awaken

820 8 0
                                    

Chapter 59

Alexandra

" Alex... nakakaalala na si Che .. at ikaw ang unang unang  hinanap nya

"Talaga po?? magandang balita yan..

" Ahmmm Iha. wala sana muna makakaalam delikado kasi wala ka muna sana pagsabihan na nakakaalala na sya. gusto ka nga rin pala nya Makita

" Sige po tita pupunta po ako dyan ngayon salamat po sa balita.

Dalawang araw na ng nakauwi kami dito sa Pinas. sila mama at Dada pinag bakasyon ko muna sa  Bicol para dalawin ang dating kasamahan ni Mama Celia kami naman ni ate ang naiwan sa bahay.

Si ate palaging wala at busy sa school , graduating na kasi sya.

Naligo ako at nag bihis simpleng tshirt at jeans lang ang isinuot ko.inilock ko ang lahat ng pwedeng mabuksan sa bahay at siniguradong nakabukas ang lahat ng cctv sa bawat sulok ng bahay. syempre sinigurado ni Athena na hindi na mauulit pa ang nangyari at ang malaking pag babago meron na kong 3 body  guard at lalong  humigpit ang mga bantay ko. kahit hindi aminin ni Athena alam kong si mommy ang nagpadala sa kanila .

Hindi na rin ako nag tanung at nagreklamo dahil alam kong para sa kaligtasan ko naman yun. may nakaassign din para kina mama at dada

Nakarating ako agad sa bahay nila Che at gaya ng inaasahan kahit na nanghihina parin sya pinilit nyang bumangon para salabungin ako

" Bessy wag kana bumangon ako na lalapit sayo.

"Bessy sobrang miss kita. si Che

"Tita pwede nyo po ba kaming iwan may mahalaga lang kaming pag uusapan

Tumango lang ang tita ni Che at lumabas ng kwarto

" Che.. dimo lang alam gaano ako nag alala sayo. akala ko matatagalan pa bago ka makabalik.anu ba nangyari sayo?

"Bessy. sa totoo lang hindi masyado malinaw ang nangyari sa akin pero isa lang ang masasabi ko hindi ito aksidente.

Nabigla ako sa sinabi nya? kung hindi ito aksidente, e di sinadya
pero sino naman ang siraulong sasadyain ang nangyari sa kanya
kahit alam nilang malapit na ang kasal nya.

" Che pwede mo ba sabihin sa akin bakit sa tingin mo sinadya ang nangyari sayo.? at bakit? sino?

" sasabihin ko lahat sayo bessy pero mangako ka na wala ka muna pagsasabihan

" promise

*****************

Natapos kami mag usap ni Che at hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi nya.

HIndi magagawa ng taong yun ang binibintang nya.

Pero pano ko papaniwalain ang sarili ko. at sino ang paniniwalaan ko
Best friend ko si Che mula pagkabata at alam namin ang lihim ng bawat isa
wala sa kundisyon nya ang gumawa lang  ng kwento at magturo ng kung sino sa nangyari sa kanya.pero bakit anung motibo? may hindi pa sya sinasabi sa akin sisiguraduhin ko. aalamin ko ang lahat ng nangyari. may mali.Umuwi ako ng bahay at nagpaalam sa kanila. sakto din na dumating na si Kurt nang malaman nya na nakakaalala na si Che. ang maganda lang dun tinupad ni Kurt ang pangako nya na hinding hindi nya papabayaan si Che kahit anung
mangyari. Kahit walang kasiguraduhan kong babalik pa ba ang ala ala nito

Naaalala ko pa ang huling pag uusap naming

" Hindi maganda ang lagay ni Che. okay na ang katawan nya kahit nanghihina pero walang senyales na naalala nya tayo

" Alam ko Alex. Pero hindi ako susuko.

" Pano kung hindi na bumalik ang ala ala ni Che

" Gagawa kami ng bago. liligawan ko sya uli. ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal. hindi na mahalaga ang nakaraan kung hindi man nya ako maalala atleast sa kasalukuyan kasama nya pa rin ako . sagot ni Kurt

"Nagpapasalamat ako na andyan ka. buti nalang at may katuwang ako na gagawa ng mga bagong ala ala kay Che. SALamat at tinupad mo ang pangako mo sa kanya .

" Mahal ko si Che, at alam mong gagawin ko ang lahat para sa kanya

****************

Napakaswerte ng Kaibigan ko at may isang lalaking kayang gawin ang lahat para sa ikakaligaya nya sana ako rin.. pero ang lalaking pinapangarap ko ay hindi ko na pwedeng abutin pa.

Tanggap ko na , na hindi kami pwede. tanggap ko na magkapatid kami. pero hindi ako handang Makita sya o makasama. sana maging masaya na rin sya at sana maayos na ang lahat.

&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&

Pasensya na medyo lousy ang chapter na to pero babawi ako sa next chapter promise hehehe . Malapit na po matapos ang kwentong ito at nagbabalak ako gumawa ng kwento about the Gems. yes lahat sila

Sapphire - Wild Lady
Happy  go lucky and independent , YOLO!! yan lang ang laman ng utak ni Skye. para sa kanya ang buhay ay isang maikling istorya
kailangan mong mabuhay at magpakasaya sa napakaikling panahon
na ito. She doesnt care about anything aside from her freedom... matatakasan ka nya ang pag ibig? kapalit ng kalayaan nya?dito nya makikilala si Athena , ang napakagandang dalaga na
magpapabago ng buhay nya

Zircon -  The Virgin
Laki sa kumbento , matapos syang iwan ng walang puso nyang
ama sa harap ng kumbento. Lumaking mahinhin at masunuring bata
hanggang sa dumating ang batang si Kevin na magpapatibok ng bata nyang puso.

Ruby - Sweet child
Anak mayaman , single child at kaya makuha ang lahat ng gusto.. pero maraming kulang.. walang excitement , kulang sa thrill.. Trevlin and Tristyn ang kambal na magpapabago sa buhay Relyssa , ngunit paano?
saan mapapadpad ang curiosity ni Ruby.

Amethyst - The rebel
Kulang sa atensyon , Kulang sa pagmamahal
Ganyan kung tignan ni Aiyana ang buhay nya, may magulang pero walang kasama sa buhay hanggang san sya dadalhin ng nararamdaman nyang ito
makakatulong ba ang bestfriend nyang si Keegan.

Topaz - Revenge
Weed, Kape, Skate board , lakwatsa dyan umiikot ang buhay ni Hanya Manalo.. Isang 26 years old na dalaga na magpapabago sa buhay ng isang rich kid , basagulero , babaero , at nuknukan ng antipatikong si Fynn Isis Alonzo.. hanggang san sila dadalhin ng kalokohang pagtatagpo

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon