CHAPTER 20
Alexandra's POV
Nakarating kami ng matiwasay sa bahay , Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari..
HInatid ni Kurt si Cheska sa kanila at hinatid naman ako ni Carlos." Iloveyou... mamimiss kita.. paalam ni Carlos..
Kinikilig ako pero hindi ako masyadong nagpapahalata.
" Iloveyou too. tipid kong sagot
Naipasok na namin ang lahat ng gamit at naibigay na namin ang pasalubong kina mama at dada. hinatid ko sya sa labas ng gate namin at nagpaalam.
isang tipid na halik sa pisngi ang ibinigay nya sakin bago tuluyang sumakay sa kotse nya.Para akong naglalakad sa ulap habang pabalik sa loob ng bahay.
" Anak... hmmm mukang may hindi ka sinasabi sakin... puna ni mama
Napakalakas talaga ng pakiramdam nito..
"Wala po ma.. hiyang sagot ko.
" Naku Alex.. wag nga ako.. bata kapa alam ko na kung may tinatago ka sakin.. kaya sige anu yun sabihin mo na..
" EH kasi mama.. kami na po ni Carlos, sinagot ko na po sya.
" EEiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii tili ni mama.. nakakaloka kang bata ka nawala ka lang ng isang araw may jowa kana pagbalik mo... hahahhaha
" Hindi po kayo galit?? takang tanung ko.
" Bakit ako magagalit eh boto naman ako sa batang yun, magalang mabait, at mukang mahal na mahal ka.. at kahit anak mayaman hindi matapobre.
Natuwa ako sa sinabi ni mama Celia , atleast hindi kami mahihirapan ni Carlos.
"Sya nga pala anak. may big night tayo sa Saturday at kailangan nating mamili ng costume na gagamitin mo ..samahan mo ako sa divisoria ha para makamura tayo , total isang araw lang naman gagamitin eh. paalala sakin ni mama
" Sige ma kelan tayo pupunta?? tanung ko
" Mamaya sana kung ok lang at kung wala kang lakad..sagot nito
" Sige po ma..sagot ko
Pagkatapos kumain ng almusal ay naghanda na kaming umalis .. nagdala kami ni mama ng eco bag at simpleng damit lang ang isinuot namin..
sumakay kami ng bus papunta sa Quiapo at jeep papuntang Divisoria.. naglakad kami at nagikot ng nagikot pati lahat sa lahat ng mall.. 888 , 999 lahat ng may number na building ata naikot na namin.. walang kapaguran itong si mama, basta talaga kolorete sa katawan at shopping naku , hindi sya mauubusan ng lakas..
Hapon na ng makaramdam kami ng pagod at gutom. Nag aya ako sa kanya na kumain muna dahil gutom narin ako..
Habang naglalakad kami papuntang sa may kanto bigla nalang sumigaw si mama" AAAyyyyyyyyyyyyyyyy yung bag ko!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! tili ni mama
hindi namin namalayan na may isang snatcher pala na sumusunod kay mama kanina pa , at dahil shoulder bag ang dala nya madali ito nahaltak.. pinilit kong habulin ang snatcher
iniwanan ko si mama na nagiiiyak sa kalsada habang dinadaluhan ng mga tao ,ako naman ay pilit na hinahabol ang snatcher nakikita ko pa sya at hindi ko pinapayagang mawala sya sa paningin ko
" SNNATTCHHHERRRRRRRR PIGILAN NYO SYA ,, SNATCHER SYA ... TULUNGAN NYO AKOOO... PLEASE PIGILAN NYO SYAAAA........
Halos lumabas lahat ng litid ko sa kakasigaw habang tumatakbo ng bigla nalang mapatid ang lalaki.
Tumilapon ang bag ni Mama Celia. habang bigla naman natumba ang lalaki. may isang taong tumulong at sinuntok sya. nakabangon ang snatcher at gumanti nagsuntukan sila at walang gustong magpatalo. ang hindi namalayan ng lalaking tumulong ay may dala palang kutsilyo ang snatcher nasaksak sya nito at natumba..
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
عاطفية..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...