak pero bago pa may mangyaring masama sayo gusto ko sanang layuan mo na ang taong yun.

" Sorry ho pasensya na , pero ngayon ko lang ho kayo nakilala para sabihin sakin na layuan ang kinilala kong kapatid. napakatagal ko na syang kasama , at kung mapapahamak man ako e di sana noon pa.kung hindi nyo alam , kasama ko sya nung nakidnap ako at isa sya sa  napahamak ng dahil sa akin kahit tanungin nyo pa yang
katabi nyo. patukoy nya kay Carlos.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. kaya ayaw ko rin sabihin sa kanya ang natuklasan ko dahil alam kong kamumuhian nya lang ako. napakakatagal at kandahirap sya makuha lang nya ang ate para isuko nya lang ng ganito.

" TOTOO ang sinasabi ni mommy. biglang nagsalita si Carlos

"sya rin ang dahilan kung bakit nilayuan kita. sya ang nagsabi sa akin na pera lang ang habol mo sa akin at iiwan mo ako kapag may nakita ka na mas mayaman kesa sa akin. sya rin ang dahilan kung bakit wala kang nakukuhangkahit anung message mula sa akin.

" Hindi ko maintindihan naguguluhan na ako.. bakit sya ang sinisisi mo sa kakulangan mo sa akin.at kahit anu pa man ang nangyari huli na ang lahat. hindi magiging tayo at hindi kalianman mangyayari pa yun.

kitang kita ang galit sa mata ni Alex habang tuloy tuloy sa pag iyak.

inilabas ko ang voice recorder na kanina ko tinatago.

" Alex. ayoko makialam pero tingin ko kailangan mo marinig to.

ini on ko ang voice recorder at tumahimik kaming lahat

" Nakakaalala kanaba??

" SAGUTIN MO AKO NAKAKALALA KA NA BA?? NAALALA MO BA AKO?

" Wala..hindi kita kilala

" SINUNGALING!!! alam kong nakakaalala kana. Bakit ka sumama dito ha? para isumbong ako kay Alex??  hindi ako papayag na ikaw lang makakasira
sa mga plano ko.!!!

" Hindi kita maintindihan . kanina nga lang kita nakilala eh. ang alam ko lang kapatid ka ni Alex bakit nagagalit ka sa akin? ano ba ginawa mo sa akin na dapat kong isumbong kay Alex?

" Nagmamaang maangan ka pa! Alam kong kilala mo ako. ilang buwan ... ilang buwan silang nag pabalik balik
para ipakilala ang mga sarili nila pero ni hindi mo sila nakilala o nilalapitan tapos ngayon kasama ka nila? wag mo akong lokohin.

"Bakit natatakot ka bang malaman nila Alex na ikaw ang dahilan kung bakit nangyari sa akin to?na itinulak mo ako at sinadya mong lagyan ng liquid soap yung lalakaran ko ?malas mo nalang at nabuhay ako.

" Bakit nga ba hindi ka pa namatay?? wag ka mag alala uunahin ko muna ang pinaka mamahal mong bestfriend

at babalikan kita, isusunod kita.

"Ano ba kasalanan ko sayo at ginawa mo sakin to?

"ikaw wala , pero yang best friend mo meron.. lahat nalang inagaw nya sa akin. kaya lahat din ng meron sya aagawin ko

Pinatay ko na ang voice recorder at hinintay ko ang reaksyon ni Alex.

kitang kita ang pagkagulat sa kanya nakatulala sya at hindi kumikilos..

" Alex? bigla syang nagulat sa pagtawag ko.

" Che.... Yna si che.... bumuhos ulit ang luha nya

" Ynaaaaa... si Che... sa banyo.... nagulat ako ng bigla syang nagtatakbo sa labas

sinundan namin sya at alam ko kung saan sya pupunta

"Anak... sigaw ni tita tinignan ko si Carlos na alam kong nanlulumo. pero patuloy ang pagtulak ng wheel chair. nakarating kami sa banyo at kinakatok nya ng malakas ang pinto..

" CHEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!! CHEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

" kunin nyo yung susi!!!!!

Binalya ni Carlos ang pinto pero ayaw talagang magbukas

siguro dahil hindi na rin ito kasing lakas gaya ng dati. dahil sa mga nangyari

Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto. Lumiwanag ang mukha ko ng
Makita kong si Sapphire ang nasa harapan ng pinto.

Dali daling pumasok si Alex at hinanap si Che pagpasok namin ng banyo nakita naming nakabulagta si Sam sa sahig walang dugo kaya mukang pinatulog lang ito ni Sapphire. knowing her hindi nya papatayin ito lalot walang derektang utos

" Che... niyakap nya ito at tinanggal ang takip sa bibig.

"ayos ka lang ba?? anung nangyari??

nagtatanung sya sa kalagitnaan ng pagtatanggal nya ng tali sa katawan ni Che

Itinulak nya palabas ang wheel chair ni Che habang nauna kaming lumabas

" SANDRA!!!!!!!!!!!!!!!!

lahat kami napalingon sa likod at nakita naming may hawak itong baril. huli na ng mapansin naming nakalabit na nya ang gatilyo. para kaming natulos sa kinakatayuan namin ng Makita naming bumulagta si Alex

"Hahahhahahhahahha sa wakas... wala ka na.....

nagising ako sa pag katulala ng marinig ko ang tawa ni Sam

bigla akong napatakbo sa pwesto nito at mabilis na inagaw ang baril nagpaputok pa ito ng isa pero mabuti nalang at naiangat ko ang baril bago pa man ito nakalabit.

nagkagulo sa paligid at nagtakbuhan ang mga bisita.

nakuha ko ang baril at hinawakan ko si Sam sa leeg kong saan alam kong makakatulog sya.

nang umepekto ang ginawa ko agad ko syang itinali at tumawag ng pulis . nakatawag narin ng ambulansya si Carlos bago ko pa man magawa yun.

nilapitan ko si Alex na nakapikit ang mata , dumadaloy ang dugo sa gilid ng bibig nya.

" Alex.. gising.. alexx... gumising ka.. wag ka matutulog gumising ka please..

nagdilat ito ng mata at ngumiti ng bahagya..

" Yna..

" shhhh wag ka na magsalita wag ka lang pipikit paparating na yung ambulansya ha..

maayos din ang lahat .. sana..

***********************************

O tanan.. medyo .kabog ba.. hehe lapit na .. kunting kembot nalang mga pips

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon