Rebelasyon

1K 18 3
                                    

Chapter 65

Carlos POV

Sa dami ng mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang buwan  isa lang ang natutunan ko. kailangan ko manalig na magiging maayos din ang lahat

Nang malaman kong may sakit si Mommy hindi nako nag dalawang isip na bumalik ng bahay para asikasuhin sya.

Alam kong kung nasasaktan ako ,mas  nasasaktan sya. OO matagal ko ng alam na hindi kami mag kapatid ni Alex pero dahil sa Last Will and Testament na iniwan ni Daddy wala kaming pwedeng gawin kundi sumunod .

Alam kong nahihirapan sya dahil gusto na nya makasama si Alex at kilalaning syang ina , pero
dahil sa lahat ng pinagdaaanan ni Alex alam kong hindi madali, naalala ko pa nung dumating ang abugado namin sa  bahay, anak ito ng Family Lawyer na nagsisilbi kay Daddy noon at dahil nga abugado rin ito sa kanya na inihabilin ng namayapang ama ang pamamahala sa legal issues sa pamilya namin.

Nang tumapak ako ng 21 years old. dumating ito at binasa sa amin ang habilin ni Daddy
nakapaloob doon na hindi ako pwedeng mag asawa kung wala pa akong 27 years old
para mapagtuunan ko ng pansin ang mga maiiwang negosyo nya. naintindihan ko
naman dahil pinalaki nila akong responsible at wala naman talaga akong balak hanggang sa
nakilala ko na nga si Alexandra. Alam ko naman na para din sa kinabukasan ng magiging pamilya ko kung bakit nya isinama yun sa habilin.  Kasama rin sa Will ang bilin kay mommy na
kung darating ang araw na makilala at makasama namin ang anak nyang babae hinding hindi kami pwedeng maging mag asawa kahit na hindi kami mag kadugo , para mapanatili ang pagiging isang pamilya. wala namang problema sakin yun bilang pag galang sa mga magulang ko
nakalagay din na kung sakaling hindi namin ito susundin lahat ng naiwan ari arian ni Daddy ay mapupunta sa gobyerno , na ayaw ko namang mangyari. hindi dahil ayaw ko mawalan ng pera kundi dahil alam kong pinaghirapan ito ng magulang ko na ipundar at palaguin , at paano nalang si mommy kung mangyayari yun.
pero hindi ko akalain na ang anak na sinasabi pala dun ay si Alex, dahil kung nalaman ko yun noon pa di  sana napigilan ko syang mahalin , di sana wala akong nararamdamang sakit ngayon , di sana magkasama kami bilang isang pamilya at magkapatid ang turingan. pero hindi sadyang mapaglaro ang tadhana dahil sa lahat ng babaeng pwedeng makilala bakit sya pa.

Araw araw kong nakikitang malungkot si Mommy pero diko magawang maging masaya o pumunta man lang kay Alex. Una dahil sa habilin , pangalaw ay dahil kay mommy ayokong bigyan pa sya ng dagdag na sama ng loob , pinili ko na ring ilayo ang sarili ko kay Alex at pilitin ang sarili ko na ituring ko syang nakababatang
kapatid. Hindi naman ako pinapabayaan ni Yna , every now in then binabalitaan nya ako ng nangyayari kayAlex,Kahit alam kong nasasaktan sya dahil mahal nya si Alex tanggap na rin daw nya na wala nang ibang taong mamahalin si Alex kundi ako pero sa kasamaang palad hindi ko masusuklian ang pagmamahal na yun.

Sinabi nya sa akin ang nangyari sa pagdalaw nila kay Sam.

Sa lahat ng taong pwedeng magpahamak kay Alex ay yun pang isang taong pinagbuhusan nya ng panahon ,pagmamahal at atensyon.

Medyo hindi narin ako magtataka dahil ito rin ang nagsabi sakin na pera lang ang habol sakin ni Alex kaya nagpursige akong lalong magbuhos ng sarili sa trabaho at magpayaman.sa totoo lang kahit hindi na namin sundin ang habilin ni Daddy pwede naman eh. ibigay ko man ang lahat ng naiwan nya sa amin may sapat naman akong pera sa negosyo para buhayin ng maayos si mommy o ang magiging pamilya ko pero ayokong suwayin si mommy hanggat hindi sila nagkakaayos ni Alex. o hanggat hindi kami nakakapag usap usap.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng tumunog ang doorbell at dahil wala naman ibang tao sa bahay bukod kay mommy at sa personal nurse nya ,  ako nalang ang nagbukas ng pinto. pinagbakasyon muna namin ang mga kasambahay dahil ayaw ni mommy ng maraming taong nakakakita sa kanya. Dali akong bumaba ng kwarto at binuksan ang pinto , nagulat ako ng Makita si Alex at Yna na nakatayo sa harap ko. naumid ang dila ko at ni hindi ako nakagalaw

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon