Pagtitiis

1.9K 50 2
                                    

Chapter 4

Sam's POV

kakatapos ko lang maglaba.. sumasakit na naman ang kamay at likod ko sa maghapong paglilinis at paglalaba

"kamusta kana kaya? maayos lang kaya ang lagay mo??

naluluhang kinakausap ko ang manikang naiwan ng aking kapatid..

.. mulang ng gabing yun.. para akong nabunutan ng tinik na makalabas ng bahay si Sandra.. bugbog , sipa ,tadyak , suntok ang inabot ko kay itay ng malamang wala na ang aking kapatid.. pero kahit anung gawin nya hindi ko sinabi anu ang aking ginawa..

..punyeta kang bata ka, anung ginawa mo ha??!!! asan ang kapatid mo??!! assaaaannnnn!!!!

..hindi ko po alam tay.. hikbing sagot habang tinatadyakan ako sa tagiliran

.. hinding hindi ko sasabihin kung anung nangyari at kahit alam ko man hindi ko parin sasabihin kung nasan ang kapatid ko...

..Bakit bigla nalang nawala yung batang yun ha..??!!! walang ibang gamit pinatakas mo no??anung ginawa mo??!! sumagot ka !!kung hindi lalo ka malilintikan sakin!!

sampal dito tadyak dun habang nagtutumbahan ang mesa at upuan sa pagwawala ng kanilang ama

..Bakit kasi hindi mo nalang po hayaang umalis si Sandra.. wala naman po syang silbi sa inyo diba??
kailangan kong sabihin ito para maisip ni itay na masyado pang bata si sandra kung anu man ang pinaplano nya

"at talagang sumasagot kapa
pakk!!kung sinu dito ang walang silbi , ikaw yun !!
pasigaw na sabi ni itay sabay hampas ng sinturon..

----

"nay... nay!!! andito napo kami..isang araw na umuwi kami galing sa eskwela.. kasama ko pa noon na naglalakad si sandra na may hawak na manikang papel sa kamay nya...

pagpasok namin ng bahay , wala si inay.. umikot aq sa likod bahay dahil baka nagsasampay si inay o nagwawalis ngunit wala rin sya..muli akong bumalik sa loob at hinanap ang aming ina.. pumasok sa silid at sa kusina..

ate.. nauuhaw po ako..sambit ni sandra

teka kukuha ako ng tubig.at dali dali akong kumuha ng tubig sa banga.. may napansin akong pulang likido sa gilid ng bangga ng hinawakan ko at inamoy.. amoy dugo..

baka naglinis ng isda si inay at tumalsik dito.. tuloy tuloy akong lumabas sa barangilya upang ibigay ang isang baso ng tubig kay sandra..

oh alexandra ito na tubig mo sabay abot dito

salamat ate.. wala po ba si inay?? may pag kain po ba?? tanung nito.

wala sya baka namili ng ulam.. magtinapay ka muna may natira pako kaning recess ito oh..sabay abot ng tinapay

inabot na ng alasotso ng gabi ngunit walang inay na dumating.. nagaalala nako.. wala si itay at wala din si inay.. pinagmasdan kong natutulog si sandra sa papag ng dahil sapagod at gutom... isinarado ko ang pinto at lumabas..
nagikot ikot ako sa mga kapitbahay

maliit na baryo lang ang lugar namin magkakalayo ang bahay kaya kailangan mo pa dayuhin isa isa kung may kailangan ka.. habang naglalakad ako papuntang kila aling tere may naapakan akong malambot na lupa.. madilim at wala akong dalang gasera, dahil isa lamang ang gasera namin at yun ang ginagamit sa bahay ni sandra ngayon.

anu ba ito??kelan pa hinawanan ang lupang ito?.. sa pagkakaalam koy napakaraming damo nito ah.. ahhh baka magtataniman ni inay kaya nilinis at tinanggalan ng damo..

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon