Chapter 40
Natapos ang nakakapagod at stress na byahe hanggang ngayon ay nanginginig parin ako sa eroplano.. pero sabi nga ni Athena masasanay din ako
Hinatid nya ako sa bahay at naabutan naghihintay silang lahat sakin
"Waahhhhhhhhhhh bessssyyyyy!!!! Namiss kitaaaa... tiling bati ni Cheska.
Niyakap ko nalang sya habang natatawa.
"Oi oi oi ako muna aba inunahan mo pa ako.. anakkkkkk... aba ang ganda ganda lalo ng anak ko.. para ka ng artista sa ganda..
"Asus si mama nambola pa.. niyakap ko rin ito..
Humarap ako kay dada at niyakap din ito..
"Ate kamusta.. di ka ba natutuwang nakabalik nako??ngiti ko kay ate sabay yakap
"Natutuwa naman ako.. nahiya lang ako sayo kasi parang ibang tao kana..sagot nito.
"Naku tigilan nyo na nga yan.. ay kabayo.!! Andito pala si Athena.. sorry nalibang kami masyado namiss kasi namin itong si Sandra..
"Okay lang po..nakakatuwa naman po kayo tignan eh..
Nagkatinginan lang kami ni Athena habang nakangiti..
"Sya nga pala may pasalubong ako sa inyo..
Binuksan ko ang bagahe ko at inilabas isa isa ang mga pasalubong nila.. pabango ,damit ,alahas chocolate at kung anu ano pa..
Habang nagkakagulo sila sa pasalubong ay nagpaalam na sa akin si Athena..
"Mauuna nako umuwi alam ko naman na gusto mo na silang makasama.. tatawagan nalang kita bukas kung may lakad tayo ha? Paalam nito
"Sige salamat Athena.. yumakap ako sa kanya at inihatid sa labas ng gate.
Sumakay na ito sa kotse nya habang ako naman ay pumasok sa loob at nakipagkwentuhan sa kanila kung anung nangyari sakin sa Singapore.. pero syempre hindi ko kinuwento lahat puro hapyaw lang..
***********************
Athena's POV
Matapos ko maihatid si Alex ay dumerecho na ako pauwi..pagod dahil sa byahe pero masaya dahil kay alex..
Dumerecho ako ng kwarto at nag hot bath ,nagblower ng buhok at nahiga..
Napapangiti ako pag naiisip ko ang isang linggo namin sa Singapore.. hindi totoong umalis ako ng tatlong araw.. sinadya ko lang na wag magpakita kay Alex sa mga araw na yun
Pero sa lahat ng pagkakataon nandun ako.. nagmamasid.. nakikiramdam at umaalalay.. ayoko makita nya ako kaya kung sino ang hindi naka set sa lesaon for the day sila ang kasama ko inerereport nila sakin ang development ni Alex..
At habang hindi nya ako nakikita nagaasikaso naman ako ng kumpanya.. oo't andun lang ako pero kaliwat kanan ang tawag na natatangap ko.. ang hihintay nalang namin ay approval ng mga producer para sa louching ng newest clothing line ko at ni Alex.
Habang inaalala ko ang mga nangyari ay tumunog bigla ang cellphone ko.. nang tinignan ko si Carlos pala ang tumatawag.. hindi ko alam kong sasagutin ko ba yo o hindi.pero napagpasyahan kong sagutin nalang para makamusta ko na rin sya
"Hello ??
"Yna... salamat at sinagot mo.. kamusta..
"Okay naman.. napatawag ka??tanung ko
"Mangangamusta lang sana..sagot nito
"Hay naku Carlos..luma na yan wag na tayo magpaligoy ligoy pa derechuhin mo na ako..
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Romansa..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...