Chapter 22
Nakalipas ang bignight ng maayos ang lahat.. sabado na ng nakabalik ako sa ospital sabi kumilos naraw si Alfonso at nagising narin ..pagkagaling ko sa trabaho ay dumeretso nako sa ospital.. naabutan kong tulog si Alfonso..kinausap ako ng doktor at sinabing ok na ito hintayin ko nalang daw magising uli..
nakapagusap narin kami ni Fred..at nagpaalam itong uuwi saglit..
nakita kong kumilos si Alfonso at dagli ko itong dinaluhan..
"Alfonso?? tawag ko
"Cassy ikaw pala.. tipid itong ngumiti..
"Kamusta na pakiramdam mo?? tanung ko
"ok naman na. makirot nalang ang sugat ko.sagot nito
napayuko ako sa hiya.. "salamat sa pagliligtas sakin.. kung di dahil sa ginawa mo malamang ako ang napahamak..
"ok lang yun.. kahit naman ibang tao gagawin yun para sayo..sagot nito
tinanung ko sya anu ang ginagawa nya sa lugar na yun.
pinaliwanag nya sakin na namimili sya at napadaan sya dun.
hindi ko na sya kinulit at hinayaan ko na syang magpahinga,pagdating ni Fred ay nagpaalam nako.. mabilis akong umalis dahil may binilin sakin si mama na kailangang bilhin.
naglalakad ako sa kalsada ng bigla akong may nakitang ale na nalaglag ang mga prutas na binili.. tinulungan ko ito at nagpasalamat sa akin.
"Miss thank you ah.. nagmamadali kasi ako at dadaan pako ng ospital. sabi ng ale
"ok lang po yun.. sige napo baka hinihintay napo kayo
"Teka sandali, nagkita naba tayo?? puna ng ale..
"Hindi kopo kayo mamukaan eh.. sagot ko
"Ako si Tere,kapitbahay nyo sa probinsya.. ikaw si Sandra diba?
"AlingTere???aling tere kayo na po ba yan?mangha kong tanung.
Si aling Tere ang lagi naming tinatakbuhan ni ate kapag kailangan namin ng tulong..
"Aling Tere...kamusta napo kayo?
"Sandra kailangan natin magusap.. kung wala ka namang lakad pwede mo ba ako samahan sa ospital?? tanung nito
"Sige po. may tatawagan lang ako sandali.
mabilis kong tinawagan si mama Celia at pinaliwanag ang nangyari,agad naman nya akong pinayagan
naglakad kami papunta sa ospital, malapit lang ang ospital na pinagdalhan nya sa anak nyang bunso na nagtatrabaho pala dito sa maynila.
pagdating namin sa ospital agad nya muna inasikaso ang anak nya saka kami nagusap sa kapilya.
"Sandra,ano ba nangyari sayong bata ka??umpisang nyang tanong..
"Aling Tere,kamusta ang ate ko?
sagot ko"Ang ate mo.. halos araw araw parin binubugbog ng itay nyo.. pero hindi nya magawang umalis.. sabi nya babalikan mo daw sya at maghihintay sya. pinakahuling balita ko ay pinalayas daw ng tatay nyo ,dahil may bagong kinakasama.
mahabang pagbabalita nito.tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan. si ate, si ate na nagtiis para sakin.. kailangan ko na syang mabalikan at mailigtas.
"Aling Tere tulungan nyo ako.. tulungan nyo ako makabalik sa lugar nayun.. ako na bahala sa lahat ng gastusin ng anak mo dito sa ospital basta tulungan nyo ako..iyak kong hiling
"Sandra kahit walang kapalit ay tutulungan kita. para ko na kayong anak..kaibigan ko ang yumao nyong nanay at nangako kami na aalagaan namin ang pamilya ng bawat isa..sinubukan kong isama dito ang ate mo ngunit ayaw nya.. dun mo daw sya babalikan.sagot nito.
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Romance..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...