paghaharap

986 29 1
                                    

Chapter 64

Alexandra's POV

Mabilis na lumipas ang buong lingo at wala akong ginawa sa ospital kundi magpahinga , matulog , kumain at magpalakas. Hindi ko pinapahirapan ang mga nagbabantay sakin , gusto ko gumaling agad para makalabas nako .

PInayagan na rin ako umuwi sa wakas . napakarami ng bagay na gusto kong ayusin
unang una na sa listahan si ate.. bukas na bukas din magpapasama ako kay Yna na harapin sya. alam kong oras na at kailangan na naming mag tagpo at malaman kong anu dahilan ng lahat ng to.

Mula nung Birthday ni Tita hindi ko na ulit nakita pa si Carlos, Hindi ko alam kong
alam naba nya na hindi kami tunay na magkapatid o hindi pa. umusbong ang
pag asa sa akin , iniisip ko nalang na maayos din ang lahat.

Pinauwi na rin ako ng mga doctor makalipas ang ilang oras na pag hihintay,binigyan ng gamot na iinumin para tuluyan na kong gumaling. Nakausap ko na rin si Yna at pumayag syang samahan ako bukas sa correctional , sa ngayon pahinga ulit ang dapat kong gawin

Yna's POV

Natapos din ang napakatagal na pag hihintay,
isang lingo na mahigit ng mangyari ang pagkakabaril kay Alex,hindi naming na anticipate na pwedeng mangyari to , at ang mas hindi naming inaasahan eh yung pagkakaroon ni Sam ng baril sa mismong party pa ni tita,

Gusto ko sisihin ang sarili ko sa nangyari sa kanya , pero wala nakong magagawa , nangyari na ang nangyari , ang kailangan nalang naming
gawin ngayon ay alamin ang punot dulo at panagutin sya sa mga kasalanan nya sa
napakaraming tao.

Kinausap ako ni Alex kahapon sa pag punta sa ate nya. tinawagan ko na rin ang abogado ko na mag aasikaso sa kaso ni Alex. at isinama namin sya papuntang kulungan. Apat kaming byumahe ako , si Alex , si Sapphire at ang abugado.
Pagpasok namin pinaupo kami at pinaghintay sa pag labas ni Sam umupo kaming apat sa isang mahabang silya habang nag hihintay sa pagdating nya halatang hindi mapakali sa pag kakaupo si Alex at hindi nya alam ang gagawin nya Hinawakan ko ang kamay nya para pakalmahin

" Alex relax. I wont let anything bad happen to you.

" Thank you. simpleng sagot nya

nagrequets kami sa guard na kung pwedeng nakaposas ang ate nya pag harap sa amin , pero kahit hindi pala namin I request ay ganun talaga ang gagawin nila dahil may mga pagkakataon pala itong nananakit ng kapwa preso.
ibinukod sya ng selda dahil hindi sya pwedeng isama sa karamihan.

nakita naming papalapit si Sam at nakangisi habang blanko naman ang ekpresyon ni Alex

" Oh kamusta mahal kong kapatid namiss mo ba ako?? hahahha

" Ate. nandito kami para malaman kung bakit mo ginawa ang mga nagawa mo sakin kina Che at kay mama.

" Hahhahahha. mukhang masamang damo ka rin gaya ko. dahil buhay kapa hanggang ngayon

" Ate...

" Wag mo ako tawaging ate hindi kita kapatid!!!!

nakita ko ang mata ni Sam na nanlilisik, yung tipong handang sugurin si Alex anytime

Habang patuloy naman sa pagiging kalmado si Alex

" Ano ang kasalanan ko sayo..?? bakit mo ginagawa sa kin to??

" Kasalanan?? marami.. inagaw mo ang lahat lahat sa akin alam mo ba yun?

akala ko hindi na darating yung oras na makakapaghiganti pa ako sayo.. mukhang
inaadya talagang mangyari to hahahhaha sayang lang at hindi pa kita napatay.

"Alam mo bang pwede kang makulong ng habang buhay sa mga sinasabi mo ngayon??
pag singit ng abugado

" Sino kaba?? pakialamero ka.. wala ako pakialam kung mabulok ako dito

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon