Pagbabago

1K 20 5
                                    

CHAPTER 26

Kinabukasan kinausap ko si mama tungkol sa balak ko.. sinabi ko sa kanya na mag school at home din ako.. gusto ko matutukan ang pag aaral ni ate at gusto ko ring makatapos ng pag aaral.. nakatapos nako ng highschool ng makapasa ako sa ALS.. pwede nako magenroll ng college pero mas pinili ko nalang na mag aral sa bahay o home base kesa pumasok sa school talaga..

Kinausap ko narin si ate tungkol sa mangyayari.. ang tutor ko dati ang kinuha naming tutor ni ate.. kinausap ko narin si Carlos tungkol sa balak kong pag aaral..pumayag naman sya at suportado ako sa desisyon ko..

Kinausap nya ako at sinabing wag na raw ako magtrabaho at susuportaan nya nalang daw ang pagaaral at gastusin namin ni ate.. Pero hindi ako pumayag.. bukod sa malaki laki narin naman ang naipon ko. ayoko iasa sa ibang tao ang buhay namin ni ate..

Nagusap kami na papasok parin ako sa trabaho para mas makaipon at para suportahan kami ni ate.. kilala naman nya ako na hindi ako nagpapa VIP at hanggang table table lang same rules .

Lumipas ang mga araw na unti unti nang natututo si ate sa pagbabasa .. hindi naman din sya nahirapan dahil likas na matalino si ate at maparaan.. nagaaral ako sa umaga at matutulog ako sa tanghali hanggang gabi upang pumasok..

Kinuwento ko narin kay ate ang trabaho ko.. hindi naman sya tumutol dahil alam nyang itong trabahong ito ang bumuhay sakin at ang dahilan kung panu ko sya nabalikan ..

"Sandra , tawag ni ate.. Sandra anu nga tawag dun sa pinaglalagyan ni mama ng labahin nya ?? yung umiikot??

"Ah Washing machine ate bakit??

"ah yun pala yun.. maglalaba sana ako ng mga damit natin total tapos na klase ko.. pwede mo ba ako turuan gumamit??

" Sige tuturuan kita, at tutulungan na rin kita maglaba.. ngiting sagot ko sa kanya

Nakakatuwang Isipin na sabay namin ginagawa ang mga gawaing bahay gaya ng dati, gaya ng masaya pa at buo pamilya namin..kahit saling ketket lang ako at taga abot ng mga gamit masaya parin..

Nagpunta kami sa likod bahay upang ihanda ang mga lalabhan.. tapos na kami magreview ng mga notes namin.. naghahanda ako ng sabon at powder at lahat ng ibang kailangan , habang si ate naman at nagbaliktad ng damit..

Habang naglalaba kami at nagsasabuyan kami ng sabon .. kaya ng matapos kami magbanlaw at magsampay ayun para kaming mga batang basang basa.

" Ang saya nun ate hehehe ulitin natin yun ah.. sabi ko

"Oo sige, ngayon lang uli ako naging masaya..ngayon lang ako gumawa ng gawaing bahay na masaya...

Nakita ko ang lungkot sa mata nya malamang naalala na naman si itay...

Nauna nako pumasok ng bahay para kumuha ng twalya at ng makapagbanlaw na kami.. habang naglalakad ako papasok ay nakarinig ako ng sigaw.

AYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!BLLLAAAGGGGG!!!!!!!!!!!!

Dali dali akong bumalik sa may likod bahay at naabutan ko si ateng nakahiga sa lapag at hawak ang ulo nya..

" Ate anu nangyari sayo?? tanung ko

Nakita kong may bukol sya sa bandang kanan ng ulo nya.

"Wala!!!! pasigaw na sagot nito..

Nagulat ako sa ginawa nya pero naintindihan ko naman kasi alam kong nasaktan sya..

" Ate sorry kung nadulas ka.. kung hindi tayo nagbasaan at naglaro habang naglalaba , dika madudulas.. hinding paumanhin ko.

" Excuse me.. sagot nya.

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon