Epilogue

1K 17 2
                                    

Bumangon ako ng madaling araw dahil sa pantog kong makulit..

"Ano ba naman yan alas dose ng madaling araw umaariba ang pantog ko.. Naiihi na talaga ako jusko..Teka may kakaiba ah .. Bakit ganito? Parang may something sa liner ko? Hmmm teka nga..

Napag pasyahan kong mag punta sa room ni mommy. Yes dito muna kami nakatira sa bahay ni mommy well hindi naman talaga namin kailangan bumukod since technically bahay naman talaga din ng pamilya to..

"Mom??? Mommy...

Kumatok ako sa pinto ng kwarto nya mga apat na beses saka ko narinig ang yabag papalapit sa pinto

"Oh nak. Bakit madaling araw na ah.. Nagugutom kaba?? Gusto mo gisingin ko si manang?

" Hindi napo ma may gusto lang po ako ipakita ang weird eh.

" ha? Ano yun ? May masakit ba sayo??

" wala po pero tignan nyo po yung liner ko may something na yellowish something eh

" Oh my God.. anak.. Manganganak ka na.. Are you sure wala lang nararamdamang masakit??!!!

"Ma relax wala po talaga.. Baka naman joke lang to?

" Anak believe me manganganak kana. Come lets go..

Tumuloy kami pabalik sa kwarto.

"Carlos!!! Sigaw ni mommy

Napabalikwas ng bangon si Carlos..

"Mommy?!!! Hala sya. Bakit po ba kayo nangigising gabi pa eh

Natatawa ako sa itsura ni Carlos parang batang nag mamaktol dahil naistorbo ang tulog nya.

"Aba nagrereklamo kapa dyan. Tumayo ka dyan at ihanda mo yung sasakyan. Manganganak na si Alex.

"Huh!!???? Bakit dimo sinabi agad mom. Kaw naman di ako nagrerklamo tara na

Bigla nalang ito tumalon sa higaan at tumakbo sa pinto

"Carlos!!! Sigaw ulit ni mommy

" yes ma??

" baka gusto mo magpantalon naka boxer shorts kapa.. Hay jusko kang bata ka

" Ay sorry naman.. Ito na po..

Naaaliw ako sa nakikita kong pagkataranta ni Carlos.. Maya maya pay nakaramdam nako ng kirot.

"Ahhhh. Arayy.. Hindi ko napigilang magreklamo

" Ohhh shitt.. Mahal ito na.. Ito na... Halika na dali

Nag aagaw ang tawa at sakit na nararamdaman ko .. Nakakatawa kasi si Carlos nauna pa talaga sya sumakay sa sasakyan

" Carlos.. Ano ba? Iniwanan mo na yung asawa mo.. Jusko aatakihin ata ako sayong bata ka

" Sorry irog ko hala sakay na. Andito na yung mga gamit ng baby kaya tara na.

Simula ng tumuntong ang tyan ko ng 7 months nakalagay na sa kotse ang lahat ng gamit ng baby sa panganganak. Sabi nga eh iba na ang handa. Pero mukang hindi talaga naoag handaan ni Carlos ang mismong araw ng panganganak ko dahil mas taranta pa sya kesa sa akin.. Napag kasunduan na rin namin na hindi mag paultrasound para surprise ang gender ng bata.. Meron akong private doctor na nagchecheck sakin every month para siguradong safe kami ni baby.

"arayy... Kumikirot na naman ang tyan ko.. Nako ito na nga siguro yung every 30 minutes contraction

"irog ko malapit na po.. Ito na malapit napo

" Anak hinga okay.. Malapit na

Sa wakas nakarating kami ng ospital at agad akong ipinasok sa delivery room .

Carlos POV

"Doc.. Kamusta po?

"Carlos buti natakbo nyo sya agad dito sa ospital well 7 cm na sya  actually pwede na nga sya manganak anytime since manipis na ang wall nya..

"Doc kayo na po ang bahala ha..

" Ako na bahala.. Sige mag hintay lang muna kayo dito ha.

Lumipas ang apat na oras pero wala paring balita kung nakapanganak na ba si Alex.. Maya maya pay lumabas uli ang doktor

"Doc. Ano na pong balita?

" hindi parin lumalabas ang bata.. Shes currently in 9 cm na. Mukang nahihirapan ang bata na lumabas , malaki ang bata kaya pag lumipas ang 30 minutes at hindi parin sya nailabas mukang kailangan napo nating i ceasarian si Alex.

" Hindi po ba delikado yun?

"Mas magiging delikado kapag pinatagal pa dahil baka matuyuan ng amionitic fluid si Alex.

" Sige po kung kailangan ,sabihan nyo lang po ako at pipirma ako

"Doc... Doc... Yung pasyente po. 
"Carlos sandali lang ha..

Nagmadaling tumakbo ang doktor pabalik sa delivery room

" Oh God.. Please.. Pag ingatan nyo po ang mag ina ko.. Kayo na po ang bahala

Lumipas ang isang oras saka lumabas ang doktor.

" Carlos.. Congratulations. Its a healthy baby girl

"  salamat po diyos ko.. Ligtas ang anak ko sabi ni mommy

" salamat naman at ligtas ang mag ina ko.

" may hindi pa ako nasasabi.
Ani ng doktor

" Ano po yun? Kamusta po ba si Alex

" ayos naman si alex at nag papahinga ipapalipat ko na sya sa kwarto after malinisan
Ang hindi ko nasasabi ay.. Ganito nalang po sumama po kayo sa nursery room

" walang tanong tanong at sumunod kami sa doktor

" Carlos. Ayan napo ang baby nyo..

Tumingin ako sa malawak na salamin na naghahati sa loob at labas ng nursery room.

" Doc? Alin po ba sa kanila?? Tanung ko
" Sila Carlos.. sila ...

Napalingon ako sa doktor habang nakangiti sya sa amin

" Yes.. Kambal ang anak nyo..
"That cute little girl ang panganay and that little boy ang kakambal nya

" paano nya nakaya ilabas ang dalawang anghel na yan ng hindi kinailangan ng CS? Napansin kong tumutulo ang luha ko sa kaligayahan

" Masyadong malakas ang loob ni Alex. Ayaw nya pumayag na E cs sya dahil ligtas naman nya mailalabas ang bata at nasa pwesto naman.. Malaki lang si baby girl kaya nahirapan sya sa una , but after 2 minutes sumunod din si little boy.

I cant believe na nakayanan nya yun. Isa nga lang grabe na ang hirap naging dalawa pa.

Matapos namin mapuntahan ang mga chikiting pinuntahan naman namin si Alex

Napansin kong kakagising lang nya ng makapasok kami ng kwarto

" Hi irog ko.. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya. Irog ko .. Maraming salamat po sa dalawang angel natin.. Mahal na mahal kita

" Oh Carlos ... Mahal din kita.. Nakita mo naba ang mga bata?

" Yes mahal.. Napakaganda at gwapo nila manang mana sayo..at syempre sa akin hehe

Niyakap ko sya uli bilang pag galang. Respeto sa isang napakalakas na babaeng nakilala ko sa lahat.

Maya maya pay ipinasok na ng nurse ang kambal.

Masaya kong tinitignan ang aking mag iina.. Ang babaeng pinag laanan ko ng buhay ko.. Ang babaeng nagbigay ng ligaya sa aking buhay at ngayon ang babaeng nagbigay kabuuan sa aking pag katao.. Sya si Alex..  ANG AKING SI ALEXANDRA

------- WAKAS , THE END , TAPOS NA ---------

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon